Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

SALAMAT SA PAKIKINIG!!! :)

-Danica

ELEHIYA

Ipinasa kay:

Gng. Casimiro

Inihanda ni:

Danica Nicdao

Umasim na ang kapayapaan ng kalangitan

Nangiti na ang mukha ng ulap

huminto na ang galit ng ihip ng hangin.

Sila rin ay tinalikuran ka.

Hindi mo ito kasalanan

Hindi nila ito kasalanan

Walang kahit sinong may kasalanan,

Lahat tayo’y may kasalanan.

Ang mga bata

na kinakahon ng akademya

Kapag ika’y natumba sa labanan,

Hindi nila malalaman.

Sila, na parang masayang ibon,

Umaawit, pero hindi para sa’yo

Ni walang bulaklak

walang tinig ng papuri

sila, na balang araw

ay sasama rin sa’yo sa kawalan.

Isa ka lamang anino

ng isang maikling buhay,

ng tagsibol na hindi dumating

at ang naratibo mo’y umiikot

na parang tuyong dahon

sa isang maliit na ipo-ipo,

Elehiya Sa Isang Martir

Ikaw, gaya ng ibang bayani,

ay nag-alay ng buhay

sa panawagan ng bayan.

Pero walang lawrel

para sa’yo, isang di iniyakang sundalo.

Sa paninindigang walang dangal.

maglalaho ang lahat

para sa wala.

Habang ika’y nakahimlay dito

na isang kahihiyan

Ang sakripisyo’y di pansin.

Mga Kasanayang Pampagkatuto:

  • Naipahahayag ang sariling damdamin kapag ang sarili ay nakita sa katauhan o katayuan ng may akda.
  • Nasusuri ang mga elemento ng elehiya, batay sa tema, mga tauhan, at tagpuan.
  • Nabibigyang kahulugan ang mga salitang may natatagong kahulugan
  • Nalalapatan ng himig sa isinulat na elehiyang orihinal.
  • Nakasusulat ng sariling elehiya para sa isang mahal sa buhay.
  • Nagagamit ang mga angkop na pang-uri na nagpapasidhi ng damdamin.

KATANGIAN NG ELEHIYA

  • Tula ng pananangis — pag-alaala hinggil sa yumao.

  • Ang himig ay matimpi at mapagmuni-muni at di masintahin.

Ano nga ba ang elehiya?

Ang elehiya ay isang tulang nagpapahayag ng damdamin o paggunita sa isang nilalang na sumakabilang-buhay na.

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi