DIKSYUNARYO
Mga Bahagi ng Pananalita
- Pangngalan (noun) - mga salitang nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pook, katangian,
pangyayari, atbp.
- Panghalip (pronoun) - mga salitang panghahali sa pangngalan
- Pandiwa (verb) - mga salitang nagsasaad ng kilos o nagbibigay-buhay sa isang lipon ng mga salita
- Pang-uri (adjective) - mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangngalan at panghalip
- Pang-abay (adverb) - mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at kapwa nito pang-abay
- Pangatnig (conjunction) - mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay
- Pang-ukol (preposition) - mga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita
Bakit kailangan gumamit ng Diksyunaryo?
Ano ba ang Diksyunaryo?
- Sinasabi ng diksyunaryo kung ano ang ibig sabihin ng mga salita.
- Bawat salita, kasama ang kahulugan nito, ay tinatawag na isang entry sa diksyunaryo.
- Sinasabi ng diksyunaryo kung anong bahagi ng pananalita o part of speech ang isang salita.
- Ipinapaalam sa atin ng diksyunaryo ang tamang pagbigkas o pagsabi ng salita.
- Tinutulngan tayo ng diksyunaryo na gumamit ng salita nang tama.
Ang Diksiyunaryo o Talatinigan ay isang aklat ng mga nakatalang salita ng isang partikular na wika na ang ayos ay ayon sa pagkakasunud-sunod ng titik ng abakada o alpabeto.