Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
Ang bawat tauhan sa akda at nagpakita ng malinaw na karakter/pagkatao upang maintindihan nang maayos ang kwento base sa kanilang pagganap. Angkop ang tagpuan, lugar at panahon sa gustong ipahiwatig ng akda. Sa daloy ng pangyayari, madaling maintindihan ng mambabasa ang kwento. Maayos na naihabi ang bawat elemento at emosyon sa akda. Bagama't hindi na magkapareho ang panahon natin sa noon, ang akdang ito galing sa mitolohiya ng mga Griyego, ay mabilis pa rin nating maiintindihan at maiaangkop sa kasalukuyang panahon dahil sa nakapaloob na mensahe nito. Ang magmahal nang lubos at totoo kahit anuman ang balakid na kahaharapin ay ang aral na matutunan at matatandaan ng bawat mambabasa ng akda.
Sa kwentong, Si Pygmalion at Galatea maayos na naiparating ng may-akda ang mga kaganapan sa kwento. Naaangkop ang mga salitang kanyang ginamit upang ilarawan ang kanyang mga tauhan at ang mga pangyayari sa kwento. Gumamit siya ng mga bantas upang maiparating ang diyalogo ng kanyang mga tauhan. Naaangkop din ang mga salitang ginamit niya upang maipakita na ang kwento ay nangyari noong unang panahon. Maayos ang naging takbo ng kwento, nagkaroon ng magandang interaksyon ang mga tauhan sa isa't isa . Hindi rin nagkahalo-halo ang diyalogo ng mga tauhan sa pagsasalaysay ng may-akda sa mga pangyayari.
Ang tagpuang (lugar at panahon) ginamit sa kwento ay bumagay sa temang tinalakay dito. Mabilis na nailarawan ng may-akda kung anong klase ng tema mayroon ang kwento. Sa pamamagitan ng tagpuan agad na malalaman ng mga mambabasa na isang makaluma at tradisyunal na tema ang ginamit sa kwento. Angkop din ang tagpuan sa karakter ng mga tauhan. Naaayon ang mga katangian at pamumuhay ng mga tao sa ginamit na tagpuan. Maayos at naging maganda ang daloy at koneksyon ng bawat isa.
Sa kuwentong sinuri, masasabing naging matalino ang may-akda sa pagsasaayos ng mga pangyayari rito. Ang bawat senaryo ay konektado sa isa’t-isa at hindi naging mahirap para paghambing-hambingin ang mga ito, maging ng mga mambabasang nasa murang edad pa lamang. Organisado ang daloy nito sapagkat magaling na napagkasunud-sunod ang mga pangyayari magmula sa umpisa hanggang sa wakas. Nakapagdulot ito ng kasabikan sa mga mambabasa at hindi pagkabagot. May kasiguraduhan ang mga hakbang na ginawa sa pagsulat kaya’t hindi ito kakikitaan ng anumang pagmamadali upang matapos.
Sa kuwentong si Pygmalion at Galatea, iba’t-ibang katangian at pag-uugali ang pinanghawakan ng mga karakter. Si Pygmalion na pangunahing tauhan sa akda, ay isang bihasa at mahusay na iskultor na hinahangaan ng maraming kababaihan ngunit sa kabila nito, ay naging pihikan siya sa mga babae. Para sa kanya, ang pakikipag-mabutihan sa mga kababaihan ay pag-aaksaya lamang ng oras at pare-pareho ang kaniyang pananaw ukol sa mga ito. Iginugol niya ang kanyang oras sa paglililok hanggang sa isang araw ay maiukit niya ang isang estatwang nagpakita ng lahat ng katangiang inaasam niya sa isang babae. Ipinangalangan niya itong Galatea. Si Galatea ang estatwang lubos na minahal ni Pygmalion at itinuring isang tunay na kababaihan. Si Galatea ay nabigyang buhay ni Aphrodite. Si Aphrodite ang ikinikilalang Diyosa ng pag-ibig sa akda na nagbigay daan sa wagas ng pagmamahal ni Pygmalion para kay Galatea sa pamamagitan ng pagbibigay buhay nito sa estatwa upang ang labis na pagmamahal nito ay masuklihan din ng pagmamahal na nararapat lamang para sa kanya.
Si Pygmalion ay isang makisig na binatang eskultor na ilag sa mga kababaihan dahil sa ugali ng mga ito. ang kanyang oras ay iginugugol niya sa paglililok hanggang makagawa siya ng isang obra. Ang obrang ito ay isang babae na nagtataglay ng mga katangian na nais niya para sa isang babae. Pinangalanan niya ito ng Galatea at minahal ng totoo. Hindi niya inalintana ang opinyon ng iba. Hanggang sa dumating ang araw ng pista at napag-alaman ni Aprodite, ang diyosa ng pag-ibig at kagandahan ang tunay na pagmamahal ni Pygmalion kay Galatea. Siya ay naantig at kanyang binigyang buhay ang babaeng pinakamamahal ni Pygmalion. Sina Pygmalion at Galatea ay nakabuo ng isang masayang pamilya kasama ang kanilang mga anak na sina Paphos at Metharme. Bilang pasasalamat sa kabaitan ng diyosa, ang kanilang pamilya ay taon-taon na nag-aalay sa templo ni Aprodite.