Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

KAHULUGAN, KALIKASAN AT PROSESO NG PAKIKINIG

PROSESO NG PAKIKINIG

  • Ang pakikinig ay komplikado
  • Isang proseso na berbal o di-berbal

Pagdinig sa Tunog o Mensahe

Pagkilala at pagbibigay kahulugan sa napakingang tunog

  • Naisasagawa tulong ng isip at damdamin habang nakikinig
  • Anomang bagay na lumilikha ng tunog ay may katumbas na kahulugan
  • Unang prosesong nagaganap
  • Pambihirang katangian
  • Katulad ng pang-amoy at pandama na bukas sa loob bente kuwatro oras

Kahulugan at kalikasan ng pakikinig

Pagbibigay reaksyon sa tunog na narinig

  • Ito ay isang proseso ng pag-unawa
  • Pagkilala ito sa mga tinatanggap mong mensahe mula sa mga pinagmulan
  • Ang reaksyon naibibigay ay batay sa pagkaunawa sa narinig.

Bakit kailangan ituro ang pakikinig?

Maraming kadahilanan kung bakit kailangan ituro ang pakikinig. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

1. Ang pakikinig ay mahalaga sa ating pang-araw-araw na pakikipamuhay. Ayon kay Wilga Rivers (1981), makalawang beses tayong nakinig kaysa sa pagsasalita, makaapat na beses kaysa pagbabasa at makalimang beses kaysa pagsulat.

2. Ayon kay Nida (1957), "Ang pagkatuto sa pagsasalita ng isang wika ay nakasalalay nang malaki kung gaano mo ito napakikinggan nang mabuti." Kaya napakahalaga ng pakikinig sa paglinang ng kasanayan ng pagsasalita.

  • Nagagawang makinig sa tulong ng pisikal na kakayahan
  • Sinusuportahan ito ng isip at damdamin
  • Konektado ito sa bawat ‘nerves’ sa ating katawan

“in-put knowledge” – bawat maririnig na impormasyon ay dumadaan sa prosesong persepsiyon o pagkilala, komprehensiyon o pag-unawa, asimilasyon o pagsasama-sama ng dating kaalaman sa kasalukuyan

Kapag ang isang tao ay natuto ng wastong paraan ng pakikinig , magiging maayos ang kanyang pamumuhay at makakamit niya ang tagumpay.

Ayon sa International Listening Association, ang pakikinig ay ang proseso ng pagtanggap, paglikha ng kahulugan, at pagtugon sa pasalita at/o di berbal na

mensahe.

Ayon sa mga sumusunod:

Dapat nating mabatid ang katotohananng ang pakikinig ay isang kasanayang maaring linangin at higit pang mapaunlad.

Ang pakikinig ay mahalaga sapagkat ito ay nakapagpapalawak ng kaalaman ng tao. Ito ay nagpapalawak ng kaalaman ng tao. Ito rin ay maaring maging daan ng pagkakaunawaan, ang pag-unawa sa damdamin at kaisipan ng isang tao upang sa gayon ay mabigyang katwiran ang kanyang gawi, kilos at paniniwala.

Yagang (1993), ang pakikinig ay ang kakayahang matukoy at maunawaan kung ano ang sinasabi ng ating kausap.

Howatt at Dakin (1974), sa kasanayang ito nakapaloob din ang pag-unawa sa pagbigkas, balarila at talasalitaan, at pagpapakahulugan sa nais iparating ng tagapagsalita.

1. Ang pakikinig ay isang interaktibo at di-pasibo na nangangailangan ng higit sa itinakdang lakas at pagsasanay.

2. Hindi pasibo kundi aktibong paraan ng pagtanggap at pagbo ng mensahe mula sa pinanggagalingang tunog. Ito'y nakabatay kung ano ang nalalaman ng sinuman sa mga sistemang ponolohikal, gramatika, leksikal at cultural ng wika.

3. Ang kakayahang matukoy at maunawaan kung ano ang sinasabi ng kausap. Ito'y kinapalooban ng pag-unawa sa diin at bigkas ng nagsasalita ang kanyang balarila at talasalitaan, kasama ang pagbibigay-kahulugan niya sa mga ito.

Binanggit ni Willis kay Yagang noong 1993 ang mga kasanayang micro sa pakikinig na tinatawag niyang enabling skills tulad ng mga sumusunod:

PAKIKINIG

Ito ang paglalaan ng ating atensyon at pag-unawa sa ating napakikinggan. Ang pakikinig ay ang paraan ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng ating pandinig.

  • Paghihinuha kung ano ang magiging paksa ng usapan.
  • Paghuhula ng hindi kilalang salita o parilala.
  • Paggamit ng sariling kaalaman sa paksa para sa dagliang pag-unawa.
  • Patutukoy sa mga mahalagang kaisipan at pagbabalewala ng mga di mahahalagang impormasyon.
  • Pagpapanatili ng mga mahahalagang impormasyon sa pamamagitan ng pagtatala o paglalagom.
  • Pagkilala sa mga diskors marker tulad ng gayon, ngayon, sa wakas, atb.
  • Pagkilala sa mga cohesive devices gaya ng pangatnig, panghalip, atb.
  • Pag-unawa sa iba't ibang huwarang intonasyon at paggamit ng diin na maaring maging hudyat ng mensahe at kalagayang sosyal.
  • Pag-unawa sa mga pahiwatig na impormasyon tulad ng intensyon o saloobin ng tagapagsalita.

PANDINING (Hearing)

PAKIKINIG (Listening)

Kapag tayo ay nakikinig, nakakapagbigay tayo ng mga fidbak at opinyon sa mga ideya na ating napakinggan.

70% ng ating buhay ay inilalaan natin sa komunikasyon; kung kaya't dapat lamang na tayo ay marunong makinig sa ibang tao.

Sa pakikinig, naiiwasan natin ang mga problema sa komunikasyon.

PANDINIG

Ito ay isang pisikal na proseso ng pagkatanggap ng “sound waves” sa ating “eardrums” at paglabas ng elektro-magnetik impulses mula sa ating tainga papunta sa sentral na awditoryo ng utak. Ito rin ay proseso ng pagdekoda ng tunog.

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi