Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
Sa bayan ng Senaar, may isang matandang pari na naninirahan dito at kilala siya bilang si Barlaan. Nagpakita sa kanya ang Diyos at sinabi kung gaano kabuti ang kalooban ni Josaphat at nais niyang matutunan ni Josaphat ang aral ng Kristiyanismo. Kaya nagpasya si Barlaan na magpanggap bilang isang mangangalakal. Pumunta siya sa kaharian at sinabing may ipapakita siyang mahalagang bato kay Josaphat.
Nang magkita sila ay tinuruan niya si Josaphat ng mga aral ng Kristiyanismo gaya nalang ng paggawa ng Diyos sa mundo, ang kasalanan ni Eva at Adan, at iba pa. Pagkatapos ay bininyagan ni Barlaan si Josaphat sa isang bukal na nasa hardin ng kaharian.
Kalaunan, nalaman ni Zardin, ang siyang pinagkatiwalaan ng hari para bantayan si Josaphat, ang mga pinaggagawa ni Josaphat kaya pinagsabihan niya ito na malalagot siya kay Haring Abenir kung malalaman niya ang tungkol dito. Ngunit, nangatwiran si Josaphat na wala naman silang ginagawang masama at sinama niya si Zardin kay Barlaan. Napaniwala rin naman ni Barlaan si Zardin sa kahalagahan ng Kristiyanismo at hiniling naman ni Josaphat kay Zardin na huwag itong ipagbigay alam sa kanyang ama. Bilang pagtago ay nagpaalam si Zardin na uuwi dahil sa may sakit siya ngunit nalaman din naman ng hari na di ito totoo at umamin na si Zardin sa katotohanan.
Sumangguni si Haring Abenir sa tagapayong si Araquez at ang sinabi nito ay magkaroon ng debate tungkol sa magkaibang paniniwala nila para naman maibalik si Josaphat sa kanila. Kaya iniutos ng hari na dakpin si Barlaan sa Senaar ngunit di nila ito makita. Kaya naman inutusan nila si Nacor, isang tanyag na astrologo, na magpanggap bilang si Barlaan at magpatalo sa debate. Ngunit nalaman ni Josaphat na isang impostor lamang si Nacor kaya kinausap niya ito at sinabing papatayin niya si Nacor kapag natalo ang Kristiyanismo dahil pagpapatunay lang ito na impostor siya. At nagawa ngang ipangtanggol ni Nacor ang Kristiyanismo at kalauna'y nagpaturo na kay Josaphat tungkol dito at pumasok siya sa monasteryo upang magpabinyag.
Nagkaroon din ng pista sa mga diyos-diyosan sa kaharian para mapasigla ang mga tao. Dahil sa tulong ng hari sa pagkakaroon ng pista ay nangako si Theudas sa kanya na maibabalik niya si Josaphat sa pamamagitan ng pagbigay ng mga babaeng alipin kay Josaphat para maging makasalanan ito ngunit di gumana ang plano niya. Pangalawang plano niya ay pag-awayin si Haing Abenir at si Josaphat ngunit ang nangyari naman ay mas naniwala siya sa salita ni Josaphat at naging isang tagasunod na rin ng Kristiyanismo na siyang ikinasama na naman ng loob ng hari.
Nagpayo naman si Araquez na hatiin na lamang ang kaharian at hayaang mamuno si Josaphat sa mga Kristiyano. Pumayag naman si Haring Abenir at sinabing hindi niya paparusahan ang sinumang sasama kay Josaphat. Sa kasamaang palad ay kumunti na lamang tagasunod ng hari at napagtanto niya ang kanyang mga kasalanan kaya nakiusap siya sa kanyang na turuan siya ng mga aral sa Kristiyanismo.
Kalaunan ay namatay si Barlaan at nanaginip si Josaphat tungkol sa dalawang makintab na koronang para sa kanya at sa kanyang ama. Nagalit siya dito dahil para kanya ay walang karapatan ang kanyang ama dito dahil hindi niya naranasan ang hirap na dinanas niya. Nagpakita sa kanya si Barlaan at pinagalitan siya. Tumangis si Josaphat at nagsisi sa kanyang nagawa.
Isang araw, humingi ng abiso si Josaphat na lumabas sa kaharian at pinayagan naman siya. Doon niya nasaksihan na marami ng mga tao ang nagkakasakit at namamatay. Dahil dito, ninais niyang matutunan ang mga aral ng Kristiyanismo katulad nalang ng pagtitiis sa hirap.
Abenir- ama ni Josaphat at hari ng India
Barlaan- isang matandang pari na nagpatanggap upang malapitan si Josaphat
Josaphat- anak ni Haring Abenir
Theudas- isa sa mga alagad ng Hari
Barachias- isang tapat na tauhan ni Josaphat
Zardan-kablyerong inutusan ng hari na mag-ingat na huwag makakarinig si Josaphat ng anuman tungkol sa kristiyanismo
Araquez- pinakatapat na tagapayo ng hari
Nacor-isang bantog na astrologo na nagpanggap bilang Barlaan
Sa isang kaharian sa India, may namumunong nagngangalang Haring Abenir. Galit na galit siya sa Kristiyanismo at sa mga nagpapalaganap nito dahil marami na sa kanyang nasasakupan ang lumipat sa paniniwalang ito at kabilang na dito ang isang sa mga pinagkakatiwalaan niyang kabalyero. Kaya naman, noong ipinanganak na ang kanyang pinakamamahal na anak na si Josaphat, ipinag-utos niya na ilayo ang kanyang anak sa paniniwalang Kristiyanismo.
Nang namatay naman si Haring Abenir ay iniwan ni Josaphat ang kaharian kay Barachias at nanirahan siya sa kabundukan bilang isang ermitanyo. Iginugol rin niya ang dalawang taon sa paghahanap kay Barlaan at namuhay sila ng magkasama.
Nang namatay naman si Josaphat ay inilibing siya sa tabi ni Barlaan. Nag-utos ang Diyos kay Josaphat na mag-anyong matanda upang ibalita kay Barachias ang nangyari. Hinanap ni Barachias ang bangkay ni Josaphat at nagulat sila dahil hindi nabubulok ang bangkay nina Josaphat at Barlaan kaya dinala nila ito sa unang simbahang itinayo ni Josaphat sa kaharian at sari-saring himala ang nangyari sa harap ng mga bangkay.