Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

Ang Timog Asya ay isang malawak na tangway na hugis tatsulok. Madalas itong tinatawag na heograpo na sub-kontinente ng India dahil inihihiwalay ito ng mga kabundukan, kaya maituturing itong halos isang hiwalay na kontinente. Nagsimula ang kabihasnan ng India sa paligid ng Indus River. Ang tuktok ng kabundukang Himalaya ay nababalot ng makapal na yelo at nagmumulas sa natutunaw na yelo ang tubig na dumadaloy sa Indus River. Katulad ng Mesapotamia, ang pagkakaroon ng matabang lupa ay naging mahalaga sa pagsisimula ng mga lipunan at estado sa sinaunang India. Daan-daang pamayanan ang nanahan sa lambak ng Indus, karamihan sa mga ito ay maliliit na pamayanang may tanggulan at maayos ng kalsada. Sa sumunod na limang siglo, ay nagkaroon din ng mga kanal pang-irigasyon at estrakturang pumipigil sa pagbaha.

Pagkatatag: itinatag ang Mogul nang masakop ni Babur ang hilagang India at Delhi noong 1526.

Mahahalagang Pangyayari: narating ng imperyo ang tugatog ng kapangyarihan sa ilalim ni Akbar na namuno sa kabuuan ng hilagang India mula 1556 hanggang 1605.

-nagpatupad siya ng kalayaan sa pananampalataya at makatarungang pangangasiwa

-ilan pang magagaling na pinuno ang humalili kay Akbar tulad nina Shah Jahan at Aurangzeb na nagbawal sa prostisyon, sugal , alak at sati (suttee)

Pagbagsak: sa pagitang ng ikaanim na siglo CE, nagsimulang humina at bumagsak ang Gupta sa kamay ng mga bagong mananakop, ang mga White Hun.

-labis na humina ang Mogul dahil na rin sa pagdating ng makapangyarihang English sa India.

Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya

Imperyong Mogul

Pagkatatag: ang pangalan nito ay hango sa pangalan ng naunang imperyo. Itinatag ito ni Chandragupta I (Circa 319-335 CE)

Mahalagang Pangyayari: Chandragupta II (Circa 376-415 CE) nakontrol uli ang hilagang india. Muli, ang kabisera ng imperyo ay nasa Pataliputra.

-itinuturing itong panahong klasikal ng India.

-naging epektibo ang pangangasiwa samantalang ang panitikan, sining at agham ay yumabong.

-maunlad ang mga larangan ng Astronomiya, Matematika at Siruhiya (surgery) sa panahong ito.

-si Kalidasa ang kinikilalang pinakamahusay na manunulat at makata ng india, ay nabuhay sa panahong ito bagama’t hindi alam ang eksaktong petsa. Ang dulang Sakuntala na tinatayang isnulat niya noong ikaapat o ikalimang siglo CE ay hango mula sa kaisipang Hindu.

Pagbagsak: sa pagsapit ng ikaanim na siglo CE nagsimulang humina at bumagsak ang Grupta sa kamay ng panibagong mananakop, ang mga white Hun, na maaaring mga Iranian, o Turk mula sa Gitnang Asya.

IMPERYONG GUPTA

  • Babylonian (1792-1595) –Sinakop ni Hammurabi, pinuno ng lungsod ng Babylon, ang Mesapotamia.
  • ang Babylon ang naging kabisera ng imperyong Babylonia.
  • sa panahon ng kanyang paghahari, nasakop ni Hammurabi ang mga kaharian sa hilaga, kabilang ang kahariang Ashur.
  • nang namatay si Hammurabi ay nagkawatak-watak ang kaharian ng babylon.
  • noong 1595 BCE sinalakay ng mga Hittite Anatolia ang Babylon bagamat naipagpatuloy pa rin ng mga lungsod-estado ang pamumuhay sa ilalim ng mga pinuno.
  • ang mga Hittite ay orihinal na nagmula sa hilagang-silangang bahagi ng Black Sea. Lumisan sila ay nanirahan sa Asia minor (kasalukuyang Turkey).

  • Assyrian (1813-605 BCE) noong 1200 BCE nasupil ni Tiglath-Pileser I (1114-1076 BCE) ang mga Hittite at naabot ng puwersa ang baybayin ng Midetteranean at itinatag ang imperyong Assyrian.
  • noong ika-9 na siglo, nagpadala sila ng mga ekspedisyong militar pakanluran upang mapasakamay ang mahahalagang rutang pangkalakan at makatanggap ng tirbuto.
  • isa si Ashurbanipal (circa 668-627 BCE) sa mga haring kinakitaan ng maayos na pamamahala sa kaniyang panahon.
  • pinabagsak ng mga Chaldean ang Assyria sa isang pag-aalsa.

  • Song (960-1127 CE) – itinatayo ng isang hukbong ang dinastiyang ito.
  • -naging sapat ang suplay ng pagkain sa china dahil sa pag unlad ng teknolohiyang agricultural.
  • -nilikha ng isang paraan ng paglilimbag.
  • -sinakop ng mga barbaro ang hilagang bahagi ng china kaya napilitan ang Sung na iwanan ang kabisera nito.

  • Ming (1368-1644 CE) ang malaking bahagi ng Great Wall of China ay nagawa sa panahon nito. Naitayo din ang Forbiden City sa Peking na naging tahanan ng emperador.
  • -ang sining ay napayaman partikular ang paggawa ng porselena.
  • -maraming aklat ang nailimbag sa pamamagitan ng pamamaraang movable type. Lumaki na rin ang populasyon ng china.
  • -bumagsak ang dinastiya noong 1644. Pinahina ito ng mga pagtutol sa mga pagbabago sa lipunan.

Pagbuo ng mga kaharian at imperyo (500 BCE-500 CE)

Pagkatatag: noong 322 BCE, nasakop ni Chandagrupta Maurya ang dating kaharian ng Magadha at tinungo ang mga naiwang lupain ni Alexander. Sakop ng imperyo ang hilagang india at bahagi ng kasalukuyang afghanistan.

Mahalagang pangyayari: ang kabisera ay nanatili sa Pataliputra

-tagapayo ni Chandragupta Maurya si Kautilya, ang may akda ng Arthasastra. Naglalaman ito ng mga kaisipan hinggil sa pangangasiwa at estratehiyang politikal.

-ang imperyo ay pinamumunuan ni Ashoka o Asoka (269-232 BCE) ang kinikilalang pinakamahusay na pinuno ng Maurya at isa sa mahuhusay na pinuno sa kasaysayan ng daigdig. Matapos ang kaniyang madugong pakikibaka sa mga kalinga ng Orissa noong 261 BCE na tinatayang 100,000 katao ang nasawi, tinalikdan niya ang karahasan at sinunod ang mga turo ni Buddha.

Pagbagsak: nagsimulang humiwalay sa imperyo ang ilang estadong malayo sa kabisera. Sa pagbagsak ng imperyong Maurya noong ikalawang siglo BCE nagtagisan ng kapangyarihan ang mga estado ng india. Sa sumunod na limang siglo, ang hilaga at gitnang india ay nahati sa maliit na kaharian at estado.

IMPERYONG MAURYA

  • Ang rehiyong Timog Asya nagsimula ang kabihasnang Indus na nakasentro sa mga lambak ng Indus River.
  • Harappa at Mojenjo-Daro- ang kambal lungsod.
  • natuklasan noong 2700 BCE.
  • sinasabing ang mga Dravadian ng bumuo ng kabihasnang Indus.
  • hugis parisukat ang mga gusali at malawak ang mga kabahayan.
  • ang pagkakaroon ng mga palikuran ay itinuturing na kauna unahang paggamit sa kasaysayan ng
  • Sistemang alkantarilya o seewage system.

Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya

Ang kabihasnan sa China ay umusbong sa tabing-ilog malapit sa Yellow River o Huang Ho. Ito ay dumadaloy patungong Yellow Sea. Sa dinadaanan nito ay nagpapabago-bago ng makailang ulit at humantong sa pagkabuo ng isang malawak na kapatagan, ang North China Plain. Ang pag-apaw ng Huang Ho ay nagdudulot ng pataba ngunit dahil sa pagiging patag ng lupain ay madalas ang pagbabaha dito. Pinaniniwalaang si Yu ang nakagawa ng paraan upang makontrol ang pagbaha na nagbigay daan upang makapamuhay sa lambak ang mga magsasaka. Tinawag din nila ang kanilang lupain na Zhogguo na nangangahulugang Middle Kingdom.

Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya

Ang salitang Mesapotamia ay nagmula sa salitang Greek na meso o “pagitan” at potamos o “ilog”. Ang Mesapotamia ay nangangahulugang “sa pagitan ng dalawang ilog”. Ito ang kauna-unahang kabihasnan sa buong daigdig.Nagsimula sa malawak na lupaing dinadaluyan ng mga ilog Tigris at Euphrates ang Mesapotamia. Matatagpuan ang Mesapotamia sa rehiyon ng Fertile Cresent, isang paarkong matabang lupain. Ang regular na pag-apaw ng ilog Tigris at Euphrates ay nagdudulot ng baha na nag-iiwan ng banlik (silt). Dahil dito, nagiging mataba ang lupa na nakakabuti sa pagtatanim. Daan-daang maliliit na pamayanang sakahan ang makikita sa kapatagan ng hilangang Mesapotamia na pinag-ugnay ugnay ng malalayo at mahahabang rutang pangkalakalan. Bunga ng pag-unlad ng lipunan sa mga sumunod na taon, nagkaroon ng pagbabago sa aspektong panlipunan, pampolitika at panrelihiyon na nagdulot ng sentralisadong kapangyarihan.

  • Yuan (1279-1368 CE) itinatag ito ni Kublai Khan, isang Mongol.
  • -pagkatapos ng mga labanan, dumaan ang dinastiyang tinatawag na Pax Mongolica o panahon ng kapayapaan, maayos na sistema ng komunikasyon at mabuting kalakalan sa mawalak na teritoryo.
  • -pinabagsak ang dinastiya ng mga pag aalsa na ang isa ay pinamumunuan ni Zhu Yuanzhang at itinatag ang dinastiyang Ming.

Ang Kabihasnang Mesapotamia sa Kanlurang Asya

GREAT WALL OF CHINA > Sa panahon ng Qin, tinatayang isang mil-yong katao ang sapilitang pinagtrabaho upang itayo ang Great wall ng China. Ito ay nagsilbing simbolo ng kabihasanang Tsino sa loob ng mahabang panahon.

I CHING AT BING FA > Ang I Ching (Classic Of Change) ay nagbibigay ng perspektiba at pamamaraan ng prediksyon ukol sa iba’t ibang bagay at sitwasyon sa buhay ng tao. Samantala ang Bing Fa (Art o War) ay itinuturing na isa sa mga kauna-unahan at pinakatanyag na aklat ukol sa estratehiyang military na isinulat ni Sun Zi o Sun Tzu noong 511 BCE.

FENG SHUI > Ang paniniwala sa Feng Shui o Geomancy ay nagmula rin sa China. Ang kaisipang ito ay ukol sa tamang pagbalanse ng yin at yang upang makapagdulot ng magandang hinaharap sa sinuman. Ang yin ay sumisimbolo sa mga kababaihan –malambot at kalamado. Samanatala ang yang ay tumutukoy sa kalalakihan – matigas at masigla.

IBA PANG KONTRIBUSYON >

~Paggamit ng Silk o Seda

~Kalendaryo

~Star Map

~Magnetic Compass

~Seismograph

~Wheel Barrow

~Water Clock

~Sundial

~Chopsticks

~Abacus

~pamaypay

~payong

  • T’ang (618-907 CE) Li Yuan-nag alsa laban sa dinastiya dahil sa mga pang-aabuso. Siya ang nagtatag ng dinastiyang T’ang.
  • -itinuturing na isa sa mga dakilang dinastiyang china sapagkat nagkaroon muli ng kasaganaan ang lupain at mabilis na mga pagbabago sa larangan ng sining at teknolohiya.
  • -ang Buddhism na naging dominanteng relihiyon sa mga panahong ito ay tinangkilik ng mga dugong bughaw at mga karaniwang tao.
  • -ibinalik ang civil service examination system na naging mahalaga sa pagpili ng opisyal ng pamahalaan.
  • -bumagsak ang dinastiyang dahil sa samu’t saring pag-aalsang naganap sa China.

TSINO

  • RAMAYANA AT MAHABHARATA > Ang dalawang epikong pamana ng India sa larang ng panitikan. Ang Mahabharata ay isang salaysay hinggil sa matinging tunggalian ng dalawang pamilya na magkakama-anak –ang mga Pandava na kumakatawan sa kaguluhan at kasamaan. Ang Ramayana naman ay isang salaysay tungkol sa buhay ni Prinsipe Rama at sa pagsagip nya sa buhay ni Prinsesa Sita, Ang kanyang asawa, na sapilitang kinuha ni Ravana, isang demonyong hari.
  • IBA PANG KONTRIBUSYON
  • ~Pamantayan ng bigat at sukat
  • ~Decimal System
  • ~Paggamot at pagbubunot ng ngipin
  • ~Halaga ng pi (3.1416)
  • ~Taj Mahal
  • ~Pinagmulan ng mga relihiyon (Hinduism, Buddhis, Jainism, Sikhism)

PYRAMID > Ang mga piramide ay hitik sa mga simbolismong relihiyoso. Libingan ito ng pharoah kaya sinisimbolo nito ang kapangyarihan ng mamuno. Gayundin, pinatunayan nito ang paniniwala sa buhay matapos ang kamatayan. Lahat ng kayamanan at karangyaan ng pharaoh ay makikita sa piramide bilang paghahanda sa kabilang buhay.

MUMMIFICATION > Ang katawan ng isang yumaon ay sumasailalim sa isang preserbasyong bago ito tuluyang ilibing. Sa isang prosesong tinatawag na Mummification, ang mga Egyptian ay gumagamit ng kemikal upang patuyuin ang bangkay. Matapos nito, ang isang Mummy o embalsamadong bangkay ay pinipintahan, binabalutan ng linen, at pinapalamutian ng alahas.

HIEROGLYPHICS > May sistema ng pagsusulat din ang mga Egyptian na tinatawag na Hieroglyphics. Sa simula, ang isang larawan ay sumasagisag sa isang kaisipan. Ang Hieroglyphics ay nakasulat hindi lamang sa mga papel kundi nakaukit din sa mga pampublikong gusali o kaya naman ay nakapinta sa luwad o kahoy. Ang panulat na ito ay naging mahalaga sa pagtatala at kalakalan. Ang mga rolyo ng pergamino o paper scroll ay mula sa malatambong halaman na tinatawag na papyrus.

IBA PANG KONTRIBUSYON >

~Geometry

~Medisina tulad ng pagsasaayos ng nabaling buto

~kalendaryo na may 365 araw

~Sagradong Pagdiriwang

EGYPT

Nanirahan sa maliliit na pamayanan ang mga Dravadian. Ang kanilang lugar ay matatagpuan sa mababang bahagi ng lipunan, may mainit na klima at halos walang suplay ng bakal. Ang irigasyon ng lupa ay mahalaga para sa mga Dravadian, ang aalaga rin sila ng mga hayop tulad ng elepante, tupa at kambing. Mayroon silang masistemang pantimbag sa butil at ginto.

May mga bahay na tatlo ang palapag. Maaring katibayan ito ng pagkakahati-hati ng lipunan sa iba’t ibang uri ng tao. Nagtatag ng mga daungan sa baybaying ng Arabian Sea. Natagpuan din ang selyong Harappan na na may pictogram na representasyon ng isang bagay sa anyong larawan.

Narating ng mga Dravadian ang tugatog ng kanilang kabihasnan noong 2000 BCE subalit ang kabihasnan at kulturang umusbong dito ay nagsimulang humina at bumagsak. May iba’t ibang paliwanag tungkol sa pagwawakas ng kabihasnang Indus. May nagsasabing bunga ng pagkaubos ng puno, pagbaha at pagbabago ng klima. Maari rin daw nagkaroon ng lindol o pagsabog ng bulkan. May mga ebidensya rin na ang pagkatuyo ng Sarasvati Rver ay nagresulta sa pagtatapos ng kabihasnang Harappa noong 1900 BCE.

  • Akkad (2340-2100 BCE) –Sinakop ni Sargon I (2334-2279) ang mga lungsod-estdao at itinatag ang kauna-unahang imperyo sa daidig.
  • Si Sargon I ay mula sa hilagang bahagi ng Mesopotamia sa lungsod-estado ng Akkad o Agade.
  • Isa sa pinakamahusay na pinuno ng Akkadia si Naram Sin (2254-2218 BCE)
  • Noong 2100 BCE panandaliang nabawi ang lungsod-estado ng Ur ang kapangyarihan nito at pinamunuan ang Sumer at Akkad.
  • bumagsak ang dinastiyang Ur sa pagsalakay ng mga Amorite at Hurrian sa Mesopotamia. Sa loob ng sumunod na tatlong siglo, ang mga lungsod-estado sa katimugan, partikular ang Isin at Larsa, ay nagtunggalian upang makontrol ang rehiyon.

  • Chaldean (612-539 BCE) –si Nabopolascar (612-605 BCE) ang nagtatg ng bagong imperyo ng Babylonia matapos pangunahan ang isang laban sa Assria.
  • tuluyang naigupo ni Nebuchadnezzar II (605-562 BCE), anak ni Nabopolascar ang natitirang hukbo ng Assyria noong 609 BCE.
  • si Nebuchadnezzar II ang pinuno ng imperyo nang matamo nito ang rurok ng kadakilaan. Siya rin ang nagpagawa ng Hanging Gardens of Babylon para sa kaniyang asawa, kinilala ito ng mga Greek bilang isa sa Seven Wonder of the Ancient World.
  • noong 539 BCE ang Babylon ay nilusob ng hukbo ni Cyrus the Great ng Persia hanggang tuluyang naging bahagi ng mas malawak na imperyo ng mga Persian ang Mesapotamia.

Hango ang pangalang Mesoamerica sa katang meso na nangangahulugang “gitna”. Ang Mesoamerica o Central America ang rehiyon sa pagitan ng Sinoloa River Valley sa gitnang Mexico at Gulf of Fonseca sa katimugan ng El Salvador. Sa hilagang hangganan nito matatagpuan ang mga ilog ng Panuco at Santiago. Sa lupaing ito, ang malaking pagkakaiba ng elebasyon ng lupa at dalas ng pag-ulan ay nagdudulot ng mga uri ng klima at ekolohiya sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon. Pabago-bago ang panahon sa rehiyong ito. Dito naitatag ang unang agrikultural, tulad ng Kanlurang Asya at China.

Ang Kabihasnan sa Mesoamerica

  • Xia (2000-1570 BCE) sinasabing nag-ugat ito mula sa Longshan, isang kulturang Neolitikong laganap sa lambak ng Huang Ho.
  • hindi pa ito lubusang napapatunayan dahil sa kawalan ng matibay na ebidensyang arkeolohiya.

Ang Kabihasnang Tsino sa Silanganan Asya

AYURVEDA > Ang Ayurveda o “Agham ng Buhay” ay isang mahalagang kaisipang pangmedisina ng sinaunang India. Tinawag itong “Agham ng Buhay” sapagkat binigyang tuon nito ang pagpapanatili ng kalusugan at kaligtasan mula sa mga karamdaman.

ARTHASASTRA > Isinulat ni Kautilya ang Arthasastra noong ika-3 siglo BCE. Ito ang kauna-unahang akda o treatise hinggil sa pamahalaan at ekonomiya. Si Kautilya ay tagapayo ni Chandragupta Maurya, Ang tagapagtatag ng Imperyong Maurya.

SEWERAGE SYSTEM > May Sewerage System ang Mohenro-Daro. Bukod dito , ang mga pamayanan sa Indus ay kinikilala bilang mga kauna-unahang paninirahang sumailalim sa tinatawag na Urban o City Planning o pagpaplanong panglungsod. Ang mga kalsada sa matatandang lungsod ng Mohenro-Daro at Harappa ay nakaayos na parang mga nagsasalubong na guhit o Grid Pattern.

INDUS

CUNEIFORM > Ang kauna-unahang sistematikong paraan ng pagsulat sa daigdig ay nalinang sa Sumer.

  • Qing o Ch’ing (1644-1911) itinatag ito ng mga manchu. Matapos magapi ang Dinastiyang Ming ng mga semi nomadiko mula sa hilagang Manchuria at itinuturing ng mga tsino na barbarong dayuhan.
  • -ang pagkatalo ng china sa mga digmaang Opium laban sa England at laban sa England at France ay malaking dagok sa imperyo. Tinutulan ng pamahalaan ang pagbebenta ng opyo ng europeo sa china dahil nakasisira ito sa moralidad ng tao at kaayusan ng lipunan.
  • -pinagkalooban din sila ng karapatang pakinabangan at pamunuan ng ilang teritoryo sa china bilang Sphere of influence o mga rehiyon kung saan nangingibabaw ang kapakanang pang ekonomiya ng nanalong bansa.
  • -hinangad ng rebelyong Taiping at Nien na pabagsakin ang mga manchu na lubhang mahina at walang kakayanang lumaban sa panghihimasok ng mga kanluranin.
  • -lalong humina ang dinastiyang Qing nang magapi ang hukbong tsino sa digmaang Sino-French at Sino-Japanese.
  • -noong 1911, nagwakas ang sistema ng dinastiya sa china nang maganap ang rebolusyon ng nagbibigay daan sa pagkatatag ng republika ng china.

CODE OF HAMMURABI > Ang katipunan ng mga batas ni Hammurabi, na mas kilala bilang Code of Hammurabi, ay isang napakahalagang ambag. Ito ay naglalaman ng 282 na batas na pumapaksa halos lahat na aspekto ng araw-araw ng buhay sa Mesopotamia.

  • EPIC OF GILGAMESH > Sa larangan ng literatura, itinuturing itong bilang kauna-unahang akdang pampanitikan sa buong daigidig. Ito ay kwento ni Haring Galgamesh ng lungsod –estado ng Uruk sa Sumeria nong ikaw-3 siglo BCE. Ang isa sa mga kabanata ng epikong ito ay kahalintulad sa The Great Flood ng Bibliya.
  • IBA PANG KONTRIBUSYON >
  • ~Water Clock
  • ~paggawa ng unang mapa
  • ~Sexagesimal System o pagbibilang na nakabatay sa 60
  • ~Astronomiya

ZIGGURAT > Ang ziggurat ay estruktura kung saan pinaparangalan at sinasamba ang diyos at patron ng isang lungsod. Sentro rin ng pamayanan ang Ziggurat.

MESOPOTAMIA

Ang Panahong Vedic (1500-500 BCE)

Ang mga Aryan ay nagtungo sa kanluran ng Europe at timog-silangan ng Persia at India. Dinala nila sa mga rehiyong ito ang wika na tinatawag ngayong Indo-European. Ang Sanskrit,ang wikang klasikal ng pantikang Indian.

Ang salitang “arya” ay nangangahulugang “marangal” sa wikang Sanskrit. Ang kaalaman tungkol sa pamamayani ng mga Aryan sa hilaga at hilagang-kanlurang India ay hango sa apat na sagradong aklat na tinawatag na VEDAS: Rig Veda, Sama Veda, Yajur Veda, at Atharva Veda. Ang Vedas ay tinipong himnong pandigma, sagradong ritwal, mga sawikain at mga salaysay.

Dinala nila ang kanilang mga diyos at pangingibabawan ng mga lalaki ngunit unti-unti silang umangkop sa bagong kapaligira. Natutuong magsaka at nakabuo ng sistema sa pagsulat. Tatlong antas ng lipunan: maharlikang mandirigma, mga pari at mga karaniwang mamamayan.

Nang lumaon, nabuo ang tinatawag na sistemang caste sa India. Ang katagang ito ay unang ginamit ng mga portugese na nakarating sa India noong ika-16 na siglo. Ang terminong ito ay hango sa salitang casta na nangangahulugang “lahi” o “angkan”

Mga Pamana ng mga Sinaunang Kabihasnan ng Daigdig

Ang sinaunang kasaysayan ng egypt ay kadalasang hinahati sa mga panahong batay sa dinastiya ng naghaharing pharaoh. Ang pharaoh ay tumatayong pinuno at sinaunang hari, itinuturing ding isang dyosa na taglay ang lihim ng langit at lupa. Sa pangkalahatan, kontrolado ng isang pharaoh ang lahat ng apeto sa pamumuhay ng mga sinaunang Egyptian. Kabilang sa kanyang tungkulin ang pagsasaayos ng irigasyon, pagkontrol sa kalakalan, pagtatakda ng mga batas, pagpapanatili ng hukbo at pagtiyak sa kaayusan ng egypt.

Ang mga eskribano ay nakapaglinang din ng kanilang sariling sistema ng pagsulat na tinatawag na hieroglyphics nangangahulugang “sagradong ukit”. Ang sinaunang panulat ay naging mahalaga sa pakikipagkalakalan at pagtala sa mga pangyayari. Ang ilang pamayanan ang naging sentro ng pamumuhay sa egypt.

Kabihasnang Egyptian

Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya

  • Persian (539-330 BCE) –nagtatag ng isang malawak na imperyo ang mga Persian na tinawag na Imperyong Achaemenid. Nasa Persia (kasalukuyan Iran) ang sentro ng imperyong ito.
  • sa ilalim ni Cyrus the Great (559-530 BCE) nagsimulang manakop ang mga Persian. Napasailalim nila ang mga Medes at Chaldean ng Mesapotamia at Asia Minor.
  • Darius the Great (521-486 BCE) umabot ang sakop hanggang india.
  • -epektibo ang pangangasiwa ng mga pinunong Persian sa kanilang Imperyo. Hinati ang imperyo sa mga lalawigan o satrapy at pinamahalaan ng gobernador o strap.
  • nagpagawa rin dito ng isang Royal Road na tinatayang may habang 1677 milya o 2699 na kilometro mula Sardis hanggang Susa.
  • napatanyag din ng mga persian ang pagsulong ng relihiyong Zoroastrianism na itinatag ni Zoroaster.

SUBMITTED BY:

VICTORIA SANTOS

JORIELYN RICAFRENTE

RHINE CATUBIG

JOHN REX BUENAVENTE

Isang sinaunang kabihasnan ang nagmula sa lambak ng Nile River sa Egypt na nasa hilagang-silangang bahagi ng Africa. Noon pa mang unang panahon, ang Egypt ay tinawag na bilang The Gift of the Nile dahil kung wala ang ilog na ito, ang buong lupain nito ang magiging disyerto. Sa panahong Neolitiko, ang taunang pag-apaw ng Nile ay nagbigay daan upang makapagtanim ang mga magsasaka sa lambak-ilog. Ang tubig baha ay nagdudulot ng halumigmig sa tuyong lupain at nag iiwan ng matabang lupain. Upang maparami ang kanilang maaaring maitanim bawat taon, ang mga sinaunga egyptian ay gumagawa ng imbakan ng tubig at naghukay ng mga kanal upang padaluyin ang tubig sa kanilang mga lupaing sinasaka. Maliban sa kahalagahan nito sa pagsasaka, ang Nile ay nagsilbing mahusay na ruta sa paglalakbay. Nagawa nitong mapag-ugnay ang mga pamayanang matatagpuan malapit sa pampang ng ilog. Nakapamuhay ng mapayapa at masagana ang Egypt sa mahabang panahon.

Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig

Ang Sinaunang Kabihasnan ng Africa

Impluwensya ng Heograpiya sa Pag-unlad ng mga Sinaunang Kabihasnan

  • Sui (589-618 CE) nagkaroon ng dalawang emperador ang Sui. Gayon man, nagawa nitong muling pag-isahin ang watak-watak na teritoryo ng china.
  • -isinaayos ang Great Wall of China. Ginawa rin ang Grand Canal na nag-uugnay sa mga ilog ng Huang Ho at Yangtze.

  • Sumer (3500-2340 BCE)-namalagi ang mga nomadikong Sumer sa mga lupaing sakahan ng lambak ilog.
  • Nabuo ang 12 lungsod estado (hal. Eridu, kish, lagash, uruk at ur) na pinamumunuan ng isang hari.
  • tinawag na ziggurat ang strukturang nagsilbing tahanan at templo ng mga patron o diyos na makikita sa bawat lungsod.
  • naniwala sila sa maraming diyos at diyosa na anthropomorphic o may katangian at pag-uugaling tao.
  • Cuneiform (hugis-sinsel) ang paraan ng pagsulat na ginamitan ng stylus at clay o luwad na lapida.

nag-alaga sila ng baka, tupa, kambing at baboy.

  • madalas ang tunggalian ng mga lungsod estado sa lupa at tubig kaya hindi nakabuo ng isang matatag na pamahalaan.

  • Shang (1570-1045 BCE) sinasabing ito ang pinakamaunlad na kabihasnang gumamit ng bronse sa panahong ito.
  • -pinakamatanda sa mga panulat sa Tsino na nakasulat sa mga oracle bones o mga tortoise shell at cattle bone.
  • -pinatalsik ang Shang noong 1045 BCE

Ang Kabihasnan ng Mesopotamia sa Kanlurang Asya

  • Han (202 BCE – 200 CE) ito ang kauna unahang dinastiyang yumakap sa Confucianism.
  • -ang pagsulat ng kasaysayan ng China ay isang napakalaking ambag ng Dinastiyang Han.

Ang mga pamayanang Nagsasaka (2000-1500 BCE)

Maraming siglo muna ang lumipas sa pagitan ng pagsisimula ng paninimula

ng pamumuhay sa mga pamayanan at pagkakaroon ng mga lipunang binuo ng

estado sa Mesoamerica. Ang mga sinaunang tao ay nagtatanim ng mais at iba

pang mga produkto sa matabang lupain sa Yucatan Peninsula at

kasalukuyang Veracruz noon pa mang 3500 BCE. Sa ng 1500 BCE maraming taga meso-america ang nagsimulang manirahan sa mga pamayanan. Naidagdag din sa kanilang karaniwang kinakain ang isda at karne ng maiilap na hayop.

Mababanaag na ang pagkakaroon ng politikal at panlipiunang kaayusan sa Mesoamerica sa pagitan ng 2000 BCE at 900 BCE. Sa maraming relihiyon, ang maliliit subalit makapangyarihang pamayanan ay nagkaroon ng mga pinuno. Nagkaroon din ng ilang mga angkang pinangibabawan ang aspektong pang-ekonomiya , pampolitika , at panrehiyon. Ang pinakakilala sa mga bagong tatag na lipunan ay ang Olmec

Ang Mga kabihasnan sa Mesoamerica

  • Q’in o Ch’in (221-206 BCE) ginapi ng mga pinunong Qin ang mga estado ng dinastiyang Zhou.
  • -nagawang pag-isahin ang mga nagdidigmang estado at isinailalim sa kaniyang kapagyarihan ang iba’t-ibang rehiyon sa china. Inihayag niya ang sarili bilang “Unang Emperador” ng china.
  • -ang hinahangaang Great Wall of China ay itinayo upang magsilbing tanggulan laban sa mga tribong nomadiko na nagmula sa hilaga ng China.
  • -humina ang dinastiya nang mamatay si Shih Huangdi at napalitan ng Dinastiyang Han nang mag-alsa si Lui Bang.

  • Zhou o Chou (1045-221 BCE) –naniwala ang mga tao sa Mandate of Heaven o “Basbas ng Kalangitan” na ang emperador ay namumuno sa kapahintulutan ng langit.
  • -umusbong ang mahahalagang humubog sa kamalayan ng Tsino kabilang ang:
  • Confucianism-layunin ng isang tahimik at organisadong; lipunan sa pamamagitan ng pagpapabuti sa sarili at pagpapahalaga sa ugnayan ng mga tao sa lipunan.
  • Taoism-hangad ang balanseng sa kalikasan at daigdig at pakikiayon ng tao sa kalikasan.
  • Legalism-maaaring mapasunod sa pamamagitan ng mahigpit na batas at marahas na kaparusahan.

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi