Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
Saglit na Kasiglahan:
Si Adong ay nasasaktan tuwing naaalala niya ang kasindak-sindak na tingin ni Bruno habang kinukuha niya mula sa kanya ang mga baryang pinaghirapan. Bahagyang nagalak si Adong nang matapos ang misa, subalit, ito'y napalitan ng pangamba nang matanaw ni Aling Ebeng si Bruno na papalapit na sa kanila.
Kasukdulan:
Nagpasya si Adong na kumaripas ng takbo patungo sa mga iskinita upang matakasan si Bruno. Kalaunan, siya'y napagod din at sandaling sumandal sa isang poste upang magpahinga. Nakaramdam siya ng tagumpay dahil sa kanyang akala na natakbuhan niya na si Bruno na dala-dala ang kanyang pera, subalit, si Adong ay nagkamali nang siya nasundan ni Bruno.
Kakalasan:
Gusto sana ni Adong na tumakbo ngunit mahigpit ang hawak ni Bruno sa kanya, kaya hindi niya ito nagawa. Sa kanyang natitirang lakas, sinigawan niya na lamang si Bruno na pakawalan siya.
Wakas:
Naramdaman nalang ni Adong ang malupit na palad ni Bruno at siya'y nahilo. Wala nang ibang naramdaman si Adong sapagkat siya'y nabalutan na ng katahimikan at kapayapaan.
TAUHAN
Panimula:
Ang gabi ay mabilis na lumatag sa Quiapo kung saan ang labindalawang taong gulang na si Adong at iba pa niyang kasama ay nasa tapat ng isang simbahan upang manglimos sa mga nagsisimba roon. Si Adong ay nagdurusa sapagkat siya'y walang kapiling na magulang sa murang edad, kaya, ang nakita niyang paraan para mabuhay ay humingi na lamang ng ilang sentimos sa mga tao.
SIMBOLISMO
1. Adong - mga taong nagsisikap sa buhay
2. Bruno - mga taong gumagamit ng dahas upang makalamang sa iba
3. Aling Ebeng/mga pulubi/mga tao sa Quiapo - mga mapanghusgang tao
4. Mga taong ayaw magbigay ng pera - pagkabigo sa buhay
MENSAHE
- Hindi lahat ng tao ay pantay-pantay.
- Sa buhay, hindi maiiwasan ang pagkabigo.
- May mga tao talagang huhusgahan ka kahit ano ang gawin mo.