Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

Epikong Agyu , Darangen at Bantugen

mga impormasyon at kaisipan mula sa

tatlong epikong ito bilang halimbawa sa pagtalakay sa katangian at

kahalagahan ng Epiko sa kultura at buhay sa Mindanao.

Agyu

Isang araw ay pumunta si Agyu sa bundok ng Sandawa upang manghuli ng baboy-ramo. Umuwi siya na dala ang kanyang huli.Hinati nila ang baboy ramo sa kanila at sa kanyang alipin. "bakit ayaw mong kumuha ng karne para sa iyo,at sa iyong Asawa sa Ayuman,banlak?>"tanong ni Agyu sa kanyang kapatid na lalaki.Ang asawa ni Banlak na si Mugan ay naiwan sa Ayuman sapagkat nagkaroon ito ng ketong.Nagboluntaryo na lamang si Lona na pumunta sa Ayuman dala ang karne para kay Mugan.

Ngunit hindi nila nakita ang kapayapaan sa Tigyangdang. Napakaraming kaaway ang nagpapaalis sa kanila sa Tigyangdang. At kahit anong gawin nila ay hindi nila matalo ang kalaban.

Nang dumating ang pang-apat na araw ng pakikipaglaban ay lumapit ang kanyang batang anak na si Tanagyaw.

“Payagan mo akong lumaban, ama,” sabi niya.

“Ngunit napakabata mo pa, anak,” sinabi niya rito.

“Marahil nga ay bata ako ngunit ako ay matalino, ama,” pilit ni Tanagyaw.

“Humayo ka at nawa ay tulungan ka ng mga diyos. Ingatan mo ang sarili mo!”

At umalis na si Tanagyaw upang pumunta sa labanan. At natalo niya ang mga kalaban

Nais ng datu ng Baklayon na ipakasal ang kanyang anak na si Paniguan kay Tanagyaw ngunit hindi pa ito handa na mag-asawa. At nang bumalik si Tanagyaw sa

Tigyangdang ay nagpunta si Paniguan sa Tigyangdang, nagtungo si Paniguan sa kanya. Sinabi nito kay Agyu na nais nitong pakasalan si Tanagyaw. Sumang-ayon si Agyu at ikinasal sina Tanagyaw at Paniguan.

Ngayon ay tatamasahin na nila ang magandang buhay na

mailap sa kanila noong una. Ang ani ay masagana at ang mga hayop ay

dumarami na sa bilang. Isang araw tinawag niya ang anak na si Tanagyaw.

“Ibinibigay ko na sa iyo ang Sunglawon. Ipagtatanggol mo ito at

pamahalaan ito ng.may hustisya at pagpapahalaga sa mga tao.”

. “Tutuparin ko po ito sa tulong ng mga diyos, ama sagot ni Tanagyaw.

Sumunod na umaga, sina Tanagyaw at Paniguan kasama ang kanilang

mga alipin.ay nagsimulang maglakbay patungo sa Sunglawon. Handa na sila

upang magsimula.ng isang pamilya.

Darangan

- Sa murang edad ay nagpakita si Prinsipe

Bantugan ng magagandang katangian na higit sa kanyang nakatatandang kapatid na si Prinsipe Madali.

- Laging sinasabi ng kanilang guro sa kanilang ama

na si Prinsipe Bantugan ay napakatalino..Mabilis siyang matuto, kahit sa paggamit ng espada at palaso.

- “Napakalakas niya! ang sabi ng isang matandang lalaki nang makita ang patay na buwaya.

- “Halika, pasalamatan natin ang prinsipe sa pagpatay niya sa halimaw!” sabi ng pinuno ng bayan.

- Nang umabot na si Prinsipe Bantugan sa kanyang kabinataan, siya ay naging pinakamagaling na sundalo sa kaharian..Lagi niyang pinamumunuan ang mga sundalo sa labanan..At lagi silang nagwawagi laban sa mga kalabang kaharian. Ang kanyang pangalan ay naging bukambibig ng lahat ng mga sundalo

ng mga kalapit na kaharian..Hindi nagtagal ay wala nang kaharian na nangahas kumalaban sa kanila..Kapayapaan at pag-unlad ang naghari sa kaharian dahil natamo nila ang respeto at pagkilala ng mga kalapit kaharian.

- Nalungkot si Prinsipe Bantugan sa iniutos ng kanyang kapatid..Nakita niya

ang sarili na parang mayroong nakakahawang sakit..Lahat ay lumalayo sa

kanya, kahit ang mga kababaihan..Kahit ang mga taong kanyang

minahal..Walang gustong kumausap sa kanya sa takot na baka makulong at

maparusahan ng hari..Dahil hindi na niya matagalan ang mga ito, nagpasiya ang

prinsipe na lisanin ang kaharian at manirahan sa malayong lugar kung saan siya

nanirahang habambuhay.

Darangan

Bantugan

- Si Prinsipe Bantugan ay kapatid ni Haring Madali sa kaharian ng Bumbaran. Ang prinsipe ay balita sa tapang at kakisigan, kaya't maraming dalaga ang naaakit sa kanya. Dahil sa pangyayaring ito, si Haring Madali ay naiinggit sa kapatid. Nag-utos siya na ipinagbabawal na makipag-usap ang sinuman kay Prinsipe Bantugan. Ang sinumang mahuling makipag-usap sa

prinsipe ay parurusahan. Nalungkot si Prinsipe Bantugan at siya'y naglagalag, siya'y nagkasakit at namatay sa pintuan ng palasyo ng Kaharian ng Lupaing nasa Pagitan ng Dalawang Dagat.

- Nalungkot si Haring Madali. Dali-dali siyang lumipad patungo sa langit upang bawiin ang kaluluwa ni Bantugan. Nang makabalik si Haring Madali, dala ang kaluluwa ni Bantugan, ay dumating din si Prinsesa Datimbang na dala naman ang bangkay ni Bantugan. Ibinalik ang kaluluwa sa katawan ni Bantugan. Nabuhay na muli si Bantugan at nagdiwang ang buong kaharian pati na si Haring Madali.

- Samantala, nakarating naman ang balita kay Haring Miskoyaw na

namatay si Bantugan, ang matapang na kapatid ni Haring Madali. Nilusob ng

mga kawal niya ang Bumbaran. Itinigil ang pagdiriwang at nakilaban ang mga

kawal ng Bumbaran. Nanlaban din si Prinsipe Bantugan subalit dahil sa siya ay

nanlalata pa dahil sa bagong galing sa kamatayan, siya ay nabihag. Siya'y

iginapos, subalit nang magbalik ang dati niyang lakas, nilagot ni Bantugan ang

kanyang gapos at buong ngitngit niyang pinuksa ang mga kawal ni Haring

Miskoyaw. Nailigtas ni Bantugan ang kaharian ng Bumbaran. Ipinagpatuloy ng

kaharian ang pagdiriwang. Nawala na ang inggit sa puso ni Haring Madali.

Dinalaw si Bantugan ang lahat ng mga prinsesang kanyang katipan. Pinakasalan

niyang lahat ito at iniuwi sa Bumbaran na tinanggap naman ni Haring Madali

nang malugod at buong galak. Namuhay si Bantugan ng maligaya ng mahabang

panahon.

Bantugan

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi