Ang isip ay may kapangyarihang umalam, umunawa at gumawa ng sumusunod:
• Humanap ng impormasyon
• Umisip at magnilay sa mga layunin at kahulugan ng mga impormasyong nakalap
• Sumuri at alamin ang dahilan ng mga pangyayari
• Alamin ang mabuti at masama, tama at mali, at ang katotohanan.
• Umisip ng mga paraan upang maisagawa o mailapat ang mga kaalaman sa araw-araw na pamumuhay
Ang kilos-loob ay may kapangyarihang gumawa ng sumusunod:
Malayang pumili ng gustong isipin o gawin
Umasam, maghanap, mawili, humilig sa anumang naunawaan ng isip na gawin.
Maging mapanagutan sa pagpili ng aksyong makakabuti sa lahat.
- Paghahanap ng kahulugan at totoong layunin ng buhay
- Pag-unawa at pagbibigay-katuwiran sa katotohanan at mga moral na alituntunin at pag-ugnay nito sa buhay
- Paghusga at pagpapasiya batay sa malinaw na pamantayan ng moralidad
- Pag-unawa sa pangkalahatang katotohanan
- Pagsusuri sa mga dahilan at epekto ng mga pasiya at gawi
- Makatuwirang paglutas sa mga suliranin
- Pagmamahal sa Diyos at kapwa
- Pagpili ng pinakamabuti, pangkalahatang katotohanan at moral na pagpapahalaga
- Pagdaan sa masusing proseso ng pagpapahalaga at pagpapasiya nago isakilos
- Pagkilos bunga ng malayang pagpapasiya
- Paggamit ng kalayaan nang may pananagutan sa kalalabasan ng pasiya o kilos
Paano ang Pag-alam ng Katotohanan?
- Ang katotohanan ay batay sa kalikasan ng tao at ito ay para sa kabutihan ng lahat o ng nakakarami.
- Kapag ang isang bagay ay totoo, tiyak itong mabuti at hindi ito nakakasakit sa materyal at esperitwal na katangian ng tao.
- Kung minsan, ang katotohanan ay masakit subalit nakakaya itong tanggapin ng tao sapagkat ito ang totoo at para sa kaniyang kabutihan at kabuuan.
Sa paglilimi ng katotohanan,maaaring tanungin ang sarili o magnilay-nilay sa sumusunod na pamantayan:
Paano pagtibayin ang Isip at Kilos-Loob na Pumanig sa Katotohanan?
1. Magbasa ng Banal na Kasulatan
2. Magbasa o manood ng mga dinadakilang aklat at pelikula
3. Linangin ang karunungan sa mga pangkatang pag-aaral
4. Kumuha ng aral mula sa araw-araw na buhay
Ang katotohanan ay inaalam sa pamamagitan ng pagsagot sa mga payak na katanungan na:
Pagsasanay at Pagganyak ng Kilos-Loob:
- Ito ba ay naaayon sa batas?
- Ito ba ay makatarungan?
- Maipagmamalaki ko ba ito sa lahat?
- Tama ba ito?
- Malaya ba ako sa pag-iisip at pagkilos?
- Pagdisiplina sa sarili at pagkontrol sa mga emosyon kung kailangan
- Pagsusumikap, pagtitiis at pagtitiwala
- Pagkakaroon ng determinasyong magbago upang umunlad
- Pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga ng birtud
Mga Paraan ng Wastong Paghubog ng Isip at Kilos- Loob
Pagsasanay ng Isip:
Karunungan, Wastong Paghubog ng Isip at Kilos- Loob
Ang karunungan ang bunga ng nahubog na isip at
kilos-loob batay sa katotohanan.
ISIP AT KILOS LOOB:
Kapangyarihang Nagpapabukod-Tangi sa Tao