Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

Mga Guhit ng Globo at ng Mapa

$1.25

Monday, June 17, 2014

Vol XCIII, No. 311

Prime Meridian

Isa sa mga guhit na patayo ang prime meridian. Nasa gitna ang guhit na ito. Nagmumula ito sa Hilagang Polo hanggang Timog Polo. Tinatawag din itong Guhit Greenwich dahil dumaraan ito sa Greenwich, England.

Mga Guhit ng Globo at ng Mapa

Prime Meridian

Bukod sa ekwador, may iba pang mga guhit na makikita sa globo. Pawang mga likhang-isip din ito na ginagamit upang masabi ang tiyak na lokasyon at direksyon ng isang lugar sa globo.

Nakatutulong din ang mga guhit na ito sa pagsasabi ng oras sa iba't ibang dako ng mundo.

Ang isa naman ay ang Kanlurang Hating-globo na nagmumula rin sa prime meridian pakaliwa hanggang sa International Date Line.

Hinahati ng prime meridian ang globo sa dalawang bahagi. Isa rito ang Silangang Hating-globo na nagmumula sa prime meridian pakanan hanggang sa International Date Line sa kabila ng globo.

Karamihan sa mga bansa sa pagitan ng tropiko ng Kanser at tropiko ng Kaprikorniyo ay deretsong tumatanggap ng sikat ng araw. Ito ang dahilan ng napakainit na temperatura sa mga lugar na ito.

Ang Kabilugang Artiko ay isa pang espesyal na guhit latitud. Makikita ito sa 66 1/2 digri hilagang latitud mula sa ekwador.

Ang isa pang espesyal na guhit latitud ay ang Kabilugang Antartiko. Nasa 66 1/2 digri timog latitud ito mula sa ekwador. Hanapin ito sa globo o mapa.

Guhit Longhitud

International Date Line

Ang mga guhit na patayo sa globo at mapa ay tinatawag ng guhit longhitud o meridian.

Nagmumula ang mga guhit na ito sa Hilagang Polo hanggang Timog Polo. Sa dalawang polo ring ito nagtatagpo ang lahat ng guhit longhitud.

Ang prime meridian at International Date Line

ay mga guhit longhitud. Kaagapay nito ang

iba pang guhit latitud

Iba Pang mga Guhit sa Globo

Natutuhan ko

Ginagamit ang longhitud upang malaman ang layo ng mga lugar sa silangan o kanluran ng prime meridian. Tulad ng mga latitud, ang layo ay sinusukat sa digri at mayroong pagitang 15 digri o 10 digri sa isa't isa. Ngunit ang karaniwang ginagamit ay ang 15 digri na pagitan. Nagmumula ang pagbilang ng digri sa zero digri prime meridian.

International Date Line

Mayroong 180 digri longhitud mula prime meridian hanggang International Date Line. May 180 digri rin pakaliwa mula sa prime meridian hanggang International Date Line.

Sa pagsasabi kung saang digri longhitud naroroon ang isang lugar, binabanggit din kung ito ay nasa kanluran o silangan.

May iba pang mga likhang-isip na guhit sa globo bukod sa ekwador, prime meridian, at International Date Line

Isa rin itong guhit na patay. Katapat ito ng prime meridian sa kabilang paning ng mundo. Dumaraan ito sa Karagatang Pasipiko.

Guhit Latitud

Ang mga pahalang na guhit sa globo ay tinatawag na guhit latitud. Mga guhit na nasa isip din ang mga ito. Tinatawag din itong mga guhit parallel. Ang mga guhit na ito ay kaagapay ng ekwador dahil ang ekwador ay isa ring guhit latitud.

Tulad ng ekwador, ang prime meridian at International Date Line ay mga guhit na nasa isip lamang.

Ang prime meridian at International Date Line ay humahati rin sa mundo sa mga hating-globo.

Mahalaga ang guhit na International Date Line. Ito ang ginagamit sa pagtantiya ng araw at oras sa iba't-ibang bansa sa buong mundo.

Kung hahatiin ang globo nang pahaba, tulad ng nasa larawan ang lalabas. Kasama rito ang iba pang mga likhang-isip na guhit na itinuturo ng mga palaso.

Guhit Latitud

Ang Grid o Parilya

Mapapansin sa mga mapa at globo na ang mga guhit latitud at longhitud ay nagtatagpo na tila mga krus.

Sa pagtatagpo ng mga guhit, nabubuo ang grid o parilya.

Ginagamit ang guhit latitud upang malaman ang layo ng mga lugar sa hilaga o timog ng ekwador. Nalalaman ang layo sa pamamagitan ng paggamit ng digri. Binibilang ang digri mula sa ekwador.

Mahalaga ang grid. Makatutulong ito upang malaman ang tiyak na kinaroroonan ng mga lugar sa mundo.

Ang ekwador ay may markang zero digri latitud. Mula rito, ang karaniwang bilang ng digri ay tuwing ika-15 digri latitud. Ngunit may ibang globo at mapa na ang pagbilang ay tuwing ika-10 digri latitud.

Mula ekwador patungo sa Hilagang Polo, ang bilang ng digri ay 90. Ang bilang patungo sa Timog Polo ay 90 digri din. Ang kalahating bahagi ng mundo mula Hilagang Polo hanggang Timog Polo ay may kabuuang bilang na 180 digri latitud.

Kapag tinutukoy kung saang digri latitud naroon ang isang lugar, sinasabi rin kung ito ba ay nasa hilaga o timog. Sa gayon, lalong mapadadali ang paghahanap sa isang lugar buhat sa ekwador.

TIngnan ang parilya o grid na nabuo sa larawan

Natutuhan ko

Ang mga guhit latitud at longhitud ay iba pang mga guhit sa globo.

Sinusukat ng latitud ang layo ng isang lugar sa globo mula sa ekwador.

Sinusukat naman ng longhitud ang layo ng isang lugar sa globo mula sa prime meridian. Ginagamit ang digri sa pagsukat ng latitud at longhitud.

Ang isang grid ay nabubuo sa pagtatagpo ng mga guhit latitud at longhitud. Higit na mapadadali ang paghanap ng tiyak na kinalalagyan ng isang lugar sa paggamit ng grid.

May mga espesyal na guhit latitud. Kasama

rito ang tropiko ng Kanser, Tropiko ng

Kaprikorniyo, Kabilugang Artiko, at

Kabilugang Antartiko.

Mga Espesyal na Guhit Latitud

May mga guhit latitud na masasabing mga espesyal na guhit. Isa rito ang tropiko ng Kanser. Matatangpuan ito sa 23 1/2 digri hilagang latitud mula sa ekwador. Ito ang hilagang hangganan ng Torrid Zone kung saan matatagpuan ang napakainit na bahagi ng mundo.

Isa pa ring espesyal na guhit ang tropiko ng Kaprikorniyo. Nasa 23 1/2 digri timog latitud ito. Ito naman ang hangganan ng Torrid Zone sa timog mula ekwador. Napakainit din sa bahaging ito ng mundo.

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi