Bakit nag-iisa si Salome sa kanyang kubo?
Bakit naluha si Salome nang matapos
purihin ni Elias si Maria Clara?
Bakit naisipan na ni Salome ang pagtungo sa mga kamag-anak sa Mindoro?
Anong sakit ng lipunang dukha ang nasa kasaysayan ni Salome?
Gaano kamahal ni Salome si Elias?
Bakit ayaw mag-asawa ni Elias?
Ano ang lunas dito ayon kay Salome?
Ano ang nakapigil kay Elias sa likod ng malaking pag-ibig niya kay Salome na sumama sa dalaga sa Mindoro?
*pinakamarikit na kabanata
- hindi kasama sa orihinal na manuskrito
*kubo ni Salome:
- nasa gitna ng kawayanan sa tabi ng batis
- may mga alagang hayop sa paligid
- ang dukhang ina ni Salome na nalulong sa pagsusugal noong buhay pa ay nagpamana sa anak - UTANG
(nag-alaga ng mga manok, pabo at kalapati si Salome upang makabayad)
-ang sinasabing pag-aalaga ng mga hayop at ang simple at di maluhong pamumuhay ang lunas upang ang dukha ay makaiwas sa pangungutang
*magandang aral ito ni Rizal para sa mga dukha --- UMASA SA SARILI
-dito unang ipinaliliwanag ang dahilan ng malaking malasakit ni Elias kay Crisostomo na tutumbasan ng sariling buhay at pag-ibig ang pagliligtas kay Crisostomo - para sa bayan
-wala na raw siyang kinaiinggitang sino man sa gitna ng kanyang pangungulila at karalitaan dahil kasintahan niya si Elias
SALOME: "...iniisip kong ginawa lamang ang umaga upang paghandaan ang pagsapit ng maligayang hapon (pagdating ni Elias) at ang gabi naman ay para pangarapin at ikasiya ang alaala ng damdaming hindi ko dating nadarama (pangarap sa kaligayahang dulot ng pagdating ni Elias at pag-asam sa kanilang pag-iisang dibdib)
*paglalarawan kay Salome:
- simple ang suot ngunit maganda at malinis
- walang alahas sa katawan
- kaakit-akit, bata pa, mapungay ang mata, maganda ang ilong at makipot ang bibig
- masigla ang mukha
-mapapansin ang kagandahan kung tititigan nang mabuti
- namatay na ang kanyang ama at ina kaya siya ay napag-isa na
-palagi lamang siyang dinadalaw roon ni Elias na ni hindi nagpapagabi roon
-ayaw niyang mangyari sa kanyang magiging asawa ang buhay na dinanas ng kanyang ina; ayaw niyang maranasan ng magiging anak ang nangyari sa kanyang kapatid na babae at sa buhay sarili niyang buhay (mababago sana ito ni Salome -- ngunit dumating sa buhay niya si Crisosotomo)
- maaaring nadagdagan ang kanyang pagkaawa kay Elias na alam niya ang buhay at pagkatao
- maaari rin namang nakadama ng pagseselos ang pusong babae at naawa siya sa kanyang sarili
- mangibang-bayan si Elias doon sa wala itong kakilala; sumama sa kanya sa Mindoro
- nag-iisa na siya at si Elias naman ay ayaw pang lumagay sa tahimik (mag-asawa) dahil ayaw niyang madamay si Salome sa kanyang kasawian
- may sumpang binitiwan si Elias sa bangkay ng kanyang kapatid na babae - sumpa ng paghihiganti na hindi pa niya natutupad
- ang pagdating ni Crisostomo ay lalo pang nakapigil sa kanyang kagustuhan sa pansariling kaligayahan sa piling ni Salome
ELIAS: "... ipinagpasalamat ko ang ginawa niya sa akin; ngunit tumatanaw ako ng utang na loob sa diwang nag-udyok sa kanya para gawin iyon at kailangan kong magbayad..."
ELIAS AT SALOME