Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading content…
Transcript

Batayan ng Paniniwala at Relihiyon

• Nakaguhit at nakalilok na mga ritwal at mga sinasambang diyos-diyosan

• Dambana o altar

• Bahay sambahan

• Palasyo at mg lugar sa kalagitnaan ng kabayanan

• Nakasulat na dasal

• Mga paniniwala at pagsamba tungkol sa pagtatanim, pag-aani, paghingi ng ulan, pagpapaalis ng mga salot at sakit, paghingi ng anak, pagpapasalamat, paghingi ng pagkin sa panahon ng taggutom at sa pang araw-araw na gawain

Mga Myembro

Pinuno:

Raizah Belle Factor

Jan Nicole Perez

Relihiyon

Valeene Valledor

Zach Elipse

Kianna Carongoy

Jhustine Perez

Jeanne Portillo

Io Echo Salurio

Ezikiel Santos

Ethel Ysabelle Delos Reyes

Charles Fisher

Ang relihiyon sa Mesopotamia ay tumutukoy sa mga paniniwalang pang-relihiyon at mga kasanayang panrelihiyon na sinunod ng mga taong Sumeryo at Silangang Semitikong Akkadian, Asiryo, Babilonio at mga Kaldeo na nabuhay sa Mesopotamia (ngayong modernong Iraq at hilagang silangang Syria) na nanaig sa rehiyong ito sa 4,200 taon mula sa ika-4 na milenyo BCE sa buong Mesopotamia hanggang ika-10 siglo CE sa Asirya.

Ang relihiyong sinanay sa sinaunang Mesopotamia ang politeismo sa mga libo libong taon. Ito ay unti unting naglalaho sa pagsisimula ng ika-1 siglo CE sa pagpapakilala ng Silangang Ritong Kristiyanismo gayundin ng Manicheanismo at Gnostisismo na tumagal ng 3 hanggang 4 na siglo hanggang sa ang mga paniniwalang ito ay namatay na na may mga huling bakas nito sa mga ilang pamayanang Asiryo hanggang noong ika-10 siglo CE. Ang Diyos na si Ashur ay sinasamba pa rin sa Assyrian hanggang noong ika-4 siglo CE at ang Ashurismo ay sinanay ng mga menoridad hanggang noong ika-10 siglo CE.

Relihiyon

isang skulptura ng babaeng Diyosa ng mga Sumerio, c. 2120 BCE.

Ang Diyos na si Marduk at kanyang dragon na si Mušḫuššu mula sa selyong silindrong Babilonio.

Relihiyon

Walang malawakang pangimperyong hanay ng mga Diyos. Ang bawat siyudad-estado ay may sarili nitong patrong-Diyos, mga templo at mga saserdote-hari o paring hari. Ang mga Sumerian ang pinaniniwalaang ang unang sumulat ng kanilang mga paniniwala na kalaunang naging inspirasyon ng mitolohiyang Mesopotamiano na naging impluwensiya naman sa mga mas kalaunang relihiyon gaya ng Hudaismo at Kristiyanismo.

Relihiyon

Ang relihiyong Mesopotamiano ay pinaniniwalaan ng mga historyan na isang malaking impluwensiya sa mga kalaunang lumitaw na relihiyon sa buong kasaysayan ng mundo kabilang ang mga relihiyong Cananeo, relihiyong Arameo, relihiyon ng Sinaunang Gresya, mga relihiyong Poeniko gayundin din sa mga kalaunang lumitaw na relihiyong Hudaismo, Kristiyanismo at Islam. Ang mga mitolohiyang Mesopotamiano ay nakaimpluwensiya sa mga kalaunang mitolohiya ng Bibliya gaya ng mito ng paglikha, Adan at Eba, Arko ni Noe, Tore ng Babel, Nimrod at Lilith. Ang mga kuwento ni Moises ay katulad sa kuwento ni Sargon ng Akkad at ang mga kautusan ni Moises ay tumutugma sa mga kodigong pambatas na Asiryo-Babilonio, halimbawa ang batas na "mata sa mata" ni Hammurabi. Ang mga Israelita ay sinakop ng Imperyong Babilonio noong 587 CE at ipinatapon sa Babilonia. Pinaniniwalaan ng mga skolar na ang Torah at karamihan ng Tanakh o Lumang Tipan ay isinulat pagkatapos ng pagkakabihag ng mga Israelita sa Babilonia.

Sa kaliwa ay ang kaharian ng Babilonia; sa kanan ay ang hari ng Babilonia na si Hammurabi

Relihiyon

Ang mga sinaunang Mesopotamiano ay naniwala sa isang kabilang buhay na isang lupain sa ilalim ng ating mundo. Ito ay kilala bilang Arallû, Ganzer o Irkallu na pinainiwalang patutunguhan ng sinuman na namatay kahit pa ano ang katayuan sa buhay o mga aksiyong ginawa sa buhay nito.

Mga depiksyon ng kabilang buhay na parte ng paniniwala ng mga Sumerian

Ang Kabihasnang Sumer

Pangkat 1

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi