Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

Marami sa mga kabataan ay may kaalaman sa paggamit ng kompyuter dahil sa social networks tulad ng facebook at paglalaro ng online games. Ngunit hindi sapat ang mga kaalaman na ito. Dapat maituro sa kanila ang mga pang akademikong gamit ng kompyuter, katulad ng tamang pagsaliksik gamit ang internet, resposibilidad sa social network at pagprograma.

Ang pangitain ng P & G Philippines ay matulungan ang edukasyon ng mga batang Filipino sa pamamagitan ng koneksyon at isang laptop sa bawat grado ng mag-aaral sa Pilipinas.

Para masuportahan ang paglago ng indutriya at ekonomiya, kinakailangan ng bansa ng isang mabisang gobyerno. Ito ay makakamtan gamit ang kakayahan ng mga edukado at mahusay na manggagawa at ang bunga na kanilang

kaalaman at talento: mga programa at

sistema na magpapabuti ng gobyerno,

serbisyo sa mamamayan at pamumuno

sa isang bansa na tumutungo sa kaunlaran.

Salamat sa Pakikinig!

At isa pa....

Introduksyon

Konklusyon

Ang isang mabisang gobyerno at isang populasyon ng tao na intelektwal at edukado ay importante upang makabuo ng maunlad na bansa. Paano makakatulong ang teknolohiya para makamit ang kaunlaran ng Pilipinas? Ang teknolohiya ay isang larangan na lumalago sa kasalukuyang panahon.

Ang pagpapabuti ng edukasyon gamit ang teknolohiya ay isang importante na layunin at paraan dahil ito ay makakatulong sa bansa na umunlad. Isa sa mga resulta nito ay ang pagpaparami ng mga esperto sa larangan ng teknolohiya na maaring ayusin, pahusayin at pagbutihin ang pamamaraan ng gobyerno.

Kaalaman sa Teknolohiya ng mga Kabataan

Ayon kay Senator Francis G. Escudero (Escudero, 2002), ang sa House Bill no. 632 ay naghihikayat ng sayantipiko at teknikal na literato sa mga kabataan sa edukasyon sa larangan ng compyuter. Sa bill na ito maituturo ang mga pangunahing paggamit at pagprograma sa kurikulum.

“PAGGAMIT NG TEKNOLOHIYA SA

EDUKASYON AT GOBYERNO

PARA SA KAUNLARAN NG BANSA”

Koneksyon:

Bilang isang sagabal sa kaunlaran, ang mababang kalidad ng gobyerno at kanilang mga serbisyo ay lubos na maipapabuti ng mahusay na edukasyon. Sa mga kabataan magmumula ang kaunlaran ng kinabukasan dahil sila ang magtatrabaho sa gobyerno, sila ang mga gagawa ng programa, sila ang pagsisilbihan ng gobyerno at sila din ang gagamit ng mga serbisyo mula sa gobyerno. Dahil dito, kailangan magsimula ang pagpapabuti ng bansa sa mga paaralan.

Ang e.Studyante

Upang mapabuti ang kalidad ng edukasyon gamit ang teknolohiya at internet, inilunsad ang programang “E.studyante” na naglalayong magbigay ng XO laptops sa mga pampublikong eskwelahan.

Ang layunin ng e-governance ay ang pagbubuti ng pamumuno ng gobyerno sa isang bansa at ang pagsulong ng kaunlaran ng ekonomya.

Ikalawa, ang mga serbisyo o e-serivices ay isang paraan upang maibahagi sa lahat ang mga benepisyo na maidudulot ng e-governance.

Una, maaaring gamitin ang teknolohiya para sa e-commerce o ang pagpalitan ng pera at serbisyo gamit ang internet.

Ikatlo, maari din ito gamitin para sa ikabubuti ng komunikasyon sa pamagitan ng gobyerno at mga mamamayan.

Ang E-Governance

Ito ang paggamit ng teknolohiya para sa operasyon ng mga serbisyo mula sa gobyerno (Iglesias, 2010). Kasama dito ang pagiging awtomatiko o computarized ng mga proseso ng gobyerno gamit ang internet at iba pang elektroniko na paraan para sa komunikasyon at pagbabahagi ng impormasyon.

Isa sa mga suliranin na hinaharap ng gobyerno sa larangan ng teknolohiya ay ang kakapusan ng mapagkukunan ng mga kinakailangan para sa pagpapatupad ng e-governance (NEDA, 2005).

Bukod dito, importante rin na may akses ang lahat sa teknolohiya (NEDA, 2005).

Solusyon:

Upang malutas ang mga problema na pumipigil sa tagumpay ng e-governance, kailangan mapabuti ang edukasyon sa larangan ng teknolohiya, maglaan ng husto at sapat na badyet, isigurado na maaring i-akses ng lahat ang mga serbisyo at mayroong kaugnayan ang mga sistema at programa na ginagamit ng iba’t ibang sektor ng gobyerno.

Sa karagdagan, ang pagsulong ng paggamit ng teknolohiya ng gobyerno ay napipigilan ng kakulangan ng mga propesyonal (NEDA, 2005).

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi