Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
Ang Sulating Pananaliksik
Ang sulating pananaliksik ay malalimang pagtatalakay sa isang tiyak at naiibang paksa.
Hindi lang ito basta pagsasama-sama ng mga datos na nasaliksik mula sa iba’t ibang primary at sekundaryang mapagkukunan ng impormasyon kundi tagly nito ang obhetibong interpretasyon ng manunulat sa mga impormasyong kanyang nakalap.
Ang interpretasyong ito ang pinakamahalagang elemento ng isang tunay na sulating pananaliksik (Spalding, 2005)
Ayon kina Constantino at Zafra (2010), ang pananaliksik ay isang masusing pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya, konsepto, bagay, tao, isyu, at iba pang ibig bigyang-linaw, patunayan, o pasubalian.
Ayon naman kay Galero-Tejero (2011), ang pananaliksik ay may tatlong mahahalagang layunin: una, isinasagawa ito upang makahanap ng isang teorya; pangalawa, mula sa pananaliksik ay malalaman o mababatid ang katotohanan sa teoryang ito; pangatlo, isinasagawa ang pananaliskik upang makuha ang kasagutan sa mga makaagham na problema o suliranin.
PANGKALAHATAN
Ang pananaliksik ay isang sistematikong proseso ng pangangalap, pag-aanalisa, at pagbibigay-kahulugan sa mga datos mula sa mga mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng impromasyon upang masagot ang isang tanong, upang makadagdag sa umiiral na kaalaman, o pareho.
Ang resulta ng isang pananaliksik ay maaaring maghatid sa atin sa isang bagon teorya o konsepto, tumiwalas o sumusuporta sa isang teorya o konsepto, rekomendasyon, o isa pang tanong na nangangailangan nang mas malalim na pananaliksik.
PAGKAKAIBA
Pagkakaiba ng Sulating Pananaliksik sa Ordinaryong Ulat o teksto
Ang pagbuo ng sulating pananaliksik ay hindi basta katulad lang ng pagbuo ng isang ulat kung saan ang manunulat ay mangangalap din ng impormasyon patungkol sa paksang isusulat at saka ilalahad ng tungkol sa mga nakalap na impormasyon.
Ang pokus ng isang sulating pananaliksik ay limitado di tulad ng ibang teksto na may malawak na paksa.
Magkaiba rin ang dami o lawak ng gagamiting mga kagamitan o sanggunian para as mga sulating pananaliksik at sa iba pang teksto.
Sa mga sulating pananaliksik, kinakailangan na mag-implementa ng paghahanda at ng mga metod upang ito ay maisagawa.