Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
Ang komedya de santo ay maaaring humalaw ng mga istorya mula sa awit at korido na nagsasalaysay ng buhay ng mga santo. Sa kabilang banda, ang ibang mga komedya ay kumukuha karamihan ng mga istorya, karakter at mga linya mula sa mga awit at korido mula sa mga medieval na kaharian. Sa mga dekada pagkatapos ng WWII, ang komedya ay nagsimulang maimpluwensiyahan maging ng mga palabas sa sine at mga tanyag na magasin.
1) Komedya de Santo
2) Kumidya, moro-moro, linambay, colloquio, araquio, tibag at minoros
Ang moro-moro o comedia ay isang adapsyon mula sa dula sa Europa na "comedia de capa y espada". Ang moro-moro, ay natatangi sapagkat walang ibang bansa na katulad nang sa Pilipinas. Ang Pilipinas lamang ang nawili a paggawa ng moro-moro na ang obrang ito ay tuluyang nang itinuring na kasama sa buhay ng mga Pilipino sa halos dalawang siglo.
sumesentro sa buhay ng mga Santo, tulad ng mga himalang dala ng mga Santo tulad ng Haybing sa Taal, Batangas; at tungkol sa yugto ng buhay ng mga santo tulad ni Kristo sa comedia de misterio ng Paete, Laguna.
Ito naman ay tungkol sa mga labanan ng mga kaharian ng Kristiyano sa Europa tulad Pransya, Espanya, Italia, Alemanya, atbp.
Ang mga tauhan naman na nabibilang sa kaharian ng mga Moro ay ang sultan, visir, emir, prinsesa, general, at soldado. Ang iba pang mga tauhan ay ang pusong o locayo na nagpapatawa sa mga manonood, ang mga villanos o taga-nayon, pastores o pastol, at mga gigante o higante.
Ang mga tauhan ng komedya na nabibilang sa kaharian ng mga Kristiyano, tulad ng Espanya, Portugal, Alemanya, Italya, Pransiya at Albania ay ang: REY (hari), REINA (reyna), prinsesa, prinsipe, consejero, general at soldado o sundalo.