Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
Layunin nitong ilarawan ang mga katangian ng mga bagay, pangyayari, lugar, tao, ideya, at iba pa.
Ginagamit ang paglalarawan sa halos lahat ng uri ng teksto upang magbigay ng karagdagang detalye at nang tumatak sa isipan ng mambabasa ang isang karansan o imahe ng paksang tinatalakay.
May dalawang paraan ng paglalarawan upang makamit ang layon ng tekstong deskriptibo
Sa karaniwang paglalarawan, tahasang inilalarawan ang paksa sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga katangian nito gamit ng mga pang-uri at pang abay
Madalas ginagamit ang paglalarawan sa mga pananaliksik tungkol sa teknolohiya, agham, at agham panlipunan.
Malaking dahilan ng polusyon ng hangin ang industriyalisasyon at urbanisasyon, lalo na ang pagbuga ng usok mula sa mga kotse sa kalsada, at paggamit ng karbong sa halip na mga ligtas na alternatibong mapagkukunan ng enerhiya. Sa Tsina, ang malalaking pabrika at gawaing industriyal ang nagdudulot ng makapal at nakakalasong usok.
(Mula sa Asya: Noon at Ngayon nina Alvarez and Ditchella)
Sa masining na paglalarawan, malikhain ang paggamit ng wika upang makabuo ng kongkretong imahe tungkol sa inilarawan.
Tinatangka nitong ipakita, iparinig, ipaamoy, ipalasa, at ipadama ang isang bagay, karanasan, o pangyayari.
Malaking dahilan ng polusyon ng hangin ang industriyalisasyon at urbanisasyon, lalo na ang pagbuga ng usok mula sa mga pabrika at mga kotse sa kalsada, at paggamit ng karbon sa halip na mga ligtas na alternatibong mapagkukunan ng enerhiya. Sa Tsina, kung saan dambuhala at singdami ng kabute ang mga pabrika na dala ng maunlad nilang industriya, halos balutan na ng itim at nakakalasong ulap ang buong siyudad.
Bagaman may tinatawag na deskriptibong sanysay, mas madalas na sumulat ng tekstong deskriptibo upang magsilbing karagdagan o suportang detalye sa isang sulatin.
Mahalagang malaman ang layuning ng isinusulat at pinag-isipan kung paano makatutulong ang paglalarawan bilang karagdagan o suportang detalye sa mensaheng nais ipabatid
ay tumutukoy sa paghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao, o pangyayari sa pamamagutan ng mga salitang 'tulad ng', 'parang', 'kagaya', at 'katulad'.
Ay tumutukoy sa tuwirang paghahambing kaya'y hindi na kailangan gamitan ng mga salitang naghahayag ng pagkakatulad.
Ay tumutukoy sa paglalapat ng mga katangiang pantao sa mga na abstrakto o walang buhay.
Ay tumutukoy sa eksaherado o sobrang paglalarawan kung kaya hindi literal ang pagkakahulugan.
Ay tumutukoy sa paggamit ng salitang may pagkakatulad sa tunog ng bagay na inilarawan nito.