Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

KASAYSAYAN NG PANITIKAN

Panahong Pre-Kolonyal

Noong unang panahon pa lamang ay masasabing ang ating mga ninuno ay may panitikan na dahil sa mga awitin, tula at ang alpabetong kanilang ginamit, Alibata. Sa pag dating ng mga dayuhan sa ating bansa, partikular na ang mga Kastila,sinunog ng mga ito ang mga katibayan na ang ating mga ninuno ay mayroon talagang panitikan at saka nila unti-unti binago ang panitikan ng ating mga ninuno at 'di nag tagal ay tuluyan na itong nabago. Ang mga dayuhang dumating sa ating bansa, ay mga kanya-kanyang impluwensya sa ating panitikan. Malay ang pinaka-maimpluwensya sa ating panitikan, sa kanila natin nakuha ang Alibata at sa kanila rin ang mula ang ilang mga lahi dito sa ating lugar tulad ng Iloko, Bikol, Tagalog, Bisaya, Kapampangan at Pangasinan. Ang panitikan noon ay lipat-dila lamang, at iniingatan at inihahayag ng kanilang apo(matanda) na lider ng kanilang relihiyon. Ang panitikan noon at binubuo lamang ng bulong na pangmahiya, kwentong-bayan, mito at alamat.

Panahon ng Kalayaan

Panahon ni Pang. Manuel A. Roxas, ay ang pag lutas sa suliranin kung paano ibabalik ang kabuhayang pambansa at kaayusan. Ang pamahalaan ay hindi rin nakaligtas sa pag tuligsa ng mga mamamahayag dahil sa patuloy na pag baba ng piso. Noong maihalal sa pwesto si Pang. Marcos ay lalong pang dumagdag ang nakaraang suliranin ng administrasyon. Sa panahong ito, ang mga intektwal ay nag hayag ng mga kabulukan ng pamahalaan sa bansa. Pati ang pananatili ng base militar ng estados unidos ay pinuna na rin ng mga mamamayan.

Panahon ng Bagong Lipunan

Inilunsan ni Pang. Marcos ang Batas Militar noong Setyembre 21, 1972 at kasabay nito ang kabataang mapaghimagsik at naging panahon ng mga aktibismo. Sa panahon ding ito inilunsad ang bilinggwalismo, ito ang patuturo ng Pilipino at Ingles. May tatlong mahalagang layunin ang bansa sa panahong ito:Kaunlarang pangkabuhayan, kaunlarang panlipunan at kaunlarang pangkalingangan. Ang malaking pag bago sa pamahalaan ay nakabuo ng isang acronym, PLEDGES, Peace and order o Kapayapaan, Land Reform o reporma sa Lupa, Economic Reform o reporma sa pangkabuhayan, Development of Moral Values o kalinangan ng kahalagahang Moral, Government Reforms or reporma sa pamahalaan, Educational Reform o reporma sa paaralan at Social reform o reporma sa lipunan.

Panahon ng Amerikano

Binenta ng mga Kastila lahat karapatan nila sa bansang Pilipnas sa mga Amerikano sa halagang $20,000,000.00. Ipinatupad sa buong bansa ang pag aaral ng wikang ingles at ang wikang Kastila ay unti unting nag laho. Ang mga militar na ginamit sa pag tuturo ay tinawag na "dough boy teachers" at ang mga bihasang guro naman na ipinadala ni Presidente Roosevelt ay tinawag na Thomasites na hango naman sa barkong kanilang sinakyan ang USS Thomas. Sa panahon na ito namayani ang diwang makabayan o nasyonalismo at naibsan rin sa panahong ito ang damdaming pag hihimagsak ng damdaming pag-ibig sa lahat ng sangay ng panitikan. Napangkat sa tatlo ang mga manunulat noon, Wikang Kastila, Wikang Tagalog at Ingles naman para sa mga makabagong manunulat.

Panahon ng Hapon

Sa panahong ito ang kalayaan sa pagsulat ay napalitan ng takot. si Kinchi Ishikawa isang Hapones na may malawak na kabatiran sa layunin at tunguhin ng panitikan at siya rin ang nag pahintulot sa lingguhang magasin ng Liwayway. Sumunod rito ang pag bubukas ng Taliba. Dito naisilang ang malayang taludturan sa mga tula. Kasabay rin ang tulang Tagalog na nahahawig sa Haiku o hokku ng mga Hapones. Haikku, ito ay binubuo ng 17 na pantig na ikinalat sa tatlong taludtod na 5-7-5. Ang tanaga ay apat na taludtod na may pitong pantig. Naging paksa rito ang katutubong ugali at pakikipagsapalaran sa lungsod. Naging malaya rin lahat ng manunulat sa lahat ng gusto nila bagama't naging maingat sa pag sulat laban sa dayuhan at naging mababaw ang pananagalog ng mga manunulat.

