Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
Maanyong paraan ng pagpapahayag na nag-uugnay ng mga pangyayari at may layuning magkuwento.
narativ ang teksto kapag nagbibigay ito ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari habang nagpapakita ng mga impormasyon tungkol sa mga tiyak na sitwasyon, tagpo'm panahon at mga tauhan
Ngayong sumapit sa kalahating siglo at isang taon paglagi ko sa mundo, biglang dumating sa akin ang paabiso ng Unyon ng mga Manunulat ng Pilipans na makakasama ako sa programa nila.
Naisip ko tuloy na may distansya ang aking akala na ako ay mita, at ang distansya ay mula sa kanto sa baryo hanggang sa Aurora boulevard sa Kalakhang Maynila.
Ngunit higit pa pala rito ang masisipat sa akin ng UMPIL. Mula sa pagiging Pambaryong Tagasagap ng Balactasan, ako'y makakabilang sa mga Pambansang Alagad ni Balagtas.
Naglalayong alisin o linawin ang mga agam-agam na bumabalot sa
isipan ng bumabasa hinggil sa paksang tinatalakay.
Bakit naglalayong alisin ang agam-agam o mga tanong?
Ang textong Informativ ay naglalahad ng mga impormasyon tungkol sa maraming bagay na may pinagbabatayan. Ang pagkilala sa tiyak na kakayahan ng isang texto ay nakabatay sa nilalaman nito sa layonng sumulat, at paraan ng pagkasulat. Ang textong Informativ ay nagbibigay ng mga impormasyon tungkol sa mga tiyak na kaalaman, bagay at pangyayari, karamihan itong tumutugon sa Ano, Sino, Paano.
Uri ng teksto na nagbibigay ng mahahalagang impormasyon ito ay nagpapabatid nagbibigay ng kaalaman. Uri ng teksto na naglalahad ng mahahalagang impormasyong, kaalaman at kabatran.
Ang textong Informativ sa paraan ng pagkakasulat (iskultura o pagkakabuo) ay nasa anyong paglalahad mula sa simula hanggang sa wakas. Format ang kadalasang presentasyon sa ganitong uri ng texto. Pili at tiyak ang mensahe ng mga salita ang pangungusap na ginagamit upang madaling maunawaan ng babasa. Ang pagbibigay ng kahulugan sa salita o parirala ay inuulit sa loob ng pangungusap lalo pa't mahirap ang terminolohiyang ginamit (teknikal / masining) layunin din sa paraang ito ang pagpapaigting sa impormasyong nais iparating.
Ang Lalawigan ng Iloilo ay matatagpuan sa timog-silangang bahagi ng Islang Panay. Ito
ay kabilang sa rehiyon ng Kanlurang Kabisayaan. Napaliligiran ito ng mga lalawigan ng Capiz
sa hilaga, ng Antique sa kanluran, ng Dagat Kabisayaan at Kipot Guimaras sa silangan, at Golpo
ng Panay at Kipot ng Iloilo sa timog.
Pinaniniwalaang binili ng 10 datu mula sa Borneo ang isla ng Panay sa pinuno ng mga
Negrito na si Marikudo noong 1212. Isang gintong salakot at gintong kwintas ang ipinambayad
ng mga datu.
Napunta kay Datu Paiburong ang teritoryo ng Irong-irong. Nang dumating ang mga
Espanyol, nagtayo sila ng pamayanan sa Ogtong (Oton ngayon). Itinatag ng mga mananakop na
Espanyol ang Fuerza San Pedro sa Irong-Irong. Ang mga Espanyol rin ang nagbigay ng
pangalang Iloilo sa lungsod. Ito na rin ang ipinangalan sa buong lalawigan. Itinatag noong
Marso 10, 1917 ang Lalawigan ng Iloilo.
Ang Iloilo ay isa sa mga pangunahing pinagmumulan ng bigas sa Pilipinas. Bukod sa
bigas, ang ilan pa sa mga pangunahing produkto na nagmumula rito ay tubo, niyog, mais, saging,
mangga, kape, at iba pang lamang-ugat na halaman.
Ang pangisngisda ay isa ring mahalagang pinagkakakitaan ng mga taga-Iloilo. Ang mga
bangus at hipon ay pinagmumulan ng malaking kitang dolyar ng lalawihan.
Kilala naman ang abayan ng La Paz dahil sa masarap na batsoy.
Saan matatagpuan ang Lalawigan ng Iloilo?
Anu-ano ang mga paniniwala ukol sa Lalawigan ng Iloilo?
Ano ang ipinambayad ng mga datun
Kailan itinatag ang Lalawigan ng Iloilo?
Ibigay ang mga produktong nagmumula sa Iloilo.
Ano ang pangunahing pinagkakakitaan ng mga taga-Iloilo?
Maraming imformasyon ang laman ng teksto ukol sa Lalawigan ng Iloilo. Ang mga
imformasyong ito ay ang mga sumusunod:
kape at iba pang uri ng lamang-ugat na halaman
pinagmumulan ng malaking kitang dolyar ng lalawihan.
paglalahad sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng mga konsepto at mga palagay batay sa pansariling haka-haka, opinyon o pananaw.
Ekspositori ang teksto kung ang tungkulin nito ay makapagbigay ng anumang uri ng informasyon at kaalaman. Nagpapakita at nagpapakilala ito ng kaalaman ng anumang katotohanang nauukol sa lahat ng aspeto ng buhay.
Kadalasan, ang mga imformasyon sa tekstong ekspository ay resulta ng mga pag-aaral o pananaliksik, pkikipanayam, paglalakbay, sa ibang lugar at iba pa
Ekspositori ang teksto kung ito ay naglalahad ng mga payak na pagpapaliwanag ng mga konsepto, iniisip at mga pakunwari sa pansariling pananawa o opinyon
Ayon sa Transparency International, pasok nanaman ang Pilipinas mga bansang tiwali, ngunit hindi ito pinakakulelat sa mga nasyon na pinakamalala ang katiwalian sa buong mundo.
Sa ikatlong pagkakataon, nangunguna parin ang bansang Bangladesh sa mga pinakatiwali na nasyon na may iskor na 1.3 sa 133 bansang sinaliksik ng organisasyon.
Ang bansang Finland, Denmark at Iceland ay nangunguna din sa sarbey.
Pang-92 ang Pilipinas, karanggo ng Pakistan, Gambia at Albania, at tatlong iba pang mga bansa na may iskor na 2.5.
* Masasabing makatotohanan ang imformasyong ito dahil bunga ito ng sarbey na isinagawa ng Transparency International. Bukod dito, nakadagdag sa pagkamakatotohanan ng teksto ang pagbanggit ng iba pang bansa na napabilang sa tiwaling bansa tulad ng Bangladesh at iba pa.
ito ay naglalahad lamang ng isang mahalagang pagkukuro, paniniwala o pananaw. Hindi ito humihikayat sa mambabasa upang tanggapin ang mga
patotoo ukol sa isang pananaw, ngunit nagbibibay ito ng mga mungkahi o alternativong solusyon na sa palagay ng may-akda ay mabisa o epektibo.
isang uri ng akdang naglalayong mapatunayan ang katotohanan ng ipinapahayag at ipatanggap sa bumabasa ang katotohanang iyon.
Descriptive ang teksto kung naglalarawan ito ng isang viswal na konsepto tungkol sa isang tao, bagay, pook, o pangyayari. Maaring nagbibigay rin ito ng mas malalim na paglalarawan sa kabuuan ng bagay o ng isang pangyayari.
Kung kaya kung ano man ang iyong nakikita, nadarama, nasasalat, napapakinggan, at nalalasahan kapag iyong isinulat ay matatawag na isang tekstong descriptive.
Ang tekstong deskriptiv ay isang tekstong naglalarawan. Ito ay may mga uri at isa na dito ang Deskripsyong teknikal o ang paglalarawan ng detalyado.
Sa aking paglalakad nakita ko ang isang napakaganda at napakalaking gusali na nakatayo sa malaking lote ito ay may 23 palapag at ang kulay nito ay matingkad na berde sa malayo ay parang nagniningning ang naturang gusali ang mga pinto nito ay mga matitibay na salamin o tinatawag na fiber glass Napakaganda talaga ng gusaling iyon aking nakita.
Ang ganitong uri ng teksto ay tinatawag na Descriptiv.
Ang agham panlipunan ay pag aaral ng mga phenomena at pangyayari sa lipunan. Ito ay agham sapagkat sinsunod nito ang mga siyentipikong pamamaraan at hakbangin sa pag iimbestiga.
Ito ay pag-aaral ng mga sangkatauhan, pangkatangian at kaparaanang nabibilang...
Ang mga agham panlipunan (Ingles: Social Science) ay isang pangkat ng mga displinang akademya na pinag-aaralan ang mga aspeto ng tao sa mundo. Lumalayo ang mga ito mula sa mga sining at humanidades at sa halip nagbibigay diin sa paggamit ng kaparaanang agham at mahigpit na mga pamantayan ng ebidensya sa pag-aaral ng sangkatauhan, kabilang ang mga kaparaanang nabibilang (quantitative) at pangkatangian (qualitative).
A ay ang pag-aaral sa politika. Kasangkot nito ang pag-aaral sa kayarian at proseso sa pamahalaan - o anumang kaparehong sistema na sinusubukang tiyakin ang katiwasayan, di pagkiling, at ang pagsasara sa kabila ng isang malawak na sakop ng mga panganib at pagpasok sa isang malawak na sakop ng mga karaniwan para sa kanilang mga nasasakupan.
Bilang isang resulta, maaaring pag-aralan ng mga siyentipikong politikal ang institusyong lipunan katulad ng korporasyon, unyon, simbahan, o ibang mga organisasyon na malapit sa kayarian at proseso ng pamahalaan sa pagkasalimuot at interkoneksyon.
Ang ekonomiya ay binubuo ng mga sistemang ekonomiko ng isang bansa o ibang area: ang trabaho, puhunan, at mga pinagkukunang lupain at ang pagmamanupaktura, produksiyon, pangangalakal, distribusyon, at konsumpsiyon ng mga kalakal at serbisyo ng areang ito. Ang isang ibinigay na ekonomiya ay resulta ng isang proseso na sumasangkot sa ebolusyong teknolohikal nito, kasaysayan, at panglipunang organisasyon gayundin ang heograpiya nito, pagkakaloob ng natural na mapagkukunan at ekolohiya bilang mga pangunahing paktor.
Ang relihiyon o pananampalataya ay isang kalipunan ng mga sistemang paniniwala, mga sistemang kultural at pananaw sa daigdig na nag-uugnay ng sangkatuhan sa espiritwalidad at minsan ay sa moralidad. Ang maraming mga relihiyon ay may mga mitolohiya, mga simbolo, mga tradisyon at mga sagradong kasaysayan na nilalayon na magbigay kahulugan sa buhay o ipaliwanag ang pinagmulan ng buhay o sansinukob.
Ang mga likas na agham (Ingles: natural science) ay ang pag-aaral sa pisikal, mga aspeto na di para sa tao na tungkol sa Daigdig at ng Sansinukob na nasa paligid natin. Sa pangkalahatan, sinusubok nitong ipaliwanag ang mga gawa ng mundo sa pamamagitan ng mga natural na proseso sa halip na prosesong pang-diyos.
Binubuo nito ang basehan para sa mga nilapat na agham. Kapag pinagsama, ang likas at nilapat na mga agham ay natutukoy sa mga agham panlipunan sa isang banda, at sa humanidades, teolohiya at mga sining sa iba pang banda.
Ang mga araling nauukol sa tao o mga araling pantao. Tumutukoysa mga sining na biswal tulad ng musika, arkitektura, pintura, eskultura, teatro o dula, panitikan.
