Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

REFERENSYAL

Antonella Dimaculangan

Rania Lindayag

Nicole Almanzor

Raine Peñalosa

Marvin Paolo Cruz

Sangunian

  • Teknikal na filipino. (n.d.). Retrieved from http://teknikalnafilipino.blogspot.com/2011/06/teknikal-na-filipino.html

Paghantong sa vanity ng labis na pagpapahalaga

Unang Kabanata

The common practice of keeping up appearances with society is a mere selfish struggle of the vain with the vain.

--- John Ruskin

Tesis:

Ang labis na pagpapahalaga ng modernong lipunan sa panlabas na kaanyuan ang nagtutulak sa kabataang babae ng San Beda sa vanity.

Panumila:

Ayon sa Webster’s Dictionary, binibigyang pakahulugan ang vanity bilang: 1) labis na pride sa sarili o sa panlabas na anyo; 2) kawalan ng halaga; 3) at labis na pagkabahala sa sariling panlabas na anyo. Ang ikatlong pagpapakahulugan ang tumutukoy sa vanity sa paksa ng pananaliksik na ito.

Nagkakaroon ng higit na pagkabahala sa sariling panlabas na anyo ang isang tao sa panahon ng kanyang kabataan, partikular na sa panahon ng pagbibinata o pagdadalaga o ang tinatawag na adolescent stage. Ayon sa isang librong tumatalakay sa General Psychology, importante sa mga nagdadalaga o nagbibinata ang matanggap sa isang grupo. Upang madaling matanggap ng iba, binibigyang tuon ng isang binata o dalaga ang panlabas nitong kaanyuan. Malaki ang bahaging ginagampanan ng pagkakaroon ng kaakit-akit na panlabas na anyo sa pagtamo ng positibong ebalwasyon sa sarili, popularidad at pagtanggap ng ibang tao na siyang mga mahahalagang pangangailangan ng kabataan.

Referensyan Na Pagsusulat

Isang uri ng pagsulat na nagpapaliwanag, nagbibigay ng impormasyon o nagsusuri.

Layunin nito na maiharap ang impormasyon batay sa katotohanan. Naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian o source hinggil sa isang paksa. Madalas, binubuod ng isang manunulat ang ideya ng ibang manunulat at tinutukoy ang pinaghanguan niyon na maaaring sa paraang parentetikal, footnotes o endnotes. Madalas itong makita sa mga teksbuk, pamanahong papel, thesis o disertasyon. Maihahanay din dito ang paggawa ng bibliyografi, indeks at notecards.

Iba’t ibang paraan ng pagpapaganda ang isinasagawa at maraming produkto ang ginagamit ng mga kabataan upang makamit ang inaasam na kagandahang panlabas.

Sa kabilang banda, labis ang pagpapahalaga ng modernong lipunan sa pagkakaroon ng kaakit-akit na panlabas na kaanyuan. Nasasalamin ang labis na pagpapahalagang ito sa mga advertisements, beauty pageants, atbp. na nagbibigay ng mensahe sa mga kabataan, lalo na sa mga kababaihan, na kailangang maging maganda upang maging masaya at tanggapin ng iba. Ito rin ang nagtutulak sa labis na pag-aayos at pagpapaganda tulad na lamang ng sa kabataang babae ng San Beda. Nagkakaroon ng labis na pagkabahala at pagpapahalaga sa panlabas na anyo ang mga kabataan dulot ng matataas...

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi