Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
Nagkita sina Ibarra at Kapitan Tyago ng bandang hapon. Nagpa-alam naman si Maria na mamasyal kasama ang mga kaibigan nitong dalaga, at kinumbida ng mga ito si Ibarra, na pinaunlakan naman ng huli. Inanyayahan ni Kapitan si Ibarra na doon na maghapunan sapagkat darating si Padre Damaso, na magalang namang tinanggihan ni Ibarra.
Inilantad ni Rizal ang kalupitan ng gobyerno sa mga may kapansanan Hindi inuuna ang kanilang kapakanan. Ipinakita rin ang colonial mentality sa katauhan ni Kapitan Tiyago. Balanse ang personalidad ni Rizal katulad ng naging pananaw niya sa paglilibang at kasiyahan. Nakita rin dito ang kabatirang pangmedisina ng may-akda -na ang ketong ay hindi nakakahawa.
Lumakad na sila at napadaan sila sa kanilang kaibigan na si Simang at ito ay sumama rin sa kanila na mamasyal. Nang marating nila ang liwasan, sinalubong sila ng isang ketongin na nakasalakot at umaawit sa saliw ng kanyang gitara na pinandidirihan ng lahat. Nahabag naman si Maria at binigay niya ang iniregalo ng kanyang ama sa kabila ng pagtataka ng kanyang mga kasama. Lumapit naman ang walang katinuan na si Sisa at kinausap ang ketongin. Itinuro nito ang kampanaryo at sinabing nandoon ang kanyang mga anak, at pagkasabi nito ay umalis ng pakanta-kanta. Lumisan na rin ang ketongin na dala ang bigay sa kanya ni Maria.
Sadyang hinigitan ni Kapitan Tyago ang paghahanda sa kapistahan sapagkat ikinasisiya niya ang mabangong pagtanggap ng mga tao kay Ibarra na kanyang mamanugangin, lalo na at kahit sa Maynila ay tanyag na tanyag ang binata. Sa ganitong pagkakataon ay kasama siyang mapupuri sa mga pahayagan. Samu't saring pagkain at inumin na inangkat pa mula sa ibang bansa. Pinasalubungan din niya si Maria ng mga kagamitang may mamahaling bato.
Mga Gabay na Tanong:
Mga Paliwanag :
1 Sa kapanahunang iyon, ang Espanya ay nalalampasan ng malalaking mga bansa sa Kanluraning Europa . Mapapansin dito ang patagong pag-insulto ni Rizal sa kayabangan ng mga Espanyol sa Pilipinas na ipinagyayabangang huwad nakadakilaan ng Espanya
2 Makikita rito ang kayarian ng isipan ng isang Pilipinong panatiko sa relihiyon - ang kaniyang salapi ay handang gastusin para sa simbahan.Samantalang si Ibarra sa kabila ng pagiging relihiyoso ay binigyan niya ng pansin ang panlupang pangangailangan ng kaniyang mga kababayan.