Propaganda at himagsikan

Dito na nag simulang sumulat ang mga Pilipinong may isip at mulat sa katotohanan. Panulat ang kanilang naging sandata upang maimulat ang mata at isipin ng kanilang mga kababayan sa katotohanan. Gumamit rin ng dulang pantanghalan at panlansangan ang mga propagandista na nag papaksa sa pagkamakabansa at pag papahalaga sa kalayaan at karapatan sa sariling bayan. Ang tatlong paring sina Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora, mas kilala bilang ang GOMBURZA, ay ipinabitay sa salang pamumuno sa mga propagandista. Ang mga nasusulat sa panahong ito ay sa Kastila at Tagalog. Sa panahong ito, ang bawat manunulat ay layunin na pukawin at lubusang mamulat ang Pilipino sa katotohanan. Nanguna sa makabayang Pilipino na sumulat sa mga akdang pampanitkan at kinikilala bilang pinakataluktok ng propagandista ay sina Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar at Graciano Lopez Jaena. Ang paksang pakikipaglaban naman sa mga Kastila ay nakita sa mga akda nina Padre Jose Burgos, Andres Bonifacio, Emilio Aguinaldo, Apolinario Mabini, Pedro Paterno, Antonio Luna at Jose Palma.

Dito na nag simulang palaganapin ng mga Kastila ang Katolisismo. Nag karoon ng tuwiran at di-tuwiran sa panitikian ng Pilipinas. Tuwiran, halimbawa sa mga aklat na nalimbag gaya ng katesismo. Di-tuwiran pumapaksa sa mga kwentong kabanalan at panrelihiyon. Ayon sa isang mananalaysay at edukadong Pilipino, si Dr. Eufronio M. Alip, na may 500 iba't ibang babasahin ang nailimbag sa limbagan ng Pamantasan ng Santo Tomas, kauna-unahang limbagan sa Pilipinas. Patula, tuluyan at dula ang mga anyo ng panitikang lumaganap sa panahon na ito. Napapasaloob ng tula ang awiting-bayan, berso, dalit, dasall, pasyon at awit at korido. Sa tuluyan naman ay ang nobena at talambuay ng mga santo at iba pa. Ang dula ay inantas sa tatlo, Dulang panlasangan halibawa ay pangangaluwa, sunod ay Dulang pantangahalan isa rito ang moro-moro at ikatlo ang dulang pantahanan nabibilang naman rito ang pamamanhikan.

Panahong kolonyal

Panahon ng Kontemporaryo

Inilunsan ang Isang Bansa, Isang Diwa. Ito ang siyang kabuuan ng ideolohiyang Pilipino na nais palaganapin sa Bagong Republika. Samantala, nagkaron ng bahid ng kadiliman ang sana ay patuloy na pag unlad ng bansa ng paslangin sa tarmac ng Manila International Airport si Benigno "Ninoy" Aquino Jr.noong Agosto 21, 1983. Ang tula, maikling kwento, nobela, dula at maging ang mga awitin ay nag pakilala ng nag hihimagsik na damdaming Pilipino. Sa pamamagitan ni Defense Minister Juan Ponce Enrile at Vice Chief of Staff Fidel Ramos, nagana ang EDSA revolution, ang 'People Power' na siyang naging dahilan upang maalis sa pwesto si Pang. Marcos at pinalitan ng kaunaunahang babaing pangulo ng bansa, Gng. Corazon Cojuanco-Aquino. Sa ilalim ni Pang. Fidel V. Ramos, ang "Moral recovery ang kanyang naging pilosopiya dahil ang ayon sa kanya ang paunlad ng isang tao ay pag unlad ng bansa. Kay Pang Erap naman ay ang "Erap para sa Mahirap", ang sentro ay, maiangat ang mamamayan at magkaroon ng disenteng buhay. Kay Pang Gloria naman ay ang 'new moral order', para sa pag papaunlad ng kabuhyan upang makaagapay ang bansa sa nagaganap na globalisasyon sa pandaigdigang senaryo.

Sa panahon ng kontemporaryo, ang mga manunulat na sina Rogelio Sicat, Rogelio Ordones, Efren Abueg, Virgilio Almario, Ruth Mabanglo, Ave Perez Jacob, Domingo Landicho at iba pa ay nag lantad ng mga totoong pangyayari sa lipunan upang mapayani ang realismo. Ang nag-aalab na damdamin ng mga manunulat na makalikha ng mga obra-maestra ng kasalukuyang panahon ang nag bunsod ng Writers Union of the Philippines(ngayon ay UMPIL na o Unyon ng mga Manunulat na Pilipino) upang ilabas ang Mithi, ito ay isang magasing inilathala upang makatugon sa pagkauhaw ng mga mambabasa sa mga akdang tunay na nag lalarawan ng buhay-pilipino sa kasalukuyang panahon. Natamo rin ng mga manunulat ang kanilang kalayaan sa panahon na ito. Ipinalabas ng Pangulong Aquino ang Executive Order no. 335 noong Setyembre 1988, ang batas na nag uutos na pag yamanin pa ang wikang Filipino sa pamamagatian ng pag gamit nito sa liham at iba pa. Ito ay ibinatay ng pangulo ayon sa isinasaad ng Bagong Saligang batas na niratipika ng mga Pilipino noong 1987. Ang Carlos Palanca Memorial Awards ay patuloy ang pag gawad sa mga manunulat taun-taon. SA mga paaralan naman ay napag yayaman din ang panitikan dahil sa mga patimpalak tungkol sa panitikan at nakikita rin dito ang mga batang may potensyal sa pagsulat.

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi