Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

REBOLUSYONG PRANSES

Ang Napoleonic Wars

  • Ang Napoleonic Wars ay hindi tuloy-tuloy na pakikipagaban sa dahilang nagkaroon pa ng mga panahon ng kapayapaan sa pagitan ng mga labanan.
  • Ang digmaan ay nagwakas nang matalo si Napoleon sa Digmaan sa Waterloo noong 1815.
  • Ito ay nagumpisa sa panahon ng Rebolusyong Pranses.
  • Noong 1972 ay nagpadala ang mga pinuno ng Austria at Prussia ng hukbong sandatahan upang lusubin ang Pransiya at sila ay hindi nagwagi.
  • Noong 1973 ay nagpasimulang lusubin ng mga rebolusyonaryong Pranses ang Netherlands.

Ang Pagbagsak ng Bastille

Ang Rebolusyong Pranses na nagsimula noong 1789 at nagwakas noong 1799 ay nag-iwan ng da;lawang pangunahing

epekto sa Pransya, ang pagpapaalis ng isang absolutong hari at pagtatatag ng isang republika. Maraming bilang ng mga

tao ang pinutulan ng ulo sa pamamagitan ng guillotine na nangyari sapanahong tinawag ng mga Pranses bilang Reign of

Terror. Ang rebolusyon ding ito ang naglatag ng mga digmaang pinamumunuan ni Napoleon sa Europa.

Kalayaan, Pagkakapantay-pantay at Kapatiran

1174

Ikatlong Estate

Ikalawang Estate

Unang Estate

- binubuo ng mga magsasaka, may ari ng mga tindahan, mga utusan, mga guro, manananggol, doktor, at mga manggagawa

-mahaharlikang Pranses

-binubuo ng mga obispo, pari at ilan pang may mga katungkulan sa simbahan

-nagmamay-ari ng halos 20 porsyentong lupa sa Pransya at may hawak na matataas at mahahalagang posisyon sa pamahalaan

_ bumubuo sa 98 porsyento ng populasyon ng Pransya

ESTATES

_sila ang mga nagmamay-ari ng 10 porsyentong

mga lupain sa Pransya.

  • Nagkaroon ng malaki at popular na suporta ang Paris sa asembliya.
  • Nagpadala ng mga sundalo ang hari upang payapain ang lumalaganap na kaguluhan.
  • Noong Hunyo 14 ay isang malaking kaguluhan ang nangyari ng sugurin ng mga nag- aalsang tao ang Bastille.
  • Lumaganap ang kaguluhan sa iba't ibang panig ng Pransya at tinawag ng mga rebolusyonaryo ang mga sumama sa pakikipaglaban.
  • Sila'y karaniwang nakasuot ng tsapa na pula, puti at bughaw na naging kulay ng rebolusyon. Hanggang sa kasalukuyan ang mga kulay na ito ay matatagpuan pa rin sa watawat ng Pransya,
  • Naging kilala ang panahong ito bilang Great Fear.

Haring Louis XVI

Simula noong 1774, ang Pransya ay pinaghaharian ni Haring Louis XVI, isang monarkong Bourbon na ang pamumuno ay absoluto. Ang absolutong hari ay itinuturing na makapangyarihang pinuno ng isang nasyon sapagkat ang ginagamit na basehan sa pamumuno ay ang divine rights of king na may paniniwala na ang kapangyarihan ng isang hari ay nagmula sa kanilang diyos kaya siya ay pinili ng diyos para pamunuan ang bansa.

Reign Of Terror

1780

GUILLOTINE

Pambansang Asembliya

Pagdating ng 1780 ay kinailangan ng pamahalaang Pranses ng malaking halaga ng pera upang itaguyod ang pangangailangan ng lipunan.

  • Nagpalabas ng Bagong saligang-batas ang Constituent Assembly.
  • Binigyang diin ng nito na ang lipunanang Pranses ay kinakailangang nakabatay sa mga ideya ng kalayaan, pagkakapantay, pantay, at kapatiran.
  • Ang kapangyarihan ng mga nasa Simbahan at ng mga maharlika ay nabawasan din at ang halalan para sa asembliyang bubuo ng mga batas ay idinaos.

Ang Pagiging Popular Ni Napoleon

  • Noong 1788 ay nagkaroon ng isang pagpupulong kung saan pinili ang mga magiging representante ng bawat isang estado.
  • Nang sila ay muling nagkita-kita noong Mayo 1789 sa Versailles malapit sa Paris ay dinominahan ng ikatlong estate ang bilang ng mga representante
  • Dito naganap ang pangyayaring tinawag na Tennis Court Oath na kung saan ang mga taong kasapi sa ikatlong estate ay ipinagdiinang hindi sila magtatapos sa pagpupulong hangga't hindi nabuo ang isang isinulat sa Kontitusyon ng Pransya. Ito ay isinagawa nila sa isang tennis Court dahil ayaw silang pahintulutan ng hari na ipagpatuloy ang kanilang pagpupulong.
  • Noong 1799, si Napoleon Bonaparte, ay nahirang na pinuno.
  • Nasakop niya ang malaking bahagi ng Europa at kinilalang Emperador Napoleon I noong 1804.
  • Ang kanyang hukbo sa kanilang pananakop ay naging mga disipulo ng mga ideya ng Reblusyonaryong Pranses, ang kalayaan, pagkakapantay-pantay at kapatiran.

Ang Pagsiklab ng Rebolusyon

Ang Pananakop Ng Pranses Sa Europa

  • Noong 1792 ay nagpadala ang Austria at Prussia ng mga sundalong tumulong upang pulbusin ang mga rebolusyonaryong Pranses.
  • Ang rebolusyon ay lalong naging malakas at malaki sa pamamagitan ng pamumuno ng isang abogadong nagngangalang Georges Dalton.
  • Noong Enero 1793 ay napugutan ng ulo si Haring lois XVI at ilang araw lang ay sinunod naman si Reyna Marie Antoinette.
  • Dahil sa mga sunud-sunod na pangyayari ay idineklarang isang REpublika ang Pransya.
  • Noong 1805 ay nasakop ni Napoleon ang Hilagang Italya, Switzerland at Timog Alemanya.
  • Noong 1806 dinurog ng pwersa ni Napoleon ang hukbo ng mga Prussian sa Labanan sa Jena at sa kabuuan ay masakop niya ang Gitnang Alemanya na nakilala bilang Konpederasyon sa Rhine.
  • Noong 1807 ay tinalo niya ang pwersa ng mga Ruso sa Labanan sa Friedland.

Ang Pransya sa Ilalim ng Direktoryo

Ang Paglusob sa Russia

  • Taong 1794 nang humina ang kapangyarihan ng mga rebolusyonaryo at nakuha ng mga moderates ang pamamahala.
  • Taong 1795 nang gumamit ang Republika ng Pransya ng bagong saligang-batas na ang naging layunin ay ang magtatag ng isang direktoryo na pinamumunuan ng limang tao na taon-taon ay ihahalal.
  • Taong 1808 ay nagkaroon ng mga pag-aalsa laban sa pamamahala ng mga Pranses sa Espanya at Portugal.
  • Napagdesisyunan ni Napoleon na lusubin ang Russia sa dahilang kapag ito ay kanyang nasakop ay madali na niyang mapapasok ang Britanya.
  • Noong 1812 ay nagpadala si Napoleon ng 600,000 mga sundalo na binubuo ng mga Polish, Aleman, Italyano, at Pranses upang sumabak sa Labanan sa Borodino.

Labanan sa Waterloo

Ang Pagkilala sa Kakayahan ni Napoleon

Ang Pagkatalo ng Pransya

  • Ang labanan sa Waterloo ang naging wakas ng pakikipaglaban at ng kapangyarihan ni Napoleon Bonaparte.
  • Noong 1815, ang pinag sama-samang pwersa ng Britanya at Prussia ang nagtapos sa mga digmaang pinagwagian at nagpalawak sa Imperyong Pranses na umabot sa 25 taon.
  • Noong Pebrero 1815 ay nakatakas si Napoleon sa Elba at nakabalik sa Pransya.
  • Natalo si Napoleon ng duke ng Wellinton sa Labanan sa Waterloo.
  • Pagkatapos ng mga digmaan sa Europa ay ibinalik ang mga dating monarkong pinuno sa kanilang mga trono.
  • Sa Pransya marami sa mga tao ang nananatiling sumusunod sa kanilang unang hari.
  • Ang ideyang iniwan ni Napoleon ay hindi nabura kahit siya ay natalo sa labanan.
  • Taong 1798 nang magpadala ng mga barkong pandigma si Napoleon sa Ehipto dahil ang kanyang plano ay atakihin ang pwersa ng Ingles sa India.
  • Nakontrol ni Napoleon ang Ehipto ngunit ang kanyang mga barkong pandigma ay sinira ng pwersa ng Admiral na Ingles na si Horatio Nelson.
  • Sa ikalawang pagkakataon, nasira ang mga sasakyang pandagat ng mga Pranses na naganap sa Labanan sa Trafalgar.
  • Napilitan si Napoleon na pabalikin ang kanyang hukbo sa Pransya dahil sa nakamamatay na lamig sa Russia.
  • Karamihan sa kanyang sundalo ay namay dahil sa gutom, lamig ng klima o nagapi ng mga Ruso.
  • 20,000 higit lamang na mga sundalong Pranses ang nakabalik nang maluwalhati sa Pransya.
  • Noong 1813 ay nasakop ng mga Ingles ang TImog Pransya at ang pagsanib na pwersa ng mga Ruso at Austrian ang sumakop naman sa Hilagang Pransya.
Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi