Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

Kabanata IV: Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos

Grafikal na Presentasyon

Tekstwal na Presentasyon

Presentasyon at Interpretasyon

ng mga Datos

3. Bar Graf

- epektibong gamitin upang ipakita ang sukat, halaga, o dami ng isa o higit pang baryabol sa pamamagitan ng haba ng bar.

- maaari itong gawing patayo o pahiga.

4. Piktograf

- ang presentasyon ay sa pamamagitan ng larawang kumakatawan sa isang baryabol.

Gumagamit ng mga patalatang pahayag upang ilarawan ang mga datos.

Dahil ito'y patalata, kinakailangang taglayin ang mga sumusunod na katangian:

  • Kaisahan - pagkakaroon ng isang ideya sa loob ng talata
  • Kohirens - pagkakaugnay-ugnay ng mga bahagin sa loob ng isang talata
  • Emfasis - pagbibigay ng angkop at sapat na diin sa datos na nangangailangan noon

Calderon at Gonzales, 1993

Graf - isang viswal na presentasyong kumakatawan sa kwantiteytib na baryasyon o pagbabago ng mga baryabol, o kwantiteytib na komparison ng pagbabago ng isang baryabol sa iba pang baryabol o mga baryabol sa anyong palarawan o diagramatic.

Ang mga pinakagamiting graf sa pananaliksik ay ang mga ss.:

  • Layn graf
  • Bilog na graf
  • Bar graf
  • Piktograf
  • Sa kabanatang ito, inilalahad ang mga datos na nakalap ng mananaliksik sa pamamagitan ng grapik na presentasyon o grapikong paglalarawan.

  • Sa pananaliksik, ang presentasyon ay tumutukoy sa pag-oorganisa ng mga datos sa lohikal, sikwensiyal, at makahulugang kategorya at klasipikasyon ayon sa isinagawang pag-aaral at interpretasyon.

Halimbawa:

Noong 1990, tumaas ng dalawampung bahagdan (20%) ang bilang ng mga turistang pumunta rito sa Pilipinas mula sa dami ng bilang ng mga dayuhang turistang naitala ng Departamento ng Turismo noong 1986. Dalawampung bahagdan (20%) din ang itinaas ng bilang ng mga turista noong 1994. Gayundin ang itinaas noong 1998. Samakatwid, lumilitaw na tumaas ng dalawampung bahagdan (20%) ang bilang ng mga turistang dumadayo sa Pilipinas tuwing ikaapat na taon mula 1986 hanggang 1998.

Bukod sa tatlong nabanggit, narito pa ang mga ilang dapat taglayin ng isang tekstwal na presentasyon:

  • Malinaw - tiyakin ang mga pangungusap ay hindi malabo o hindi maaaring magbunga ng iba't-ibang interpretasyon.
  • Tuwiran - iwasan ang mga paliguy-ligoy na pahayag. Tandaan na ang tekstwal na presentasyon ay isang teknikal na sulatin at hindi isang akdang literari o malikhain.
  • Maikli - ang brevity o kaiklian ay isang pangangailangan sa teknikal na pagsulat.
  • Wasto ang gramar - kailangang maging maingat sa konstruksyon ng mga pangungusap, sa pagbabaybay at sa paggamit ng mga bantas.
  • Lohikal - mapanuring pag-iisip o tamang pangangatwiran

Tabular na Presentasyon

Claderon at Gonzales (1993)

  • Gumagamit ng isang istatistikal na talahanayan

  • Ang mga magkakaugnay na datos ay inayos ng sistematiko

  • Ang bawat numerikal na datos ay itinatala sa ilalim ng isang kolum at katapat ng isang hanay upang ipakita ang ugnayan ng mga iyon sa isang tiyak, kompak, at nauunawaang anyo.

1. Layn Graf

- ginagamit upang ipakita ang mga pagbabago ng varyabol.

- epektibo ito kung nais ipakita ang trend (kung mayroon) o pagtaas, pagdami o pagsulong (o ang kabaliktaran ng mga ito) ng isang tiyak na varyabol.

2. Bilog na Graf (Circle o Pie Graph)

- ginagamit upang ipakita ang distribusyon, pagkakahati-hati o divisyon, proporsyon, alokasyon, bahagi o fraksyon ng isang kabuuan.

- ang kabuuang hinati-hati ay maaaring katawanin ng isang simpleng bilog o di kaya'y ng multi-dimensyunal na bilog na kahawig ng isang pie.

May tatlong paraan ng presentasyon ng mga datos na nakalap sa pananaliksik:

  • Tekstwal
  • Tabular
  • Grafikal
Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi