Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
Bawat sa atin ay may kanya-kanyang istorya sa kanyang buhay sapagkat ginawa tayo ng Diyos na magkakaiba ngunit magkakapantay pantay tayong lahat . Dahil diyan, ikukwento ko ngayon ang aking istorya tungkol sa aking buhay
Ipinanganak ako noong Abril 24, 1997. Hindi ko na maalala ang mga pangyayari noon sapagkat syempre, sanggol pa lamang ako. Ipinanganak ako sa Pilipinas sa probinsiya ng Tarlac. Apat lamang kami sa aking pamilya (Tatay: Alexander P. Dizon, Nanay: Deana A. Dizon, Kapatid: Paolo A. Dizon) ngunit masaya kaming naninirahan sa aming tahanan.
Simula bata pa lang ako, mahilig na talaga akong gumuhit. Libangan ko ito ngunit hindi ko alam kung kanino ko namana ang talentong ito pero nagpapasalamat pa rin ako. Naaalala ko noong bata pa ako na pag laki ko, ang gusto ko lang sa sarili ko ay yung maging masaya sa buhay. Wala pa akong eksaktong pangarap at gustong maging paglaki ko. Hindi ko pa alam kung ano ang mga magiging kinabukasan ko. Samantalang habang tumatanda ako, lalo kong nagustuhan ang pagguhit kaya naisipan kong ipagpatuloy ang aking talento.
Hindi pa dito nagtatapos ang aking istorya sapagkat ito palang aking makikuwento dahil nagsisimula palang ako sa aking lakbay. Labing-pito pa lamang ako pero masasabi ko na na masaya ang aking buhay, kahit nakakaranas pa din ako ng mga nakakalungkot na pangyayari, sapagkat ganoon talaga dinisenyo ng Diyos ang buhay
2014
2005
2010
1997
Lumaki akong Katoliko sa aking pamilya. Naniniwala ako na may Diyos na gumagabay sa ating lahat. Ngunit minsan, napapaisip ako sa mga bagay bagay sa ating mundo na kung may Diyos nga ba talaga o wala, kung nag-iisa o mayroon pang ibang klaseng organismong umaaligid sa paligid natin habang tayo'y walang kamalay-malay. Marami akong katanungan tungkol sa ating mundo pero yun nga, inuulit ko na naniniwala pa rin ako sa Panginoon.
Habang ako ay tumatanda, napagtatanto ko na marami pala akong pangarap sa buhay sapagkat ambisyosa akong tao. Gusto kong makapagtapos ng aking kursong at makakuha agad ng trabaho upang makatulong sa pag-unlad sa buhay ng pamilya ko. Gusto ko rin pumunta sa iba't ibang bansa sapagkat gusto kong makita ang iba't ibang magagandang bagay na ginawa ng ating Panginoon. At panghuli, gusto kong masabi na nabuhay ako dito sa mundo na masaya at makabuluhan, kasama na ang pagtulong at pagmahal ko sa aking kapwa.
Ito ang aking talambuhay at kahit papaano ay sana nagustuhan ninyo. Heto ako ngayon, nag-aaral sa Unibersidad ng Sto. Tomas at kumukuha ng kursong Advertising Arts sa kolehiyo ng Fine Arts and Design. Labing pitong gulang at masayang nabubuhay sa mundo.
Muntikan ko nang makalimutan pero ang pangalan ko ay Patricia Anne Afable Dizon at ito ang aking kasalukuyan na buhay.