Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

2. Haba ng Diin

Haba - pagtitigil ng pagbigkas sa patinig ng pantig ng isang salita.

Diin - lakas sa pantig ng isang salita

Halimbawa:

/magkaibi:gan/ - 'friends'

/magka:ibigan/ - 'lovers'

/magnana:kaw/ - 'thief'

/magna:na:kaw/ - 'will steal'

/magna:nakaw/ - 'will go on stealing'

3. Tigil o Antala - pagtigil ng pagsasalita sa pagitan ng mga salita sa isang pahayag.

Halimbawa:

'Hindi ako ang nagnakaw' - itinatanggi ang paratang

'Hindi, Ako ang nagnakaw' - pinagdidiinang siya ang may kagagawan ng pagnanakaw

Ponemang Suprasegmental:

1. Tono - ang taas-baba ng pagbigkas ng mga pantig ng isang salita.

a. du ma b. ting

ting du ma

Ang dumating sa (a) ay nagsasanay, samantalang ang dumating sa (b) ay nagtatanong o nagdududa.

Mga Klaster o Kambal-Katinig - tawag sa magkakabit na dalawang katinig sa iisang patinig.

Halimbawa:

preno sweldo park

trabaho byenan kard

kwento blangko drayber

klase nars apartment

Pares Minimal - pares ng salitang magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad sa bigkas maliban sa isang ponema sa magkatulad na posisyon.

Halimbawa:

p at b sa pala - bala

t at d sa tila - dila

k at g sa kulong - gulong

Hindi maaaring tawaging pares minimal:

kape at kafe

pata at taba

ANG LINGGWISTIKA

2. Mga Diptonggo ng Filipino

Diptonggo – tawag sa magkasunod na tunog sa isang patinig at isang malapatinig sa isang pantig ng isang salita. Ang malapatinig na /w/ at /y/ ay mahahalagang tunog upang bumuo ng isang diptonggo.

Halimbawa:

Sa malapatinig na /w/; Sa malapatinig na /y/;

tanaw kamay

aliw reyna

tuluy-tuloy

Di matatawag na diptonggo:

tanawin kamayan

aliwin tuluyan

bawal buhayin

pawis kahuyan

Mga Sangkap sa Pagsasalita

May tatlong salik na kailangan ang tao upang ito’y makapagsalita:

1. Enerhiya

2. Ang artikulador

3. Resonador o Palatunugan

Ang bibig ay may apat na mahahalagang bahagi na giniagamit sa pagsasalita:

1. panga at dila (ibabang bahagi)

2. ngipin at labi (unahang bahagi)

3. matigas na ngalangala (itaas na bahagi)

4. malambot na ngalangala (likurang bahagi)

a. palatunugan (phonology)

b. palabuuan (morphology)

c. palaugnayan (syntax)

Mga Glottal na Tunog

Dalawang Sangay ng Pag-aaral ng Ponolohiya

1. Ponetika – tumutukoy sa pagkilala sa mga vocal organs na nagagamit sa paglikha ng mga tunog gayon din ang pag-aaral sa kung paano ito nilikha.

2. Ponemika – pagkilala sa pagkakaiba ng gamit at kahulugan ng mga vocal organs gayon din ang kaugnayan nila sa isa’t - isa.

Sa transkripsyon ng salita, ang /’/ ay ginagamit upang ipakita ang impit na tunog sa;

a. unahan ng salitang nagsisimula sa patinig;

/a: ayaw/, /’inis/ , /’e:wan/ , /’o:ras/ , /’ulam/

b. pagitan ng unlaping nagtatapos sa katinig na ikinakabit sa salitang-ugat na nagsisimula sa patinig. Ito ay ang mga salitang pahiwalay ang bigkas;

/mag’a:way/ , /pag’i:big/ , /pan’una:wa h/

c. sa dulo ng salitang nagtatapos sa patinig na may impit na tunog sa dulo;

/salita’/ , /binhi’/ , /salapi’/ , /malago’/

Ang /h/ naman ay ginagamit sa dulo ng salitang nagtatapos sa patinig na may bahagyang pagbubukas ng epiglotis.

Paraan ng Artikulasyon:

  • Pasara -ang pagkakaroon ng bahagyang pagsara ng epiglotis upang harangan ang hangin sa pagpasok o paglabas. /p,t,k,b,d,g/
  • Pailong -ang padaan ng hangin sa ilong kapagka ang mga labi ay natitikom at ang malambot na ngalangala ay bumaba upang bigyan-daan ang hangin sa paglabas nito sa bibig. /m,n/
  • Pasutsot -sa pagitan ng dila at ng ngalangala dumadaan ang hanging lumalabas /s,h/
  • Pagilid -sa gilid ng dila lumalabas ang hangin sapagkat ang dulong dila ay nakadikit sa punong gilagid.
  • Pasaltik -ang hangin ay malayang nakalalabas sa mga taas na bahagi ng nakaarkong dulo ng dila na bahagyang nakataas.
  • Malapatinig -naiiba ang mga ito sapagkat malayang paglabas ng hangin sa bibig ay dumadaan nang malaya sa ibabaw ng dilang bahagyang nakadikit sa ibabang gilagid. /y,w/

Mga Punto ng Artikulasyon :

  • Panlabi - ang mga labi ay nagdidikit habang ang mga ponemang ito ay binibigkas. /p, b, m/
  • Pangngipin - ang dulo ng dila ay dumidikit sa mga ngipin sa itaas. /z, d, n/
  • Panggilagid - ang ibabaw ng dulo hanggang sa gitna ng dila ay lumalapit o dumidikit sa punong gilagid /s, l, r/
  • Pangngalangala - ang ibabaw ng punong dila ay dumidikit sa malambot na bahagi ng ngalangala /k, g, h/
  • Glottal - naglalapit o nagdidikit ang epiglotis at hiniharang ang hangin ng papalabas na hininga upang lumikha ng impit o pasutsot na tunog. /h/

Mga Uri ng Ponema ng Filipino

Ponolohiya

I. Ponemang Segmental

a. Mga Patinig /a, e, i, o, u/

b. Mga Katinig

/b, c, d, f, g, h, j, k, l , m, n, p, q, r, s, t, v, w, x, y, z/

Ito ang pag-aaral ng tunog.

Punto at Paraan ng Artikulasyon

- naipapakita kung ang pagbigkas ay may tinig (m.t.) o walang tinig (w.t.)

Ponema

Paraan ng Artikulasyon Punto ng Artikulasyon

Panlabi Pangngipin Panggilagid Pangngalangala Glottal

Pasara: m.t. b d g ?

w.t. p t k

Pasutsot w.t. s h

Pahumal m.t. m n ? (ng)

Pagilid m.t. p

Pasaltik m.t. r

Mapalatinig m.t. w Y

Isang yunit ng tunog ng pagsasalita na makabuluhan

Katangiang angkin sa pag-aaral ng wika:

1. balarila (grammar)

2. talasalitaan (lexicon)

3. palatitikan (orthography)

4. panitikan (literature)

5. saling-wika (translation)

Linggwistika - agham ng wika

Dalubwika - taong nag-aaral ng wika

Polygot - taong maraming nalalamang wika

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi