Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
Ethan Trestisa
Nagsimula ang kwento ng isang araw ay nagising si Thor ng hindi nakita ang kanyang martilyong mjohllnir. Grabe ang galit na nadarama niya. Sinubukan niyang hanapin ito sa iba't-ibang lugar ngunit hindi siya nagtagumpay. Dahil sa kanyang kabiguan, hinanap niya ang kanyang kapatid na si Loki at sinabing may nagnakaw ng kanyang martilyo at mahusay ito manlinlang. Tinulongan naman ito ng kapatid at tumungo sila kay Freya. Si Freya ay may balabal na yari sa balahibo ng falcon na may kakayahang makapunta sa ibang lugar. Nagtagumpay silang hiramin ito kay Freya
Cyrene Belmonte
Humuhini ang mga balahibo ng falcon habang inililipad nito si Loki papunta sa Jotunheim, at doon nga ay natagpuan nila si higanteng Thrym na naka upo sa bulwagan ng mga higante. Sila ay kinamusta ni Thrym ang mga Diyos at Duwende, sinagot naman ito ni Loki at sinabing may problema ang mga Diyos at ang mga Duwende, tinanong na rin ni Loki kay Thrym kung siya ba ang nagnakaw at nagtago ng martilyo. Inamin ni Thrym na siya nga ang nagnakaw, ibinaon nya rin ang martilyo ng walong milya ang lalim sa lupa. At sinabi na ibibigay nya lang ito kung papayag na magpakasal si Freya sakaniya. Humuhuni muli ang balabal ni Freya nang si Loki ay pabalik na sa Asgard, doon ay naghihintay na si Thor sa kanyang pag balik. Nag tanong si Thor kung ano ang balita at umaasa sya na ang hatid na balita ni Loki ay hindi kalokohan lang. May dalang balita si Loki na hindi kalokohan lamang.
Gelo Piadozo
Kaagad, hinanap ni Thor si Freya. Sinabihan siya nito na magsuot ng damit-pangkasal. Kailangan niyang pakasalan si Thrym.
Si Freya ay lubos na nasaktan at nagalit na si Thor ay magmumungkahi pa ng ganoong bagay.
Naunawaan ni Thor ang ginawang pagkilos ni Freya
Ang lahat ng mga diyos ay nagdaos ng isang konseho upang talakayin kung paano nila ibabalik ang martilyo ni Thor.
Ang pinakamatalinong diyos, si Heimdall, ay nagmumungkahi na magsuot si Thor ng damit-pangkasal, ilang gemstones, espesyal na kuwintas ni Freya, at ilang susi. Sa madaling salita, dapat magbihis si Thor bilang si Freyja at maglakbay sa Jotunheim upang maibalik ang kanyang martilyo.
Hindi natuwa si Thor sa planong iyon. Siguradong siya ay pagtatawanan lamang.
Sinabihan ni Loki si Thor na kailangan subukan ang plano na ito. Kung hindi niya maibabalik ang kanyang martilyo mula sa mga higante, gagamitin nila ito para sakupin ang Asgard.
Nag-aatubili, pinahintulutan ni Thor ang mga diyos na bihisan siya ng isang wedding gown.
Nagpasya si Loki na sasama siya kay Thor sa Jotunheim bilang isang abay.
Tinawag ni Thor ang kanyang karwahe na pinapatakbo ng kambing. Pagkatapos ng maraming kulog at kidlat, dumating sina Loki at Thor sa Jotunheim.
Samantala sa Jotunheim abala si Thrym sa paghahanda para sa pagdating ng kanyang asawa
Neo Caberto
Inagaw ni loki ang trono at habang nasa mundo ng mga tao si thor natutunan niya ang maging ugaling bayani. Sa mundo ngayon umiiral ang inggit, krimen, sakit, galit, subalit sa kabila nito'y naryan din ang pag-asang kinakapitan sa panahon ng kasawian. Nung bumalik si thor sa kanilang tirahan kinalaban nito si loki upang maibalik ang trono sa kanilang ama at nagawa niya ito.
Marvin Gongona
Napakamot si Thor sa kanyang ulo at sumubok muli, ngunit hindi parin niya ito mapagalaw. Sinubukan niyang itulak ng malakas ang matanda ngunit bigo parin siya.
Sa kanyang pagkainis, sinubukan niyang ihagis ang matanda sa sahig, ngunit hindi niya talaga ito magawa. Naging suwerte lang siya na hindi siya tuluyang naibagsak ng kalaban ng silay nagbuno na. Umalis siya sa palasyong iyon na may malaking kahihiyan.
Nang siya' y papalabas na ng kaharian, hinabol siya ng hari. "Dakilang Thor," aniya, "nang sinubukan mong ubusin ang laman ng inumang tibuli, ginawa mo itong kahanga-hanga na kung hindi ito nakita, |hindi ako maniniwala. Sa dulo ng tambuli ay ang mismong dagat, at kung titingnan mo ang dalampasigan, malalaman mo kung gaano karaming tubig ang nawala.
Pagkatapos nito, natakot ang lahat sa pagkakaangat mo sa paa ng pusa, sapagkat ang pusang ito ang siyang ahas na pumapaikot sa mundo, nanginig ang buong daigdig nang lumuwang ang pagkakapit nito. Ang humarap at makipagbuno nang matagal sa matandang babaeng iyon ay kahanga-hanga, sa kanyang katandaan, walang tao ang maaaring makapagbagsak sa kanyang salamangka. Galit na galit si Thor sa panlilinlang sa kanya, inabot ang Miolnir, at nang akma niyang ihagis ito, naglaho ang hari ng mga higante. Lubha ang kalungkutang ibinigay kay Thor ng pangyayari, matagal siyang nanatili sa tuktok ng pinakamataas na bundok na kanyang nakita at paulit-ulit na inihahampas ang kanyang Mjolnir. Nagdulot ito ng mababangis na kidlat sa buong sanlibutan.
Gongona, Marvin
Reporter
Caberto, Neo
Reporter
Piadozo, Gelo
Reporter
Trestisa, Ethan
Reporter
Belmonte, Cyrene
Reporter
De Guzman, Althea
Reporter
Mendoza, Samantha
PPT