Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

Kabanata 29 ng El Filibusterismo

Tagpuan

Sa Bahay ni Kapitan Tiyago

Mga Tauhan:

Padre Irene

Don Primitivo

Kapitan Tinong

Sakristan mayor

Aristorenas

Donya Patrocinio

Sastre

Talasalitaan

Maringal-marangya

Tagapagpaganap- pagpatupad

Sumakabilang-buhay – namatay

Budhi-kalooban

Pinawalang-bisa – binalewala

Mahahalagang Detalye

>Marangya ang libing ni Kapitan Tiyago bagamat namatay ito nang hindi nakapangumpisal

>Para kay Padre Irene, ang mga paghihigpit ay para lamang sa mga walang ibabayad. Kung iyong ngang Intsik na di bininyagan ay may misa de requiem si Kapitan Tiyago pa kaya.

>Si Padre Irene ang naatasan ni Kapitan Tiyago na maging tagapamahala o albacea ng kanyang mga huling habilin.

>Ang malaking bahagi nito ay ipinagkakaloob sa kumbento ng Santa Clara, ang isa’y sa Papa, sa Arsobispo at sa korporasyong ng mga prayle.

>Mungkahi ni Padre Irene na lubhang mapagkawanggawa sa mga masisipag na batang mag-aaral ay nagpalaan siya ng dalawampung piso (P20) para sa matrikula ng mga batang ito na mahihirap lamang.

>Ang halagang dalawampu’t limang piso (P25) ay nakatakda sanang mamana ni Basilio ay pinawalang bisa ni Padre Irene dahil sa masamang inasal nitong mga huling araw. Sa huli naisip ng pari na makabubuting ibulsa na lamang niya ito kaysa kung saan pa magtungo.

>Sa bahay mismo ng namatay ibinurol si Kapitan Tiyago.

>Nagdagsaan ang kaniyang mga kamag-anak at kakilala. Usap-usapan nila ang tungkol sa himala na nagpakita ang kaluluwa ng namatay sa mga mongha ng Santa Clara noong naghihingalo pa ito. Naliligid dawn g maningning na liwanag ang kapitan.

>Paniniwalang iniligtas ng Diyos ang kanyang kaluluwa dahil sa dami ng mga misang patungkol sa kanya at sa pagkakaloob niya ng kanyang kayamanan sa lapakanan ng relihiyon.

>Dala ng namatay ang kaniyang sasabunging manok, naka-prak, ang pisngi ay nananambok sa nganga at kuwako ng apyan ang nasa kanyang bibig.

>Ang sakristan mayor ay kasama sa mga nag-uusap. Naisip niya kung siya marahil ang mamatay at muling magpapakita ay dala niya ang tasa ng taho na kanyang paborito.

>Ang mga kaklase ni Kapitan Tiyago sa sabungan a naroon din ay pinag-usapan kung hahamunin kaya ni Kapitan Tiyago si San Pedro at bagsabungin ang kanilang manok.Nagtanong din sila kung may mananalo ba o may matatalo.

>Ngunit ang pilosopong si Don Primitivo ay nagsabing walang sinumang matatalo sapagkat ito’y nagdudulot ng samaan ng loob at sa langit ay hindi ipinahihintulot ang sama ng loob.

>Dito tumutol ang bantog na sabungerong si Aristorenas.

>Sa ibang pangkat, pinag-uusapan naman nila ang tungkol sa damit na pamburol ni Kapitan Tiyago. Iminungkahi ni Kapitan Tinong ang kaniyang lumang abito ng Pransiskano ang ipapagamit upang magligtas ang1 bangkay laban sa apoy ng impiyerno.

>Ngunit tumutol ang isang sastre at dapat prak ang ipasusuot sapagkat naka-prak ito noong nagpakita sa mga mongha.

>Ngunit sa bandang huli, si Padre Irene pa rin ang nasunod. Lumang damit ang ipinasusuot nito. Sinabi niyang ang Diyos ay hindi tumitingin sa damit.

>Tatlong pari ang nagtulong-tulong sa mga ritwal ng libing na totoong napakaringal at katangi-tangi.

>Napakaraming sunog ng kamanyag, mga iniwisik na agua bendita at mga awitin sa Latin.

>Ang dating katunggali ni Kapitan Tiyago sa pananampalataya na si Doña Patrocinio ay lubhang nainggit sa kapalarang sinapit ng kapitan at sa karangalang ipinagkaloob dito ngayon. Kaya hinangad niyang mamatay kinabukasan upang malampasan ang napakaringal na libing ni Kapitan Tiyago.

Ang Pagpanaw ni Kapitan Tiyago

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi