PANGHUHULA AT PAGHIHINUHA
Ang pagbuo ng kongklusyon ay tumutukoy sa impormasyong implayd o di tuwirang ipinahayag o inferred. Nangangahulugan ito na ang impormasyon kailan man ay hindi malinaw na ipinahayag.
Sa madaling salita ang Paghihinuha ay ang malaliman na pang unawa matapos basahin ang teksto. Samantala, ang panghuhula naman ay ang pag predik bago, o habang pagkatapos magbasa.
Paghihinuha
- Ang hinuha o inference ay nangangahulugan ng kongklusyon o paghuhusga kung may mga ideya na tila nagbibigay pahiwatig sa isang partikular na pangyayari.
- Sa pagbuo natin ng hinuha, higit nating naipamamalas ang mas malalimang pang unawa ng teksto sa pamamagitan ng pag-unawa ng kaisipan sa pamamagitan lamang ng pagpapahiwatig na ipinarating ng awtor.
- Nakakatulong din sa pagbuo ng hinuha ang pagkapit ng dating kaalaman.
PAGHUHULA AT PAGHIHINUHA
Paghuhula
- Ang paghuhula o predicting ay pag iisip kung ano ang maaring mangyari base sa mga larawan, pamagat, heading o maging ang mga personal na karanasan bago pa man mabasa ang teksto.
- Matapos makabuo ng hula, maaaring maisaayos, marebisa at maberipika ng mga mambabasa ang kanilang mga hula.