Rehistro ng Wikang Pananahi
Ulo
- ito ang bahagi sa itaas na binubuo ng maliliit at tiyak na bahagi ng makina
Turnilyong Pampaandar (Stop Motion screw)
– ito ang malaking turnilyo sa gitna ng balance wheel. Maari itong luwagan o sikipan. Itinitigil nito ang galaw ng makina kapag niluluwagan at pinaandar naman kapag sinisikipan.
Gulong na Pangkamay (Balance Wheel) – ito ang maliit na gulong sa gawing kanan ng ulo na umiikot sa pamamagitan ng kordon sa makina.
Face Plate
- takip sa bandang kaliwa ng braso na maaring alisin upang maparaan ang kabilya ng karayom.
Mahalaga ang pananahi dahil ito ay isang kakayahan na hindi lahat ng tao ay madaling matutuhan. Ito'y isang kilalang pangkabuhayan na may malaking tulong sa ating ekonomiya at kalakal.
Tusukan ng karete (Spool pin)
- ito ay nasa itaas na bahagi ng ulo ng makina. Dito inilalagay ang karete ng sinulid.
Tagataas-babang pisador ( Presser Bar Lifter)
– bahaging nagtataas at nagbaba sa presser foot.
Ikiran ng sinulid ng bobina (Bobbin Winder)
– ang bahaging ito ay malapit sa balance wheel. Ito ang mag-iikid ng sinulid ng bobina.
Presser Foot
- ito ang pumipigil at gumgabay sa tela habang nanahi.
Pang-ayos ng tahi (Stitch Regulator)
– ito ay nakalagay sa ibaba ng ikiran ng sinulid. Inaayos at kinokontrol nito ang haba ng mga tahi.
Kabilya ng Karayom ( Needle Bar)
– sa bahaging ito inilalagay ang karayom. Ito rin ang nagdadala ng sinulid sa ibabaw habang nanahi.
Pang-itaas na panghigpit (Tension Regulator)
– Ito ang nag-aayos ng luwag o higpit ng mga tahi ng makina.
Panikwas na sinulid (Thread take-up lever)
– ito ang bahaging humihila nang paitaas sa labis na sinulid.
Rehistro ng Wikang Pananahi
Sukat
- ginagamit na batayan upang matahi ang isang damit. Maaring ito ay sa pamamagitan ng haba, laki, o kapal ng tela.
Baston
- tahi na ginagawa sa pantalon na kung saan mas masikip ang sukat sa bandang ibaba.
Tinatawag na modista ang babaeng mananahi na karaniwang sumusunod sa modang pangkasuotan ng panahon.
Ang mga lalaking mananahi ay tinatawag na sastre.
Medida (tape measure)
- ginagamit sa pagsusukat ng tela at ng iba't ibang bahagi ng katawan ng tao
Tabas
- paraan ng paggupit/tabas ng tela ng damit.
Bobina (Bobbin)
- dito inilalagay ang sinulid sa ilalim ng makina.
Kama ( Bed)
- ito ang patag na bahagi ng ulo ng makina. Sa ilalim nito pinaandar ng shuttle ang galaw ng sinulid.
Tela
- hinabing mga hibla o mga sinulid upang makagawa ng mga damit at iba pang mga bagay.
Dixon
- Ito ay ginagamit ng mga mananahi para markahan ang mga damit(kung saan tatabasin o tatahiin ang tela).
Kaha ng bobina (Bobin Case)
– pinaglalagyan ng bobina.
Metal na pambibig ( Throat Plate)
– ito ang makinis at makintab na metal sa ibabaw ng kama na pinagdaraanan ng karayom at sinulid.
Gunting
isang aparato na ginagamit sa panggupit ng tela o sinulid
Trimmer (pang-tabas)
- Ito ay alternatibong ginagamit sa pang gupit ng tela. Ito ay mukhang maliit na "pizza cutter".
Takip na metal ( Slide Plate)
– ito ay nasa gawing kaliwa ng kama. Yari ito sa makinis at makintab na metal. Binubuksan ito kung aalisin o ilalagay ang kaha sa bobina.
Ngipin ng makina ( Feed Dog)
- ito ay nasa ilalim ng presser foot. Ang bahaging ito ay may ngiping gumagalaw na siyang nag-uusad sa tela habang ito ay tinatahi.
Sinulid
- isang istambre na mahalaga sa pananahi katulad ng pagdudugtong ng mga punit na tela.
Retaso
- tiratirang tela
Sulsi
- wakasang pagkumpuni
Mananahi
Rehistro ng Wikang Pananahi
Naimbento ang kaunaunahang makinang panahi ni Elia Howe noong 1846. Pinabuti ito ni Isaac Merit Singer noong 1851.
Band Wheel Crank
– ito ang bahaging nagpapaikot sa malaking gulong sa ilalim.
Koreya, Kulindag o Kurdon (Belt)
– ito ay balat na lubid na nag-uugnay sa maliit na gulong sa ibabaw at sa malaking gulong sa ilalim.
Malaking Gulong (Band Wheel)
- makikita sa gawing kanan sa ilalim ng cabinet ng makina. Ito ang malaking gulong sa ibaba na kinakabitan ng koreya at nagpapaikot sa balance wheel.
Giya ng Koreya (Belt Guide)
- pumapatnubay sa koreya upang hindi mawala sa lugar.
Sa makina, mabilis matapos at higit na matibay ang tahi kaysa sa pananahi sa kamay.
Pidal (Treadle)
– dito pinapatong ang mga paa upang umandar o umikot ang malaking gulong sa ilalim sa tulong ng pitman rod.
Pangawit (Pitman Rod)
- isang mahabang bakal na naghuhugpong sa pedal at sa malaking gulong.
Higit sa lahat, ginawa ito sa Hardin ng Eden upang matakpan ang mga maselang bahagi ng katawan na solusyon sa kahihiyang dulot ng kasalanan at pagsuway sa kalooban ng Panginoon.
Ito'y maaring patakbuhin sa pamamagitan ng paa, kamay o kuryente.
Ang pagkaimbento ng makina ay iang malaking hakbang na nagpabuti sa gawaing pananahi.
Ang pananahi ay isang gawain o hanap-buhay kung saan pinagdurugtong ng isang dalubhasang mananahi ang mga tela o katad.
Pananahi
Agoncillo, Gonzales, Salvador, Teodoro