Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

journalists

Magaling magsulat ng mga tula, sanaysay, kwento at iba pa. Magaling sila sa English at Tagalog.

Wang wang

Maingay, laging nakasigaw, laging nagsasalita kahit wala namang kwenta ang sinasabi. Magtatanong ka at sobrang haba ng sagot nya. kapag nagsasalita sila, wala ka ng chance makaimik kaya umalis ka na lang.

Coco star

Mga lalaking biniyayaan ng magandang mukha. Laging panlaban sa mga pageant at nagpapakilig ng mga babae tuwing dumadaan sila.

hugot queens/kings

Brokenhearted ang mga 'yan kaya ganyan. Halos lahat ng bagay ay may panama silang hugot. Maraming pinagdaanan kaya makakahingi ka sa kanila ng advice.

the gamer

Mga estudyanteng mahilig maglaro, sa computer man o cellphone. Maraming alam na mga cheats at techniques tungkol sa iba't ibang apps. Kulang na lang ay i-hack ang Facebook account mo.

straw

Plastik na, sipsip pa. Kalimitan ay mayayaman at nagbibigay ng mga materyal na bagay lalo na yaong mga mahal sa guro.

Notorious

Kalimitan ay isang grupo na nang-aaway, nang-aapi o nangti-trip ng kaklase. Sila ang mga kinakatakutan at sinusunod.

Fangirls

Umiikot ang mundo sa grupo o banda na hinahangaan nila. Sila ang mga estudyanteng kayang magpuyat lalo na kapag kaka-release lang ng album o may online voting na kasama ang paborito nilang grupo.

Bookworm

Mga estudyanteng sa libro umiikot ang mundo at 'di nagsasawa sa pagbabasa. Sila rin ay matalino. Hindi nagkakaroon ng kaibigan dahil sa kaweirdohan.

The entertainer

Mga estudyanteng KSP kaya nagpapahanga at napapabida. Lahat ay gagawin para lang mapansin. Minsan, napapagalitan ng teacher kapag naabutan.

Social circle

Lahat ng katangiang kaiingitan mo ay nasa kaila na: perpektong mukha, kasikatan, pagiging talented atbp. Matalino ang iba sa kanila.

Varsity Player

Mga mahal na mahal ang sports. Astig daw sabi ng iba. Sikat rin sila at laging panlaban sa mga division at regional contests basta sports.

The Leaders

Sila ang mga estudyanteng laging sinusunod. Mga kasama sa officers sa classroom, sa mga clubs at marami pang iba.

Bella x Edward

Sila ang mga mag-MU. Sinasabing lagi daw may PDA pero ang totoo, inggit lang ang iba. Laging magkasama, magka-partner at OTP ng iba.

the outsider

Mga estudyanteng laging absent at wala ng alam sa mga nangyayari sa silid-aralan. Minsan, napag-uusapan ng iba dahil sa katamaran pumasok. Di na rin halos nakakaintindi sa mga lessons dahil laging wala.

Sa isang silid-aralan , marami tayong makikita na iba't ibang uri ng mag-aaral. May matatalino, tahimik at mukukulit. Ang mga pagkakaibang ito ang kumikilala sa atin dahil tayo mismo, alam natin sa sarili natin kung sino tayo at kung saan tayo kabilang.

Super typhoon

Daig pa ang pinagsamang bagsik at hagupit ni Yolanda at Sendong sa sobrang hangin.

CR Homies

Kalimitan ay mga babaeng laging nalabas ng room at napunta sa CR para lang magdaldalan.

Iba't Ibang Uri ng Estudyante

the ladies

Grupo ng mga babae na laging magkakasama. Pulbo, suklay, camera at magagandang sapatos at damit ang bumubuhay sa kanila. Minsan ay nasasabihang maarte at pabebe.

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi