Kabihasnang Klasiko sa mga Pulo sa Pasipiko
Kabihasnang Klasiko sa mga Pulo sa Pasipiko
Hinati ng mga heograpo ang
mga isla sa Pasipiko sa tatlong
malalaking pangkat: Melanesia,
Polynesia, at Micronesia.
Ang Karagatang Pasipiko ay bumabalot sa humigit-kumulang sangkatlo ng kabuuang ibabaw ng mundo na katatagpuan ng libo-libong isla. Ang mga pulo sa Pasipiko o
Oceania ay binubuo ng 20 000 hanggang 30 000 pulong nakakalat sa Karagatang Pasipiko. Ang mga pulo o isla na matatagpuan dito ay may iba’t ibang laki; mayroong sapat lamang ang laki para makatayo ang isang tao.
MGA PULO SA PASIPIKO
O OCEANIA
MGA PULO SA PASIPIKO
O OCEANIA
- Ang Oceania ay binubuo ng kalat-kalat na lupain na matatagpuan sa bahaging timog ng Karagatang Pasipiko. Ang Oceania na umaabot sa humigit-kumulang 25 000 mga pulo na nakalatag sa lawak na 70 milyong mi2 (181.3 milyong km2).
- Ang mga bansang Papua New Guinea, Solomon Islands, at Vanuatu ay nababalutan ng makakapal na kagubatan. Tinatawag na Garden of Eden ang mga pulo sa Pasipiko dahil sa mga likas na yaman.
- Dahil sa lawak ng rehiyon, hinati ito sa tatlo: (1) Melanesia; (2) Micronesia; at (3) Polynesia.
Melanesia
- Hango sa salitang "melanin" kahulugan ay "madilim o maitim"
- Ang mga Melanesian ay may magkakaibang kultura at wika.
- Ayon sa kanilang kasaysayan, may pagkakahawig ang mga unang nanirahan sa Polynesia at Micronesia, na pinaniniwalaang may kaugnayan sa mga aborigine ng Taiwan na sinundan ng mga Austronesian. Papuan ang tawag sa karamihan ng taga-Melanesia.
Melanesia
- Ang pangunahing hanapbuhay ng mga Melanesian ay ang pagsasaka, pangingisda, at pangangalakal. Pangunahing pagkain ay yam,niyog, at kamote. Nagtatanim din sila ng pandan,at sago palm, cacao, kape, at goma. Bukod dito,sila rin ay nagmimina ng pilak, tanso, ginto, lead, zinc, carbon, at langis.
- Ang mga Melanesian ay walang sinasambang diyos ngunit sila ay naniniwala sa animismo, na ang puwersa ng buhay ay likas sa tao at sa kalikasan kaya wala na silang kinikilalang lumikha o diyos. Samantala, ang mga taga Solomon Islands at Vanuatu ay naniniwala sa mana, isang espiritwal na puwersa na gumagabay sa buhay ng tao.
Micronesia
- Ang salitang Micronesia ay nagmula sa salitang Griyego na ang ibig sabihin ay “maliit na isla.”
- Ang mga naninirahan sa Micronesia ay tinatayang nagmula sa Timog-Silangang Asya. Ang wikang ginagamit sa rehiyon ay wikang Malayo-Polynesian.
- Pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay,Nakapagtatanim ng taro, yam, breadfruit, pandan, at iba pa.
Micronesia
- Sagana rin sila sa asukal at starch na ginagawang harina. Bukod dito, pangingisda, paggawa ng simpleng palayok, at pangangalakal ang iba pa nilang ikinabubuhay. Gumagamit sila ng mga bato at shell bilang paraan ng palitan.
- Ang sinaunang pamayanan sa Micronesia ay nanirahan malapit sa mga lawa o dagat-dagatan. Naging ugali nila na lumabas at maglayag sa karagatang nakapaligid dito
- Animismo rin ang pinaniniwalaan ng mga Micronesian noon. Nagsasagawa sila ng mga ritwal bilang paggalang sa kalikasang kinapalolooban ng kapangyarihang nagbibigay ng masaganang ani.
Polynesia
- mula sa salitang "poly" na nangangahulugang "marami" at "nesia"na ang kahulugan ay "isla".
- Pagsasaka at Pangingisda ang pangunahing hanap buhay dito.
- Taro, breadfruit, niyog, at padanus ang tamin nila.
- Sagana sila sa Asukal at Starch.
- May kaalaman sila sa paggawa ng palayok ang lipunan sa Marianas, Palau at Yap.
- Ang sentro ng pamayanan noon ay ang tohua o ang plasang panseremonya, na matatagpuan sa gilid ng mga kabundukan at mga bulkan. Dito rin matatagpuan ang tirahan ng mga pari at iba pang mga banal na estruktura.
Polynesia
- Naniniwala sila sa banal na kapangyarihan na kung tawagin nila ay mana. Sa mga sinaunang Polynesian, ipinagkakaloob ang mana sa mga taong may kakaibang galing, tapang, at talino.
- Nagkakaiba man ang relihiyon at paniniwala ng mga tao sa mga pulo ng Polynesia, halos nagkakatulad pa rin ang mga ito sa paniniwala sa paraan ng pagkakalikha ng daigdig at ng sangkatauhan.
PINAGMULAN NG MGA
SINAUNANG TAO SA PASIPIKO
PINAGMULAN NG MGA SINAUNANG TAO SA PASIPIKO
- Ang pagkakaiba ng mga tao sa mga pulo sa Pasipiko ay nagpapatunay na sila ay nanggaling sa iba’t ibang pook.
- Thor Heyerdahl, isang eksplorer mula Norway, naniniwala siya sa teorya ng migrasyon na nagmula sa silangan.
- Sa kabilang dako, ilang siyentista ang naniniwala na ang pandarayuhan ay mula sa Timog-Silangang Asya noong magkadikit pa ang Australia at New Guinea. Ang mga tao noon ay pagala-gala sa paghahanap ng pagkain. Nang matunaw ang mga yelo ay dumating naman ang mga taong marunong nang magtanim. Sila ang mga Austronesian.
- Ang Austronesian ay tumutukoy sa mga taong nagsasalita ng mga wikang Austronesian o Malayo-Polynesian, ang pinakamalaking pamilya ng wika sa daigdig.
PINAGMULAN NG MGA SINAUNANG TAO SA PASIPIKO
- Ayon sa teorya ng iskolar na si Peter Bellwood, nagmula sa Timog Tsina ang mga Austronesian. Dahil sa hangad na makahanap ng mga bagong teritoryong masasaka, umalis sila sa Tsina at nandayuhan noong 4 000 BK.
- Narating nila ang mga bansang Taiwan, Pilipinas, Malaysia, at Brunei. Pagsapit ng 2 000 BK, may mga Austronesian na nagtungo pakanluran hanggang sa makarating sa Madagascar sa Africa. Samantala, ang iba ay tumungo pasilangan, tumawid sa Karagatang Pasipiko, at nanahan sa mga pulo sa Pasipiko.
- Narating din nila ang Tonga, Samoa, at Marquesas. Tinatayang sila ay nasa pulo ng Hawaii noong 100 BK. Ang pinakamalayong narating nila ay ang Easter Island, isang pulo sa Pasipiko na bahagi na ng Timog Amerika.