Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig Batayang Aklat para sa Ikatlong Taon nina Vivar et. al pahina 150
Nagpapalaganap din ng mga saloobing Kristiyano ang sistemang kabalyero tulad ng pagtatanggol sa mga naaapi at paggalang sa kababaihan.
Banal at isang propesyon na pinagpala ng simbahan ang pagiging kabalyero. Kalakip nito ang tungkuling ipagtanggol at itaguyod ang Kristiyanismo.
Isang magandang alaala ng Piyudalismo ang sistemang Kabalyero (knighthood). Kinapapalooban ang kodigo ng kagahang asal ng mga kabalyero (chivalry) ng katapangan, kahinahunan, pagiging marangal at maginoo lalo na sa kaibigan.
Halaw mula sa Project EASE Araling Panlipunan, Module 9 ("Sistemang Pyudal sa Gitnang Panahon sa Europa")
Ang Piyudalismo sa Gitnang Panahon ay nag-ugat sa paghahati-hati ng Banal na Imperyo ni Charlemagne batay sa kasunduan sa Verdum.
Mahihinang tagapamahala ang mga tagapagmana ni Charlemagne kaya ng mga opisyal ng pamahalaan at mga may-ari ng lupain ay humiwalay sa pamumuno ng hari. Naibangon muli ang mga lokal na pamahalaan na ngayon ay pinatatakbo ng mga maharlika katulad ng mga konde at duke.
Ang madalas na pagsalakay na ito ng mga barbaro nagbigay ligalig sa mga mamamayan ng Europe. Dahil dito, hinangad ng lahat ang pagkakaroon ng proteksyon kaya naitatag ang sistemang Piyudalismo.
Sa sitwasyong ito pumasok ang mga barbarong Viking, Magyar, at Muslim. Sinalakay nila ang iba-ibang panig ng Europa lalo na sa bandang France. Ang mga Viking na kilala sa tawag na Normans ay nabigyan ng lupain sa bandang France kapalit ng pagtanggap nila ng Kristiyanismo. Ang lupaing napasakanila ay kilala ngayon sa tawag na Normandy.
Homage ang tawag sa seremonya kung saan inilalagay ng vassal ang kanyang kamay sa pagitan ng mga kamay ng lord at nangangako rito na siya ay magiging tapat na tauhan nito.
Kapag nagawa na lord at vassal ang oath of fealty sa isa't isa, gagampanan na nila ang mga tungkuling nakapaloob sa kasunduan.
Tungkulin din niya na ipagtanggol ang vassal laban sa mga mananalakay o masasamang-loob at maglapat ng nararapat na katarungan sa lahat ng mga alitan.
Tungkulin ng lord na suportahan ang pangangailangan ng vassal sa pamamagitan ng pagkakaloob ng fief.
Mula sa ika-siyam hanggang sa ika-14 na siglo, ang pinakamahalagang anyo ng kayamanan sa Europe ay lupa. Kinakailangang pangalagaan ang pagmamay-ari ng lupa. Pangunahing nagmamay-ari ng lupa ang hari.
Dahil sa hindi kayang ipagtanggol ng hari ang lahat ng kanyang mga lupain, ibinahagi niya ang lupa sa mga nobility o dugong bughaw na siya namang nagiging vassal ng hari.
Tungkulin din ng vassal na magbigay ng ilang kaukulang pagbabayad tulad ng ransom o pantubos kung mabihag ang lord sa digmaan.
Kailangan din niyang tumulong sa paghahanap ng sapat na salapi para sa dowry ng panganay na dalaga ng lord at para sa gastusin ng seremonya ng pagiging knight ng panganay na lalaki nito.