Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

Pagkatapos ng..

Pagkatapos ng mga imperyong nabuo sa British Isles at sa iba pang parte ng Timog-kanlurang Asya ay may mga nabuong imperyo sa Roma.

Ang unang emperador na namuno noong 96 CE dito ay si Nerva. Namuno siya dito ng dalawang taon at nagpatupad siya ng mahahalagang reporma.

ang sumunod na emperador

Ang sumunod naman sa kanya ay si Trajan, ang kauna-unahang dakilang heneral at mananakop na tagalabas na umupo sa trono. Namuno siya mula 98 CE hanggang 117 CE. Sa kanyang pamumuno ay naangkin niya ang teritoryo ng Dacia at Hilagang Danube. Napalawak niya ng husto ang teritoryo ng kanyang nasasakupan. Ipinagkaloob sa kanya ang titulong Optimus.

Ikatlong emperador..

Ang ikatlong emperador na humalili sa kanya ay si Hadrian. Sa kanyang pamamalakad ay gumanda ang mga probinsya. Nakabuo siya ng hukbong sandatahan at nakapagpatayo siya ng mga tanggulan para sa kanyang teritoryo.

Ang Limang Mabubuting Emperador

Ang pumalit..

Nang mamatay si Hadrian ay kaagad na pumalit sa kanya si Antoninus Pious. Ipinagpatuloy niya ang pagpapalakas sa mga hangganan ng imperyo. Kagaya ni Hadrian ay nagpatayo siya ng Antonine Wall, para ma-proteksiyunan ang kanyang nasasakupan. Pinalakas niya ang hukbong Romano. Namuno siya ng matiwasay sa loob ng 23 taon.

ang huling emperador..

Ang huling mabuting emperador ay si Marcus Aurelius. Nagpanukala siya ng maraming pagbabago sa burukrasya at sa sistema ng hustisya. Ginamit niya ang sistemang merit, na siyang basehan sa pagtaas ng ranggo at tungkulin ng mga kawani. Ang mga mahihirap at alipin ay nakinabang sa repormang ito. Binigyan niya ng pansin ang pagtatanggol sa mga imperyo. Nang mamatay si Marcus Aurelius, humalili ang mga mahihinang pinuno na naging sanhi ng pagbagsak at pagwawakas ng Pax Romano.

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi