Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

Kahalagahan at Gamit ng Iba’t ibang Teoryang Pampanitikan

Ang panitikan ay maaaring representasyon sa buhay ng tao, pinagmulan ng bagay, at iba pa. Ngunit ano pa nga ba ang maitutulong sa atin ng mga teoryang nabanggit? Ano ano pa ang mga gamit at halaga ng mga ito? At sa paanong paraan tayo nito matutulungan at magagabayan sa paggawa ng mahusay at epektibong akda?

May iba’t ibang teorya na bumubuo sa panitikan, dito mababakas ang iba’t ibang gamit ng bawat isa sa pagpapahayag, maaaring ito ay “humanismo” kung saan tinatalakay ang pagiging sentro ng tao ng daigdig, “sosyolohikal” na tumatalakay sa mga suliraning panlipunan, “romantisismo” na tumutukoy sa pagtangis ng tao sa kapwa, bagay at bayan, “feminismo” ba na binibigyang emphasis ang pagsisiwalat sa kakayahan at kalakasan ng babae o ang “kultural” na pagbabahagi ng karanasan, kasanayan at tradisyon at ang “realismo” na tumatalakay sa tunay o repleksyon ng mga pangyayaroi sa lipunan.

Ang panitikan ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula. Ito ay sumasalamin sa mga pangyayari sa buhay ng tao na inilalapat sa mga akda at lathalaing makabuluhan. ‘Di lingid sa ating kaalaman na nakatutulong ito upang maipahayag ang ating saloobin at damdamin, maibahagi ang mga komposisyon mula sa ating malawak na imahinasyon at maaaring karanasan na mapulot sa iba’t ibang sitwasyon. Lubusang pinapalawak ng panitikan an gating kaisipan, dito’y nahahasa ang gamit natin sa mga salita, naibubulalas ang pagiging makata at naipapakita ang pagiging malikhain. Ang panitikan ay nangangailangan ng detalyadong pagsasalaysay kung maikling kwento at talinghaga, sukat, at ritmo naman kung tula.

Tiyak na Layunin

Layunin:

Panimula

- Malaman ang mga pagkakaiba at pagkakapareho ng bawat teorya.

- Masuri ang kahalagahan at gamit ng bawat teorya ng panitikan.

Pangkalahatang Layunin

Masukat ang kaalaman ng mga mag-aaral sa ika-11 baitang ng University of Rizal System-Morong Campus ukol sa mga teoryang pampanitikan. Maipabatid ang gamit at kahalagahan ng mga teorya sa paggawa ng mainam na akda at maging gabay ang mga teorya sa paglikha ng matalinong lathalain. Maging pamilyar ang mga mag-aaral sa iba’t ibang teoryang pampanitikan upang malinang ang kanilang pag-iisip sa paraan ng pagsulat.

Iba’t ibang teorya na maaaring makita sa mga akda, ito ay tumutukoy sa layuning iparating ng awtor, kanyang saloobin at maging kanyang mga imahinasyon. Sa iba’t ibang akda, maaari tayong makaklap ng impormasyon at mamulat ang ating isip sa mga kaganapan sa ating paligid.

- Maibigay ang kahulugan ng iba’t ibang teorya.

- Maipamalas ang mga tungkulin ng bawat teorya.

- Mapalawak ang kaalaman ukol sa iba’t ibang teoryang pampanitikan.

INAASAHANG BUNGA

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi