Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
May kaugnayan din ang talinong ito sa kakayahan sa matematika. Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay: artists, designers, cartoonists, story-boarders, architects, photographers, sculptors, town-planners, visionaries, inventors, engineers, cosmetics and beauty consultants
3. Matematikal/ Logical- Taglay ng taong may talino nito ay mabilis ang pagkakatuto sa pamamagitan ng pangangatwiran at paglutas ng suliranin (problem solving). Ito ay talinong may kaugnay ng lohika, paghahalaw at numero. Gaya ng inaasahan, ang talinong ito ay may kinalaman sa kahusayan sa matematika, chess, computer programming at iba
pang kaugnay na gawain. Gayunpaman, mas malapit ang kaugnayan nito sa kakayahan sa siyentipikong pag-iisip at pagsisiyasat, pagkilala ng abstract patterns, at kakayahang magsagawa ng mga nakalilitong pagtutuos. Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay: scientists, engineers, computer experts, accountants, statisticians, researchers, analysts, traders, bankers bookmakers, insurance brokers, negotiators, deal-makers, trouble-shooters, directors.
1. Visual or Spatial- Ang mga taong may talinong visual/spatial ay mabilis matuto sa pamamagitan ng paningin at pagkaayos ng mga ideya. Nakagagawa ng mga ideya at kailangan din niyang makita ang paglalarawan upang maunawaan ito. May kakayahan siya na makita ang mga bagay upang makalikha ng isang produkto o makatuklas ng isang produkto o makalutas ng suliranin.
2. Verbal/Linguistic- Ito ay ang talino sa pagbigkas o pagsulat ng salita. Kadalasan ang mga taong may taglay na talinong ito ay mahusay sa pagbabasa, pagsulat, pagkuwento, at pagmemorya ng mga salita at mahahalagang petsa. Mas madali siyang matuto kung nagbabasa, nagsusulat, nakikinig, o nakikipagdebate. Mahusay siya sa pagpapaliwanang, pagtuturo, pagtatalumpati, o pagganyak sa pamamagitan ng pananalita. Madali para sa kanya ang matuto ng ibang wika. Halimbawa ng mga taong may ganitong talino ay: writers, lawyers, journalists, speakers, trainers, copy-writers, english teachers, poets, editors, linguists, translators, PR consultants, media consultants, TV and radio presenters, voice-over artistes