Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

Kahalagahan ng Pamahalaan kaugnay sa Patakarang Piskal

  • Ang papel ng pamahalaan ay magtakda ng mga patakaran na maghahatid sa isang kondisyon na maunlad at matiwasay na ekonomiya.

  • Pamahalaan ang nagpapagawa ng imprastruktura, nagbibigay serbisyo sa mamamayan, nagpapababa ng presyo ng bilihin at nagbabalanse ng ekonomiya.

  • Ang solusyon ng pamahalaan dito ay ang magbawas ng mga gastusin nito upang mahila pababa ang kabuuang demand.

  • Ganito rin ang nangyayar kapag nagtaas ang pamahalaan ng buwis. Mapipilitan ang mga manggagawa na magbawas ng kanilang gastusinsa pagkonsumo dahil bahagi ng kanilang kita ay mapupunta sa buwis na kukunin ng pamahalaan.

Contractionary Fiscal Policy

  • Ito naman ay ipinapatupad ng pamahalaan kung nasa bingit ng pagtaas ang pangkalahatang presyo sa ekonomiya. Nagaganap ito kapag lubhang masigla ang ekonomiya na maaring magdulot ng overheated economy.

  • Ang epekto nito sa bansa ay pagtaas ng presyo ng bilihin o implasyon.

PATAKARANG PISKAL

Dahil dito, ang mamayan ay nagkakaroon ng maraming trabaho at nangangahulugan ng mas malaking kita.

Nagreresulta ito sa mas masiglang ekonomiya ng bansa.

  • Magdudulot ang ganitong sitwasyon ng mataas na kawalan ng trabaho at mababang buwis para sa pamahalaan.

  • Upang ito ay matugunan, ang pamahalaan ay karaniwang nagpapatupad ng desisyon upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya sa pamamagitan ng paggasta sa proyektong pampamahalaan o pagpapababa ng buwis.

Dalawang paraan na ginagamit ng pamahalaan sa pangangalaga sa ekonomiya ng bansa

Expansionary Fiscal Policy

  • Ito ay isinasagawa upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya ng bansa.
  • Sa kondisyong ito, higit na mas mababa ang output kaysa sa inaasahan dahil sa hindi nagagamit ang lahat ng resources.

Araling Panlipunan

  • Ang paggasta ng pamahalaan ay makapagpapasigla ng ekonomiya sa pamamagitan ng paggamit ng lahat ng resources ayon sa pinakamataas na matatamo mula sa mga ito na makakapagdulot ng full employment.

Patakarang Piskal

  • Ito ay tumutukoy sa behavior ng ng pamahalaan patungkol sa paggasta at pagbubuwis ng pamahalaan.

  • Ito rin ay tumutukoy sa paggamit ng pamahalaan sa paggasta at pagbubuwis upang mabago ang paggalaw ng ekonomiya.
Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi