Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

Kabanata 19: Ang Mitsa

Talasalitaan:

Bakit pinamagatang "Ang Mitsa" ang kabanata 19?

Mitsa - isang parte ng bomba na sinisindihan upang ito ay pumutok.

- dahilan o sanhi.

Procurador - pinuno ng relihiyosong korporasyon.

Naghihinagpis - umiiyak.

Umiling - di pumayag o tumanggi.

Tumalima - sumunod o sumang - ayon.

Naratnan - nakita.

Ang ibig sabihin ng Mitsa ay ang "dahilan" o "sanhi". Sa storyang ito napakita ang mga naging aksyon ni Placido Penintente sa mga pangyayayring naganap sa kanyang paligid. Dahil sa mga biglaang pangyayari biglang nag-iba ang kanyang ugali at hindi na siya tulad ng dati, siya ay naging mapaghiganti.

Mga Tauhan:

* Placido Penitente - mag-aaral na nawalan ng gana sa pag-aaral dahil sa suliraning pampaaralan. Ang ibig sabihin ng kanyang pangalang ay "Tahimik Nagdurusa".

* Simoun - ang ngahihimagsik na ang layon lamang ay ang paghihiganti at pagsugpo sa kasamaan ng pamahalaan.

*Kabesang Andang - ina ni Placido na nagmula pa sa Batangas, isang ignoranteng ina.

* Don Custodio - Makapangyarihang opisyal na mahilig sa publisidad.

Mga Tagpuan:

Paano ito maihahantulad sa Kasalukuyan?

Buod:

  • Paaralan
  • Ilog
  • Bahay
  • Karwahe
  • perya

* Sa panahong ito maraming mag-aaral ang nawawalan ng gan sa pag-aaral sapagkat inuuna nila ang pagtatrabaho upang matustusan ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya at iba pang problemang pampaaralan.

* Tulad ni Placido Petinente marami din ang mga taong binabansagang "Tahimik na Nagdurusa" kapag siya ay mahinahon, ngunit kahit anong hinahon ng isang tao kapag iyong ginalit nagiging mas mabangis at walang makakapigil sa kanyang makapatay o mamatay tulad lamang ng isang paputok kapag ito ay nasindihan.

Buod:

Lumabas sa klase si Placido Penitente. Hindi na siya ang dating mapagtimpi. Galit na galit siya. Nais niyang gumawa ng isang libo`t isang paghihiganti. Parang ibinubulong ng kanyang budhi: Placido Penitente, ipakilala mong ikaw ay may karangalan, na ikaw ay matapang at maginoo. Taga-Batangas ka na ang paglait ay hinuhugasan ng dugo.

Nakitang nagdaan ang isang sasakyang kinalulunanan nina Padre Sibyla at Don Custodio. Nais niyang habulin ang kura at ihagis sa ilog.

Napadaan sa Escolta. May naraanang dalawang Agustino sa pinto ng basar ni Quiroga. Ibig pag-uundayan ng suntok. Nagpigil. May naraanang dalawang kadete na nakikipag-usap sa isang kawani. Sinagasa niya ito. Tumabi ang mga kadete. Inaalihan ng hamok si Placido.

buod:

Isinama ni Simoun si Placido sa kanyang karuwahe. Pag-karaan ng ilang oras na biyahe ay ipinatigil ang sasakyan. Bumaba sina Simoun at Placido. Nakita nina Placido sina Isagani at Paulita na namamasyal. Nainggit si Placido. Kinainisan sina Paulita at Isagani. Anya: Sa ganyan lamang mapapakinabangan. Nagpatuloy ng paglalakad sina Simoun at Placido hanggang sapitin nila ang isang bahay na munti pagawaan ng mga pulbura na pinangangasiwaan ng dating guro sa San Diego. Inatasan si Simoun na makipagkita ang guro sa tenyente at sa kabo ng mga militar, gayundin si Kabesang Tales. Nagtanong ang guro sa di pa nila kahandaan. Ani Simoun: sapat na sina Kabesang Tales, ang mga naging kabinero at isang rehinameyento ng mga kawal. Kung ipagpapaliban ay baka patay na si Maria Clara. Tumalima ang dating guro.Dalawang oras na nag-usap sina Simoun at Placido sa bahay ng mag-aalahas bago umuwi sa kaserahan si Placido.Nang mapag-isa ang mag-aalahas ay nagtalo ang loob ni Simoun. Sinusurot siya ng budhi dahil bahagi siya ng kabulukang nais niyang puksain. Waring nakita niya ang anyo ng kanyang ama at ng kay Elias na tumututol sa kanyang ginawa. Ngunit umiling siya.Aniya: Kung ako`y tumulad sa inyo ay patay na ako, Gumawa ako ng masama upang mabigyang daan ang mabuti.

Kabanata 19: Ang Mitsa

Ipinasa ni: Gifth Love Cacalda

10 - Aquamarine

Ipinasa kay: Ma'am Jaime

Filipino Teacher

Inakala na ni Placidong wala na siyang pagkakataong mag-aral. Aniya sa sarili. Hindi raw kami marunong maghiganti. Dumating na sana ang lintik at nang makita nila.

Naratnan ni Placido sa bahay na kanyang tinutuluyan ang kanyang ina si Kabesang Andang. Kararating nito mula sa Batangas. Sinabi ni Placido na di na siya mag-aaral. Naghinagpis ang ina. Nakiusap sa anak. Nagpaalam si Placido sa ina.

Ipinakiusap daw ni Kabesang Andang sa prokurador ng Agustino na iayos ang suliranin ni Placido sa nakagalit na Dominiko. Ayaw ni Placido. Tatalon daw muna siya sa ilog Pasig o magtutulisan bago mag-aral na muli. Nagsermon uli ang ina ukol sa pagtitiis. Di na kumain muna, muling umalis ang binata. Nagtungo sa daungan ng mga bapor. Inisip niyang magtungo sa Hongkong, magpayaman at kalabanin ang mga prayle.

Ginabi siya sa paggagala. Walang natagpuang kaibigan. Napatungo siya sa perya. Nakita niya si Simoun. Sinabi niya dito ang nangyari sa kanya at ang hangad niyang magpasa- Hongkong. Nagpatulong siya sa mag-aalahas.

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi