Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
Ang pagiging mapanagutan ng mga magulang ay nangangahulugan ng malayang pagganap sa kanilang mga tungkulin kakambal ang pagtaggap sa anumang kahihinatnan ng kanilang mga pagganap at hindi pagganap mga ito.
Kasama rito ang paghahanda para sa kanila sa buhay at paggabay sa kanila upang makamit nila ang tunay na tunguhin ng tao - ang kaniyang kaligayahan at kaganapan bilang tao.
Pangunahing dapat na ituro ng magulang sa kanilang mga anak ang wastong paggamit ng kalayaan sa mga materyal na bagay. Kailangang maturuan ang mga bata na mamuhay nang simple. Sa ganitong pagmumulat, maisasapuso ng mga anak na mas mahalaga ang tao sa kung ano siya at hindi sa kung ano ang mayroon siya.
Bahagi ng buhay ng isang lalaki at babae na nagpasiyang magpakasal ang magkaroon ng mga anak - ito ay bunga ng kanilang pagtugon sa tawag ng Diyos na magmahal.
At mula sa pagiging mag-asawa, sila at makabubuo ng isang pamilya - isang pamilya na tungkulin nilang alagaan at arugain.
Mahalagang may kakayahan silang harapin ang anumang hamon sa lahat ng pagkakataon na ginagabayan ng prinsipyong moral.
Mahaga ring maisapuso nila ang mga pagkakaroon ng pananagutan sa Diyos, sa kanilang konsensya, at sa lahat ng mga taong ibinigay sa kanila ng Diyos upang paglingkuran at alagaan.
Ang tungkulin ng mga magulang sa kanilang mga anak ay hindi nagtatapos sa pagbibigay sa kanila ng makakain, maiinom, maisusuot, at matitirahan o sa paghahanda sa kanila para magkaroon ng magandang trabaho sa hinaharap.
Ang karapatan para sa edukasyon ng mga bata ay orihinal at pangunahing karapatan. Kasama ng pagkakaroon ng karapatan ng mga bata sa edukasyon ay ang karapatan ng mga magulang na sila ay turuan. Ito ang dahilan kung bakit ang mga magulang ang itinuturing na una at pangunahing guro ng mga anak sa tahana.
Ito ay isang tungkulin na hindi maaaring talikuran o iipasa sa iba.
b. pagmamahal - dahil sa paghubog sa kakayahang tanggapin ang isang tao na tumitingin sa kaniyang kakayahan at katangian ay tanda ng malalim na pagmamahal at;
Narito ang ilan sa mga pamamaraan na maaaring makatulong sa iyo at sa iyong pamilya.
1. Tanggapin na ang Diyos ang dapat maging sentro ng buhay-pampamilya.
2. Ituon ang pansin sa pag-unawa
3. Hayaang maranasan ang tunay malalim nitong mensahe.
Ang pagsisisi ay bunga ng maling pagpili. Ang pagkakaroon ng kakayahan sa mabuting pagpapasiya ay bunga ng karunungan at pagpapahalagang naitanim ng mga magulang sa kanilang mga anak mula noong sila ay bata pa lamang. Ito ay bunga ng pagtitiwala at pagbibigay sa mga bata ng kalayaan na gumawa ng pagpapasiya na ginagabayan ng maingat na paghusga.
Maaaring isipin nga simpleng turo ito ngunit ang turong ito ay magbubunga ng iba pang mga pagpapahalaga tulad ng:
a. pagtanggap - dahil sa paghubog sa kakayahang tanggapin ang tao bilang siya at hindi siya susukatin batay sa kung ano ang maaari niyang maibigay.
c. katarungan - dahil nagbubunsod ito upang kilalanin at igalang ang dignidad ng tao.
4. Gamitin ang mga pagkakataon na handa ang bawat kasapi ng pamilya na makinig at matuto.
5. Tulungan ang bawat kasapi upang maitanim sa kanilang isipan ang mga itininuturo tungkol sa pananampalataya.
6. Iwasan ang pag-aalok ng "suhol"
7. Ipadanas ang pananampalataya nang may kagalakan.
Sabi ni Stephen Covey sa kaniyang aklat na 7 Habits of Highly Effective Families, may mga pag-aaral na nagpapatunay na ang mga pakikibahagi ng isang tao sa mga gawaing pangrelihiyon ay mahalaga upang magkaroon ng pangkaisipan at pandamdaming kalusugan at katatagan lalo na kung ito ay ginagawa ng tao nang may pagkukusa o bukas puso.
Mahalaga sa murang edad pa lamang ay binibigyan na ng laya ang bata na magpasiya para sa kaniyang sarili, mga simpleng pagpapasiya tulad ng damit na isusuot, ano ang kaniyang gustong kainin at inumin, ang musikang kaniyang pakikinggan, at iba pa. Ang mga pagpapasiyang ito ay makatutulong upang mataya ang kaniyang kakayahan sa pagpapasiya upang maibahagi sa kaniya ang tulong o paggabay na kaniyang kailangan.