Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
Ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila -isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela.
-Nagsimula ang nobela sa panahong ito Paksain: relihiyon, kabutihang-aral,nasyonalismo, reporma/pagbabago
-ang mga nobelang nalimbag sa Pilipinas na inakdaan ng mga may-akdang Pilipino tungkol sa mga Pilipino at sa Pilipinas. Maaari itong nasusulat sa wikang Tagalog, wikang Pilipino, o wikang Filipino, iba pang mga wika sa Pilipinas, at mga wikang dayuhan na katulad ng Ingles at Kastila.
Ang Wattpad ay isang komunidad ng pagsusulat kung saan ang mga gumagamit ay makakapag-post ng mga artikulo, kuwento, at poems tungkol sa anumang bagay na alinman sa online o sa pamamagitan ng Wattpad app. Ang mga gumagamit ay may magagawang magkomento at tulad ng mga kuwento o sumali sa grupo na nauugnay sa website.kalahati lang ng mga gumagamit ang Estados Unidos batay; iba pang mga user ay mula sa UK, Canada, sa Pilipinas, Australia, United Arab Emirates at iba pang mga bansa.
-Nahahati sa tatlong panahon ang kasaysayan ng nobela noong panahon ng Amerikano, ang Panahon ng AklatanBayan (1900–1921), Panahon ng Ilaw at Panitik (1922–1934) at Panahon ng Malasariling Pamahalaan (1934–1942). Noong Panahon ng Akalatan, naging maunlad ang nobela na tumatalakay sa mga paksain tungkol sa pag-ibig, paghihimagsik, buhay lalawigan at karanasan. Inilalathala sa mga pahayagan ang mga nobela na payugtu-yugto o hinahati sa parte ang nobela sa mga kabanata. Si Lope K. Santos, ama ng Balarilang Tagalog ang nagsimula ng ganitong paglalathala.
1. tagpuan - Panahon at lugar ng mga pangyayari
2. tauhan - nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa manunood
3. banghay - pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari
4. pananaw - panauhang ginagamit ng may-akda
a. una - kapag kasali ang may-akda sa kwento
b. pangalawa - ang may-akda ay nakikipag-usap
c. pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda
5. tema - paksang-diwang binibigyan ng diin
6. damdamin - nagbibigay kulay sa mga pangyayari
7. pamamaraan - istilo ng manunulat
8. pananalita - Mga salitang/diyalogong ginagamit sa nobela
9. simbolismo - nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, pangyayri at bagay.
-Noong Panahon ng Hapon, hindi rin naging maunlad ang nobela dahil sa kakulangan sa materyales (papel) at niliitan ang mga letra (sa Liwayway)
1. Nobelang Romansa - ukol sa pag-iibigan
2. Kasaysayan - binibigyang-diin ang kasaysayan o pangyayaring nakalipas na
3. Nobelang Banghay - isang akdang nasa pagkakabalangkas ng mga pangyayari ang ikawiwili ng mga mambabasa
4. Nobelang Masining - paglalarawan sa tauhan at pagkakasunud-sunod ng pangyayari ang ikinawiwili ng mga mambabasa
5. Layunin - mga layunin at mga simulan, lubhang mahalaga sa buhay ng tao
6. Nobelang Tauhan - binibigyang-diin sa nobelang ito ang katauhan ng pangunahing tauhan, mga hangarin, kalagayan, sitwasyon, at pangangailangan
7. Nobelang Pagbabago - ukol sa mga pangyayari na nakakapagpabago ng ating buhay o sistema
• Kasaysayang pampag-ibig - Ipinopokus dito ang karanasan sa pag-ibig ng mga tampok na tauhan. Ang pangunahing suliranin ay tungkol sa pagtatagumpay ng pag-ibig ng pangunahing tauhan. Hal. : Anak na Ligaw (1972) ni Dr. Fausto Galaman
• NOBELANG HISTORIKAL - Nakatuon sa maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayaring naganap sa nakaraan ng isang bansa o lugar ang banghay sa nobelang ito.
• Nobela ng tauhan - Ang mga pangyayari ay umiikot sa pangunahing tauhan at iba pang tauhang nakaapekto sa kanyang buhay Hal. : Nena at Neneng ni Valeriano Pena
• Nobela ng pagbabago - Binibigyang diin dito ang layunin ng may-akda o ang kanyang mga hinahangad na pagbabago sa lipunan at sa pamahalaan.Hal. : Noli Me Tangere at El Felibusterismo ni Dr. Jose P. Rizal
• Nobelang pulitikal - Tumatalakay sa isyung pulitikal noong panahon ng amerikano. Hal. : Pinaglahuan (1907) ni Faustino Aguilar
• Nobelang moral(May Nauuri sa dalawa):
a) isang kasaysayan ng babaeng may madilim na nakaraan ngunit may ginintuang puso.
b) Ang katapatan at pagtataksil ng isang asawa.
Hal. : Ang Tunay na Pag-ibig (1913) Sampaguita Walang Bango (1918) ni Inigo Ed Regalado
• Nobelang pang-ekonomiya at isyu sa paggawa - Tumatalakay sa isyung ekonomiya at paggawa. Hal. : Banaag at Sikat (1905) ni Lope K. Santos Anak Dalita (1911) ni Patricio Mariano
• Nobelang layunin - Binibigyang-diin ang mga pilosopiya, simulain, mga balyu sa moralidad at pananaw ng mga pangunahing tauhan. Ang suliranin ay nilulutas batay sa pinahihintulutang kaugalian ng lipunan.
• Nobelang makasining - Nagbibigay ng malaking pansin sa mahusay na pagtalakay at paghahanay ng mga pangyayari at paglalarawan ng mga tauhan.