Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
Ano ang pangalawang wika?
- Ang pangalawang wika ay tumutukoy sa alinmang wikang natutunan ng isang tao matapos niyang maunawaang lubos at magamit ang kanyang sariling wika o ang kanyang unang wika.
- Ito ay pangalawang wika sa panahon ng kanyang pagkatuto.
Halimbawa:
Kung Ilokano ang katutubo o unang wika ng isang tao at natuto pa rin siya ng Filipino, ang Filipino ang pangalawang wika niya. Kung natuto pa rin siya ng Ingles, ito ay pangalawang wika pa rin niya. Bagama't marami na tayong guro na nagsasalita ng Filipino, ito ay hindi sapat para sabihin na marami ang makapagtuturo ng Filipino at may sapat na ring kakayahan sa pagtuturo nito bilang pangalawang wika.
Kadalasan sa mga site sa pag-aaral ng wikang Ingles, maaari mong mahanap ang mga acronym na ESL.
Ano ang ESL?
- Ito ay kumakatawan sa English as a Second Language o Ingles bilang pangalawang wika.
- Ito ay tumutukoy sa pag-aaral ng Ingles bilang pangalawang wika sa bansang hindi nagsasalita ng Ingles, at upang maitalaga ang Ingles bilang pangalawang wika.
Ang pangalawang wika ay anumang wika na pinagkadalubhasaan matapos ang unang wika o ina dila (mother tongue). Ito ay maaaring maging isang espesyal na pag-aaral sa iba pang wika.
Kaya't ang mga wika sa Pilipinas, tulad ng Tagalog, Ilokano, Pangasinan, Hiligaynon at Cebuano ay salamin ng mabilis na pagdami ng mga masisigla, kalugud-lugod, subalit nakuway, balot ng tuntunin, di pasusupil at di malirip na mga taong nagsasalita nito.
Malayang Salik at Di Malayang Salik
- Nagpapakita ng pagkakaugnay ang malaya at di malayang salik ng kabisaan ng pagtuturo gamit ang unang wika.
Ano ang Lingwistiko?
- Ang Lingwistiko ay pag-aaral ng mga wika.
- Tinatawag na mga "linggwista" ang mga dalubhasa dito.
Komunidad
- Ang komunidad naman ay binubuo ng mga tao sa lipunan.
Ang wika ay isa sa pinakamahalagang kasangkapan sa buhay ng tao sa anumang gawain niya sa araw-araw. Hindi maiiwasan ang paggamit ng wika sa anumang anyo nito sapagkat saklaw ng wika ang bawat bagay na ginagawa ng tao. Siya ang panlahat na salik o elemento na nagbibigay ng kaisipan sa karunungan ng tao.
Sa pamamagitan ng wika maipapahayag niya ang kanyang saloobin, pananaw at maituturo niya ang mga karunungang kinakailangang taglayin ng tao. Dahil likas sa tao ang makisalamuha at makipagtalastasan sa kanyang kapwa ay kinakailangan niyang gamitin ang wika sa mabuting paraan. Ang wika ay siyang naging behikulo na siyang tagahatid ng damdamin, kilos at niloloob ng tao. Ayon kay JVP, ang wika ay parang tubig. Ang hugis ng tubig ay kung ano ang hugis ng sisidlan. Ang sisidlan ng wika ay bayan-taumbayan. Dahil dito, ang wika ang pinakamalinaw at pinakamahusay magbigay ng himaton sa kung ano ang partikular na pananaw ng tao sa daigdig na kaniyang ginagalawan.
Bagama't marami na tayong guro na nagsasalita ng Filipino, ito ay hindi sapat para sabihin na marami ang makapagtuturo ng Filipino at may sapat na ring kakayahan sa pagtuturo nito bilang pangalawang wika. Kakailanganin din niya ang kaalaman sa mga simulain sa pagtuturo ng pangalawang wika
Ang Pangalawang Wika ay:
- Natutunan mula 5-7 taon o sa pagtuntong sa paaralan.
- May takdang oras ng pag-aaral ayon sa bilang ng oras na itinatadhana sa pinagtibay na kurikulum.
- Ang guro lamang o sinumang tagapagturo ng pangalawang wika sa paaralan ang kanilang magiging gabay sa pagkatuto.
Kahalagahan ng Pangalawang Wika:
- Pakikipag-ugnayan sa mga dayuhan
- Magagamit sa trabaho at negosyo
- Pagpapaunlad ng turismo sa bansa
- Maraming gamit ang wika. Maaaring sa pagpapahayag ng pangangailangan o sa kawalang kaya ng pisikal na larawan, madalas na lumilikha tayo ng patern sa wika na baligho sa sistema nito. Maaaring sa pamamagitan ng wika ay ma-impluwensyahan o magbago ang pag-iisip o kilos ng mga tao o tumulong sa kooperasyon at koordinasyon ng mga tao.
- Sa pamamagitan ng wika, naisasalin natin ang mga impormasyon mula sa isang tao tungo sa isa pang grupo ng mga tao na karaniwang sinusuklian ng reaksyon.
- Ang wika ay mahalaga sa lipunang ating ginagalawan. Ito ang ginagamit sa araw-araw na pakikipag-ugnayan sa kapwa.
- Ayon kay Tumangan(1986), "Ang wika ay mahalagang bahagi ng lipunan sa dahilang ito ang kasangkapang kailangan sa pakikipagtalastasan."
- Ang Linggwistikong Komunidad ay ang iba't ibang uri ng mga wikang ginagamit sa komunidad.
- Ito ay isang lipunan na maraming wikang ginagamit.
- Ang Linggwistikong Komunidad ay mga taong nagbabahagi ng wika o dayalekto.
-Ito ay ang iba't ibang uri ng wikang ginagamit sa komunidad sa paglipas ng panahon.
Halimbawa:
Beki language, Jejemon, Social media words (lol, brb, lmao etc.) mga salitang balbal o salitang kanto (mudra, pudra, wapakels, waley, erpats, ermats, boom panes, edi wow etc.)
- Ang salitang balbal ay katumbas ng slang sa Ingles at itinuturing na pinakamababang antas ng wika. Ito'y singaw ng panahon sapagkat bawat panahon ay may nabubuong salita. Ito rin ang nagpapatunay ng pagiging dinamiko ng wika.
Kahalagahan ng Pag-aaral ng Unang Wika:
- Ito ay makapagbibigay ng kaalaman at kapakinabangan.
- Makatutulong din ito upang malaman kung nagiging mabisa ang paggamit ng unang wika sa pagtuturo.
- Makapaghanda ng mga gawaing lilinang sa mga tiyak na kasanayan sa paggamit ng unang wika.
Ang unang wika ng isang bata ay bahagi ng kanilang personal, panlipunan at pangkalinangan na pagkakakilanlan. Isa pang epekto ng unang wika ay na ito ay pinagsasama tungkol sa sumasalamin at pag-aaral ng mga matagumpay na panlipunang pattern ng kumikilos at nagsasalita.
Layunin ng Pagtuturo Gamit ang Unang Wika:
- Para malaman ang iba't ibang katangian ng pagtuturo ng isang wika.
- Natatalakay ang mga paraan sa pagtuturo nito.
- Napalalawak ang kaalaman sa paggamit ng wika.
- Nabibigyang halaga ang paggamit ng ating wika.