GOBERNADOR-HENERAL
$1.25
Wednesday, SEPTEMBER 10, 2014
Vol XCIII, No. 311
Sino ang mga Gobernador-Heneral?
Sila ay ang mga kinatawan ng Hari sa mga kolonya. Sila ay walang tiyak na panahon ng panununkulan bilang pinunu ng pamahalaan.
Gobernador-Heneral: ANO BA ITO?
Miguel Lopez de Lagazpi
Ano ang mga Tungkulin niya?
Siya ang kauna-unahang
Gobernador-Heneral sa
ating bansa.
Siya ang may pinaka
mataas na tungkulin sa
mga sakop ng Espanya.
- Siya ang nagpapatupad ng mga dekreto o utos ng Hari ng Espanya.
- Siya ay humihirang ng mga pinuno ng pamahalaan maliban sa mga pinunong itinalaga ng Hari
- Siya ay may kapangyarihang gumawa at magpatupad ng batas para sa kanyang kolonyang sinasakupan.
- May kapangyarihan ding siyang tinatawag na CUMPLASE na ang ibig sabihin ay may kapangyarihan siyang suspendihin o ipagpaliban ang pagpapatupad ng isang batas na inaakala niyang hindi angkop o walang kaugnayan sa kalagayan ng bansa.
- Siya ay may kapangyarihang magtalaga ng prayle sa ibat-ibang parokya bilang Royal Vice Patron
Siya ay tinatawag ding Kapitan Heneral, dahil siya ang pinuno ng hukbo sa panahon ng pakikipagdigman
Mapang-abusong GOBERNADOR-HENERAL ? Paano ito masusulusyunan??
Minsan ay inaabuso ng Gobernador-heneral ay kanyang katungkulan.
Para maiwasan ito, nagpapadala ang hari ng Spain ng mga tao na susuri ng mga gawain ng Gobernador-heneral.
Sa pamamagitan ng hayagang pag-iimbestiga o Visita at Residencia o ang sikretong imbestigasyon, malalaman ng hari ang mga katiwalian ng Gobernador-Heneral.