Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

Wikang Hiligaynon

Wikang Ilonggo

Ito ay nabibilang sa grupo ng mga wika sa Austronesian at ethno-lingguwistika na tumutukoy sa mga mamamayan ng iloilo at gayundin sa kulturang hiligaynon. Ginagamit din ito upang ilarawan ang wika at kultura ng mga ilonggo.

Kabilang sa pamilya ng wikang bisaya.

Hiligaynon = "Yliguenes"

Yliguenes = "Iligan" o

"Iliganon" ilog

"manog-ilig sang kawayan" =

kawayan na pinalulutang ng mga Panay upang ibenta.

Ilonggo = "Irong-irong" Ilong

at pulo sa Batiano River sa Panay

Mga Halimbawa:

Saan ka pupunta -------- Diin ka makadto

Magkano ito ------------- Tagpila ini

Kumain ka ng kanin! ----- Kaon ka na sang

kan-on

Mahal kita ---------------- Palangga ta ka

Mahal din kita ------------ Palangga ta man ka

Pakisara ang pintuan --- Siraduhi palihog ang

pirtahan

Pakipunasan ang mesa - Palihog trapuhi ang

lamesa

Pagtatagpo ng Hiligaynon at Hok-kien: Paglinang ng Kulturang Sina

Napansin ni Santiago Alvior Mulato, ng Arevalo, Iloilo, na maraming salita ang nalinang sa pagsanib ng wikang Hiligaynon at wika ng mga tsino.

Nabuo ang mga salitang Hiligaynon dahil sa pagtatagpo ng wikang Hiligaynon at Hok-kien na bahagi ng kulturang Sina.

Naging mahalagang daluyan ang mga ilog sa pagitan ng kabundukan at kapatagan na naging saksi sa palitan ng kultura at wika ng mga Tsino at mga Iligaynon (grupo ng taong nagsasalita ng Hiligaynon) ang dahilan ng pagkakabuo ng bayan ng Iloilo.

Naging sentro ng palitan at kalakalan ang pariancillo sa Molo. Dito nangyari ang pagtatagpo ng wikang Hok-kien at Hiligaynon.

Naging katuwang din ang lenggwaheng Kinaray-a.

Ang Hiligaynon ay naging lengguwaheng pangkalakalan na ginagamit ng mga Tsino sa Iloilo.

Sa pagtatagpo ng wikang Hok-kien at Hiligaynon, naganap ang proseso ng amalgamasyon kung saan pagaangkin at pagsasakatutubo ng mga salita mula sa labas ay nalinang ang Sina, kolektibong katawagan sa mga salitang nabuo na bahagi na ngayon ng Hiligaynon. Mapupuna rito ang napakahalagang paraan ng pagpapayaman ng Hiligaynon na maituturing na isa sa pinakamabilis na lumagong wika sa Pilipinas ngayon.

Pinagkuhanan: (http://www.bagongkasaysayan.org/saliksik/wp-content/uploads/2013/09/07-Artikulo-Madrid.pdf)

https://tl.wikipedia.org/wiki/Wikang_Hiligaynon#Gamit

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi