Loading…
Transcript

YUNIT 3-ARALIN 3

TITSER

(Kabanata 1)

ni: Liwayway B. Arceo

Suliranin sa Kuwento:

* Ayaw ni Aling Rosa sa kursong kinuha ni Amelita na naging sanhi ng pagiging malamig niya o galit sa anak.

Kasukdulan ng kuwento:

* Tatawagin si Amelita upang kausapin ng mga magulang. Magsisimula ang kumprontasyon sa pagitan ni Aling Rosa at ng anak.

* Makikita rito na ipinipilit ng ina ang kanyang kagustuhan kahit na napagpasyahan na ng anak ang nais gawin sa buhay.

Osmundo

Si Osmundo ay isang mayamang binata na umiibig kay Amelita. Mas pabor si Aling Rosa na makatuluyan ni Amelita si Osmundo kaysa sa ibang lalaki sapagkat maraming kayamanan si Osmundo.

Amelita

Si Amelita ang pangunahing tauhan ng nobela na nagpamalas ng kakaibangkatapangan sa pagpapahayag ng sariling desisyon sa kabila ng ibang planona nais ng ina para sa kanya. Mas pinili niya ang maging titser kaysa saibang karera sanhi ng kakaibang kasiyahan na nararanasan tuwing nagtuturokahit kakarampot lamang ang kanyang nakukuha mula rito. Pinatunayanniya sa kanyang ina na ang pagiging titser ay isang marangal na trabaho.

TAGPUAN: SA LOOB NG BAHAY NG MAG-ANAK

SIMULA NG KUWENTO:

* Dumating si Amelita sa bahay.

*Dito malalaman na siya ay guro sa isang pampubikong paaralan.

* Ang pagdating ni Mang Ambo at ang kanilang diskusyon ni Aling Rosa.

Tunghayan natin ang

Kabanata 1 ng

Nobelang Titser

Aling Rosa

Ang mapang-api at tusong ina kay Amelita. Bunga ng hindi pagsunod ng anak sa kanyang kagustuhan, naging malamig ang pakikitungo nito sa kanya. Pinabayaan nito si Amelita at minaliit ang kanyang propesyon. Isangmahalagang pangyayari sa kanyang buhay ang gigising sa kanyangkamalayan at magpapabago sa kanya ng tuluyan.

TEORYANG HUMANISMO

Pinaniniwalaan na ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay kaya't kailangang maipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag sa saloobin sa pagpapasya.

Si Liwayway A. Arceo ay pangunahing mangangathang Tagalog at Filipino na nakasulat ng 90 nobela, 2 libong mahigit na kuwento, 1 libong mahigit na sanaysay, 36 tomo ng iskrip sa radyo, 7 aklat ng salin, 3 iskrip sa telebisyon, at di-mabilang na kuntil-butil na lathalain sa halos lahat ng pangunahing publikasyong Tagalog o Filipino. Binago ni Arceo ang topograpiya ng panitikang Tagalog, at ng ngayon ay tinatawag na panitikang popular, sa paglalathala ng mga akdang nagtatampok ng halagahan [values], lunggati [vision], at kaisipang Filipino. Ginamit din niyang lunsaran ang pamilya bilang talinghaga ng Filipinas; at sa pamamagitan ng masinop ng paggamit ng wika ay itinaas sa karapat-dapat na pedestal ang mga kathang Tagalog, sa kabila ng pamamayani ng Ingles bilang opisyal na wika ng edukasyon at gobyerno. Mga pangunahing aklat

Kabilang sa mga pangunahing aklat ni Arceo ang sumusunod:

* Maling Pook, Maling Panahon. . .Dito, Ngayon (1998); * Mga Bathalang Putik (1998) * Titser (1995) * Canal de la Reina (1985) * Ina, Maybahay, Anak at iba pa (1998) * Mga Kuwento ng Pag-ibig (1997) * Mga Maria, Mga Eva (1995) * Ang Mag-anak na Cruz (1990) * Mga Piling Katha ni Liwayway A. Arceo (1992) * Uhaw ang Tigang na Lupa at Iba pang Katha (1968).

Mang Ambo

Maunawain na ama ni Amelita na mas nakakaintindi kaysa sa kanyang ina.Pinayagan niya si Amelita sa karerang nais niya sa kabila ng pagtutol ngasawa. Si Mang Ambo ay patuloy pa rin na tumutulong at umuunawa saanak kahit kasal na ito kay Mauro.

I.Pagganyak:

Gawain blg. 01

PANUTO: Dugtungan ang mga sumusunod na parirala.

MGA KAPATID NI AMELITA

Filipino sa Piling Larang

Tech-Voc)

Norberto- inhinyero

Jose- abogado

Lourdes- parmasyutika

Felisa- doktora

Ito ang gusto kong kurso kasi_______________________________________________________.

Subalit______________________________________________________.

PANGKATANG PAGBUBUOD

GAMIT ANG HUMAN ORGANIZER

SIMBOLO:

PANININDIGAN

* Paggawa ng matalinong Desisyon

* Pagtayo sa Sariling Desisyon

* Pananalig sa sariling kakayahan

* Matatag na pagharap sa pagsubok

* Tiwala sa sarili

WAKAS NG KUWENTO:

Sasabihin ni Amelita na hindi siya maaaring magpakasal kay Osmundo kahit na ito ang kagustuhan ni Aling Rosa.

– Ito ang wakas ng unang bahagi ng kwento at dito magsisimula ang tunggalian ng nobela.

TUNGGALIAN:

TAO VS. TAO

HALAGANG PANGKATAUHAN / PANGKALAHATANG MENSAHE

* Hindi lahat ng bagay ay mabibili ng pera. Ang mas mahahalagang bagay sa mundo, tulad ng pag-ibig, tunay na kaligayahan at kabaitan ay hindi ginagamitan ng pera upang makamtan.

* Mabuti ang sumunod sa mga magulang, ngunit may limitasyon ito. Dapat matuto ang isang tao na tumayo sa sariling mga paa dahil hindi panghabangbuhay na nandyan ang mga magulang upang maggabay at tumulong.

* Maging matatag upang makamit ang mga pangarap. Kahit anuman ang sabihin ng iba, huwag mawawalan ng loob dahil naghihintay sa wakas ang tagumpay kung may pag-asa at nagsisikap ang isang tao.

* Walang sinuman ang may karapatang pumigil na maisakatuparan ang pangarap natin. Nasa atin ang kakayahan upang mabago ang ating kapalaran, at wala sa iba