Ang matemaika ay ang pag-aaral ng kantidad, espasyo, istaktura at pagbabago. Ang mga matematiko na nag-aaral ng matematika ay naghahanap ng mga paterno(patterns) at isinasa-pormula ang mga bagong konhektura. Ang mga matematika ay lumulutas ng katotohonan o kamalian ng mga konhektura sa pamamagitan ng mga matematikal na pagpapatunay na mga argumentong sapat upang mahikayat ang ibang mga matematiko sa balidad nito
Ang teknolohiya ay mayroong higit sa isang kahulugan. Isa sa mga kahulugan ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao. Bilang isang gawain ng tao, ang teknolohiya ay nauna pa kaysa sa agham at inhinyeriya.
Ang propesyon ay isang bokasyon na naitatag sa isang espesyalisadong pagsasanay na pang-edukasyon, na ang layunin ay ang makapagbigay ng malayuning payo at paglilingkod sa ibang mga tao, para sa isang tuwiran at tiyak na kabayaran, na nakahiwalay nang buo magmula sa inaasahan ng ibang pagkakamit na pangnegosyo
Samantalang...
ang isang propesyunal ay ang tao na binabayaran upang magsagawa ng isang espesyalisadong pangkat ng mga gawain at upang makumpleto ang mga ito para sa isang kabayaran
Ang agham o siyensiya ay kapwa ang proseso sa pagtamo ng kaalaman at ang organisadong bahagi ng kaalaman na natamo sa pamamagitan ng pamamaraan nito.
MARY JOY FLORES
and
Source: http://www.bse.ph/download/EASE%20MODULES/FILIPINO/FIL%202/Modyul%209-Panandang%20Diskursouri%20ng%20teksto.pdf
PILIPINAS NO. 92 SA LISTAHAN NG KATIWALIAN
May mga tekstong ekspositori ring nasusulat tungkol sa mga pulitiko, artista, at iba pang kilalang tao na nagbubunyag ng kanilang mga itinatagong kagalingan o kaya ay katiwalian na lingid sa kaalaman ng maraming tao.
Ano ang iyong napansin sa tekstong iyong binasa? Hindi ba't nagtataglay ito ng mga pagkukuro-kuro, paniniwala, o pananaw ni PGMA ukol sa terorismo?
Ano ba ang tawag sa tekstong naglalahad ng pagkukuro-kuro, paniniwala o pananaw ng isang ukol sa isang maselan o mahalagang isyu?
Pag-aaral sa ibabaw ng mundo.
Agham ng mga lokasyon ng mundo. Nakapokus ito sa distribusyon ng likas na yaman at mga tao sa ibabaw ng lupa
Ay ang pag-aaral ng mga alituntunin ng lipunan at ang mga proseso na binibigkis at hinihiwalay ang mga tao di lamang bilang mga indibidwal kundi bilang kasapi ng mga asosasyon, grupo, at institusyon.
Tinatawag ito na pag-aaral sa mga buhay panlipunan ng mga tao, grupo at lipunan, sa ating mga ugali.
Agham pang-tao o antropolohiya ay ang pagaaral sa lahi ng tao. Holistiko ito sa dalawang kamalayan: inaalala nito ang lahat ng tao sa lahat ng panahon, at sa lahat ng kasukatan ng sangkatauhan. Nasa gitna naman ng usapin ang kultura at ang kaisipan na bumalangkas sa ating uri sa isang unibersal na kakayahan.
Ay ang pag-aaral ng isip, diwa at asal. Binibigyan ng malaking pansin nito ng mga tao, bagaman pinag-aaralan din ang asal at diwa ng mga hayop.
Pag-aaral sa kilos o gawi ng tao.
Ang pagaaral sa mga kalinangan ng tao sa pamamagitan ng pagbawi, pagdokumento at pagsusuri ng mga materyal na labi.
Pagaaral ng mga labi ng tao noong unang panahon o sinaunang panahon.