Loading…
Transcript

1761 - nagkaroon ng kasunduan ang Espanya at Pransiya para magkasabang labanan ang amibsyon ng Inglatera na maghari sa buong mundo

Setyembre 22, 1762 -binomba ng mga Ingles kasama ang may 6,000 na tauhan kabilang na ang mga Sepoy na mula sa Bombay ang Intramuros, Malate, Ermita at Bagumbayan; isinuko ni Arsobispo Manuel Rojo ang Maynila at Cavite at tumakas naman si Simon Anda patungong Pampanga upang ipagpatuloy ang laban

Juan de la Cruz Palaris - pinamunuan niya ang malawakang pag-aalsa noong 1762 sa Pangasinan at hininging tapusin ang pagbabayad ng tributo at ang ang-aabuso ng mga Espanyol. Sa loob ng mahigit isang taon, pinagharian niya ang Pangasinan. Nagpadala ng 3,000 Ilokano sa Pangasinan upang pahupain ang pag-aaklas at napatay dito si Palaris.

-kawalan ng kakayahan ng mga opisyal na Espanyol

-pagkagahaman at katiwalian ng mga negosyante at mga relihiyosong korporasyon na kasali sa kalakalang galeon

-mahigpit na patakarang ekonomiya na nagsara sa ilang bahagi ng bansa sa pakikipag-ugnayan sa ibang bansa

-malimit na pag-aaway ng mga opisyal ng pamahalaan at kaparian na nakatalaga sa pamahalaan

Jose Basco y Vargas - itinalagang gobernador-heneral ng Pilipinas noong 1778. Pinag-aralan niya ang kalagayan ng ekonomiya ng Pilipinas at nakita niyang hindi ito kasiya siya kaya pinaunlad niya ang mayamang agrikultura ng Pilipinas.

Para sa mahusay na pagpapatupad ng planong pang-ekonomiya, itinatag ni Gobernador Basco ang: Sociedad Economico de los Amigos de Pais

Real Compania de Filipinas

1782 - itinatag ang monolopyo ng pamahalaan

1807 - may 10,0000 rebelde sa Ilokos ang nag-alsa laban sa monopolyo ng gobyerno sa alak na basi na ginagawa sa probinsya na mula sa tubo at tinawag itong Rebulusyong Basi.

Inquilino - kasama sa mga asyenda na bumuo sa panggitnang uri ng lipunan; isang uri na mas mababa sa mga aristokratang opisyal na Espanyol, Pamilyang Espanyol at mga relihiyosong orden ngunit mas mataas sa mga Indio.

Ilustrado - ang mga mayayaman at nakapa-aral na Pilipino

Insulares - tumutukoy sa mga Espanyol na isinilang sa Pilipinas

Peninsulares- mga Espanyol na isinalang sa Espanya na nagtatrabaho o naninirahan sa Pilipinas

Dalawang pangyayari na nagpahiwatig ng pagusbong na kamalayan sa mga masa bilang naiibang lahi at uri sa lipunan:

  • Ang paglalathala sa Tagalog ng FLorante at Laura ni Fransisco Baltazar noong 1838
  • Ang pag-aaklas ni Apolinario de la Cruz o Hermano Pule sa Tayabas noong 1841

Mga kolehiyo at unibersidad na itinayo para lamang sa mga Espanyol at mestisong Espanyol:

  • San Juan de Letran
  • San Jose
  • San Felipe

,Mga eskwelahang itinayo para lamang sa mga babae:

  • Colegio de Santa Poteniciana
  • Colegio de Santa Isabel
  • Colegio de Santa Rosa

Noon lamang ika-19 na siglo, tumanggap ng mga katutubo ang mga eskwelahang ito pati na ang Unibersidad ng Santo Tomas. Dahil dito, napag-aral na ng mayayamang Pilipino ang kanilang mga anak sa mga paaralang ito at sa bandang huli, ang mga edukadong Pilipinong ito ay humingi ng reporma sa pamamahala ng Espanyol sa Pilipinas. Isinulong din nila ang ideya na ang mga Indio ay mga Pilipino na may karapatang kapantay ng mga Espanyol sa Pilipinas.

Dalawang uri ng pari noong panahon ng mga Espanyol:

-Paring regular - iyong mga paring kaanib ng mga relihiyosong orden tulad ng mga Dominikano, Recoletos, Agustino at Fransiskano. Meron silang misyong tuparin at iyon ay ang pagbabalik-loob sa Kristiyanismo ng mga di Kristyano. Sila rin ang namamahala sa mga parokya kaya tinawag silang prayleng-kura.

-Paring Sekular - paring hindi kaanib ng kahit anong relihiyosong orden.

Nagkaroon ng kontrobersiya sa pagitan ng mga regular at sekular dahil ayaw nilang umalis sa parokya. Nagismula ito ng hingin ng mga sekular ang karapatan na pamahalaan nila ang parokya. Sa una, sinuportahan sila ngunit ng nagtagal ay di na sila nangialam. Lalong lumala ito nang ibinigay ang parokya sa mga paring regular. Ito ang naging simula ng kampanya sa sekularisasyon na tinatawag ding Pilipinisasyon. Pinamunuan ito ni Padre Pedro Pelaez at pianalitan ito ni Padre Jose Burgos ng mamatay ito.

Sa kalagitnaang ng kontrobersiya tungkol sa sekularisasyon, pumutok ang paghihimagsik sa Cavite noong Enero 20, 1872. Ito ay bunga ng pagkakabawi ni Gobernador-Heneral Rafael de Izquierdo ng mga trabahador sa pagawaan ng barko para di na sila kasali sa puwersahang paggawa at pagbabayad ng tributo. . Sila ay pinamunuan ng isang sarhentong militar, si La Madrid. Nabahala ang gobernador-heneral sa rebelyon kaya nagpadala siya ng ekspedisyon dito para arestuhin ang mga nasangkot. May mga nadakip, may ipinatapon sa Guam samantalang hinatulan ng kamatayan ang GomBurZa.

Ikinulong muna sa Fort Santiago ang GomBurZa bago sila nilitis sa kasong rebelyon kahit nabigo ang pamahalaan na patunayang may kinalaman ang asado sa paghihimagsik noong Enero gayunman, ay nahatulan sila ng kamatayan sa pamamagitan ng garote.

Noong Pebrero 17,1872 nagmartsa ang tatlong pari mula Fort Santiago papuntang liwasan sa Bagumbayan. Sinasabing nabaliw si Zamora at tahimik na pumayag na magarote. Sumunod sa kanya si Gomez at huli si Burgos.

Ang Pag-usbong ng Nasyonalismong Pilipino (Kalagitnaan ng Siglo 1700-1900)

Panganiban, Mark Angelo G.

Catacutan, Ronalyn U.

Fetalvero, Analyn

Wagan, Marie Joy

Delos Reyes, Phil Florence

Balitaan, Riczel Mariz

Garcia, Franciz Nikko

Ang Kampanya para sa Sekularisasyon

Ang Pagbitay kina GomBurZa

Ang Paghihimagsik sa Cavite

Ang mga Planong pang-ekonomiya ni Basco

Mga dahilan ng mabagal na pag-unlad ng ekonomiya sa Pilipinas:

Ang Laissez-Faat ang pagbubukas ng mga Daungan

Laissez-Faire - ang malayang patakaran sa komersiyo sa pangangalakal na sinusunod ng mga Europeo

  • binigyan nito ng kalayaan ang mga pribadong indibidwal at korporasyon na pumasok sa mga gawaing pang-ekonomiya nang walang pangihimasok ng pamahalaan
  • pinapayagan nito ang pagpasok ng mga dayuhang kompanya sa bansa

1834 - binuksan na ang Maynila sa mga dayuhang mangangalakal

1842 - nagkaroon na ng (2) kompanyang Amerikano, (1) kompanyang Pranses at Danish at (8) kompanyang Ingles sa Maynila

1859 - naging labinlima na ang kompanya sa Maynila

1855 - binuksan na sa dayuhang kalakalan ang mga daungan ng Iloilo, Zamboanga, Sual ng Pangasinana

1860- binuksan na ang daungan ng Cebu

1873- binuksan na an daungan sa Tacloan at Legazpi

Ang Pagsilang ng Pang-gitnang uri ng mga Pilipino

Liberalismo sa Pilipinas

Mahalaga ang pamamahala ni de la re sa Pilipinas dahil sa mga sumusunod:

  • inalis niya ang pagbabawal sa pamamahayag
  • inalis niya ang pagpaparusa sa pamamagitan ng paghagupit
  • nilutas niya ang usaping agraryo sa Cavite

Nagkaroon ng rebolusyon sa Espanya laban sa awtokratikong pamamahala ni Reyna Isabela II noong 1868 at dahil sa tagumpay nito, isinilang ang Republika ng Espanya na tumagal ng 1868 hanggang 1870 at nakarating sa Pilipinas ang ilang liberal at progresibong Espanyol. Isa na rito si Gobernador-Heneral Carlos Maria de la Torre na dumating sa Maynila noong 1869. Ipinakita niya ang demokratikong pamamalakad sa pamamagitan ng simpleng pamumuhay at iniiwasan ang mga luho, wala siyang alalay na kasama sa paglalakad at hindi siya naka-unipormeng militar.

Ang Pagbabalik ng Atokrasya

Maikli lamang ang naging administrayon ni de la Torre dahil naibalik sa kapangyarihan ang monarkiya at umakyat sa trono ang bagong hari. Dahil dito, nagpadala ang Hari ng Espanya ng mga opisyal na Espanyol sa Pilipinas na may kaparehong pag-iisip para muling pamubuan ang bansa at isa na rito si Rafael de Izquierdo na naging gobernador-heneral noong 1871. Ipinagmalaki niya na pamumunuan niya ang Pilipinas nang may krus sa isang kamay at espada naman sa kabila.

Kaagad binaliktad ni Izquierdo ang mga repormang ginawa ni de la Torre. Hindi niya inaprubahan ang pagpapatayo ng eskwelahang pang-sining at para sa iba't ibang gawain. Muling ibinalik ang pagbabawala sa pahayagan at hinigpitan ang kalayaang magpahayag. Pinagsuspetyahan din ang mga taong kumikiling sa administrasyon ni de la Torre.

Ang Edukasyon ng Ilang Pilipino

Ang Pagbubukas ng Suez Canal

Noong 1869, binuksan ang Suez Canal na nagpaikli ng distansya at oras ng paglalakbay sa pagitan ng Espanya at Pilipinas. Dumayo at nanirahan ang mga creole na ipinatapon mula sa Mexico tulad nina Varela at Novales na may subersibong kaisipan at gawain at nagtaguyod ng kalayaan. Naumpluwensiyahan din nila ang ilang edukadong Pilipino at di naglaonn ay pareho na silang humihingi ng mga pagbabago sa pamamahala sa kolonya. Dahil sa mas pinaikling distansya sa pagitan ng Espanya at Pilipinas, maraming nakapasok na progresibong libro at babasahin sa bansa . Dahil sa mas pinaikling panahon ng paglalakbay sa pagitan ng Espanya at Pilipinas, maraming edukadong Pilipino ang nahikayat na magpunta sa Europa para ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at patunayang kapantay nila ang mga Espanyol.

Ang Pananakop at Okupasyon ng mga Ingles

Ang mga Pag-aaklas nina Silang at Palaris

Diego Silang - isang Ilokano mula sa rehiyon ng Ilokos ang nag-aklas noong 1762. Hiningi niya ang pagpapaalis sa mga Espyol at mestisong Espanyol sa Ilokos. Idineklara niya ang sarili niya bilang "Hari ng Ilokos" pagkatapos matagumpay na mapaalis ang gobernador at ibang Espanyol sa Vigan. Humanga ang mga Ingles sa kanya kaya inalok siya ng mga ito na maging kakampi nila at pumayag naman ito ngunit napatay din siya. Ang asawa niya na si Gabriela Silang ang nagpatuloy ng kanyang laban ngunit napatay din siya kasama ang 100 tagasunod.

design by Dóri Sirály for Prezi