Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

Himagsikang Pang-agham at Rebolusyong Siyentipiko

Pagbukas sa Kaalamang Siyentipiko

JOHANNES KEPLER

Ang Panghihimagsik na Makaagham o Rebolusyong Siyentipiko ay isang uri ng pag-aalsang nangyari noong panahon mailathala ni Nicolaus Copernicus ang De revolutionibus orbium coelestium o "Mga Pag-inog ng Makalangit na mga Espero". Ito ang nagwakas sa mga paniniwalang namayani sa Middle Ages. Malaki ang naging epekto ng pagpasok ng mga bagong kaalaman sa Europe bunga ng panahon ng eksplorasyon ; pagtaas ng antas ng kuryosidad na dulot ng Renaissance; at paghamon sa mga turo ng Simbahan na makikita sa Repormasyon, sa pag-usbong ng Rebolusyong Siyentipiko, at sa Enlightenment.

Noong ika-17 na siglo, naging tanyag ang ilang mananaliksik dahil sa kanilang mga nagawa.

AGHAM

PAG-UNLAD NG PAMAMARAANG SIYENTIPKO

TEORYANG HELIOCENTRIC

Sino si Ptolemy?

"Siya ay naniniwalang ang mundo ay bilog at hindi patag."

Sa huling bahagi ng Gitnang Panahon, ilang sayantist at pilosopo ang nagsimulang magdalawang-isip sa Teorya ni Ptolemy.

Si Claudio Ptolomeo ay isang mamamayang Romanong matematiko, astronomo, heograpo, at astrologong may etnisidad na Griyego o Ehipsiyo. Namuhay siya sa Ehipto habang nasa ilalim ng kapangyarihan ng Imperyong Romano, at pinaniniwalaan ng mga dalubhasaang ipinanganak sa bayan ng Ptolemais Hermiou sa Thebaid. Namatay siya sa Alehandriya noong bandang AD 168.

  • Ito ay di naimbento sa panahon ng Rebolusyong Siyentipiko
  • Nanggaling sa salitang Griyego na "scientia" na nangangahulugang kaalaman
  • Ang agham ay walang konsepto ng disiplina at hindi pa tinatawag ang kanilang sarili bilang siyentista
  • Ang medieval na pagtingin sa kalawakan ay maiuugat sa mga pananaw ng dalawang Greek , sina Aristotle at Ptolemy

Teoryang Geocentric

Teorya ni Ptolemy na nagtataguyod na and daigdig ang sentro ng kalawakanat ang ilang Heavenly Bodies ay umiikot dito.

Sino si Leonardo da Vinci?

Sino si Rene Descartes?

Si Johannes Kepler (27 Disyembre 1571 – 15 Nobyembre 1630), isang mahalagang tao sa rebolusyong maka-agham, ay isang Alemang matematiko, astrologo, astronomo, at isa sa mga unang manunulat ng mga kuwentong gawa-gawang agham. Kilala siya sa kanyang mga batas ng paggalaw ng mga planeta, batay sa kanyang mga gawa na Astronomia nova, Harmonice Mundi at ang tekstong aklat na Epitome of Copernican Astronomy.

"Ang agham ay walang kabuluhan at punong-puno ng kamalian kapag hindi nagdaan sa eksperimento, ang ina ng kasiguruhan."

Sino si Aristotle?

Si René Descartes (31 Marso 1596 - 11 Pebrero 1650), ay isang maimpluwensiyang Pranses na pilosopo, matematiko, siyentipiko at manunulat. Siya ang itinuturing na "Ama ng Makabagong Pilosopiya" at "Ama ng Makabagong Matematika".

Si Leonardo da Vinci ay isang Italyanong Renasimyentong polimata: isang arkitekto, embalsamadormusikero, anatomista, imbentor, inhinyero, eskultor, heometro, at pintor. Sinasalarawan siya bilang arketipo ng "Renasimyentong tao" at unibersal na henyo, isang tao na mausisa at maimbento. Tinuturing din siya bilang pinakadakilang pintor na nabuhay.

Sino si Francis Bacon?

Sino si Nicolaus Copernicus?

Ito ay pananaw ni Copernicus tungkol sa kalawakan; ayon sa kanyahindi daigdig ang sentro ng solar system, kung hindi ang araw at ang daigdig ay umiikot sa paligid nito.

"Malaki ang pagkakaiba ng komposisyon ng mga bagay sa kalangitan at sa daigdig."

Si Aristotelisay isang Griyegong pilosopo. Isa siyang mag-aaral ni Plato at ang guro ni Dakilang Alexander. Kasama ni Plato, itinuturing siya na pinakamaipluwensyang pilosopo sa kaisipang Kanluranin. Nagsulat siya ng mga maraming aklat sa physics, panulaan, zoology, lohika, pamahalaan, at biology. Kilala rin siya bilang isa sa mga iilang tauhan sa kasaysayan na inaral ang lahat ng posibleng paksa sa kaniyang panahon. Sa agham, inaral ni Aristotélis ang anatomiya, astronomiya, embriyolohiya, heograpiya, heolohiya, meteorolohiya, pisika, at soolohiya.

Si Sir Francis Bacon ay isang Ingles na pilosopo, politiko, at may-akda. Naging kabalyero siya noong 1603. Naging Baron Verulam siya noong 1618, at Biskonde San Albano noong 1621. Dahil wala siyang mga anak, nagwakas ang mga titulo o pamagat na ito sa kanyang kamatayan.

Si Nicolaus Copernicus na nakikilala rin bilang Nicholas Copernicus, ay isang astronomo na nagbigay ng unang makabagong pormulasyon ng teoriya ng heliosentrismo (nakasentro sa araw) ng sistemang solar sa kanyang aklat, De revolutionibus orbium coelestium (Sa mga Rebolusyon ng mga Selestikal na Esperiko). Ipinanganak si Copernicus noong 1473 sa lungsod ng Toruń (Tinik), sa Makaharing Prussia, isang awtonomong lalawigan sa Kaharian ng Poland.

Sino si Robert Boyle?

Sino si Isaac Newton?

DALAWANG SAYANTIST NA SINURI ANG TEORYA NI COPERNICUS

Si Sir Isaac Newton, P ay isang Ingles na pisiko, matematiko, astronomo, pilosopo, at alkimiko. Isang taong henyo, siya ang tinuturing ng karamihan na isa sa pinakamaimpluwensiyang siyentipiko sa kasaysayan ng agham. Inuugnay siya sa rebolusyong makaagham at pagsulong ng heliosentrismo.

Si Robert Boyle ay isang sayantist mula sa Ireland. Siya ang unang taong gumamit ng sistematikong paraan sa kemistri. Binago niya ang anyo ng alkemi.

GALILEO GALILEI

Sources:

  • http://www.slideshare.net/aoaragon/aralin-25-rebolusyong-siyentipiko
  • wikifilipino.com
  • https://billyjawboiles.wordpress.com/2013/12/12/rebolusyong-siyentipiko-at-ang-panahon-ng-enlightenment/
  • http://www.slideshare.net/ruthela1/rebolusyong-siyentipiko-at-panahon-ng-enlightenment
  • http://tl.wikipedia.org/wiki/Himagsikang_pang-agham

Si Galileo Galilei ay isang Italyanong pisiko, astronomo, pilosopo at siyentipiko na malapit na inuugnay sa rebolusyong maka-agham. Kabilang sa mga nagawa niya ang pagbuti ng teleskopyo, iba't ibang mga astronomikal na pagmamasid, ang una at ikalawang mga batas ng paggalaw (motion), at epektibong pagsuporta para sa paniniwala ni Nicolaus Copernicus. Madalas na tinutukoy siya bilang "ama ng makabagong astronomiya", bilang ang "ama ng makabagong pisika", at bilang "ama ng agham"

ANG PAG-UNLAD NG IBA PANG SANGAY NG AGHAM

Sa gitnang bahagi ng ika-17 na siglo ay lumawak ang interes ng mga sayantist. Ito ang nagdulot ng suporta sa mga pananaliksik.

Sino si Gabriel Fahrenheit?

Sino si JohnNapier?

Sino si Christiaan Huygens?

Si John Napier ng Merchistoun (1550 – 4 Abril 1617) - na lumalagda rin bilang Neper o Nepair - na may pangalang Marvellous Merchiston, ay isang Eskoses na matematiko, pisiko, astronomo, astrologo at ika-8 Laird ng Merchistoun, lalaking anak ni Sir Archibald Napier ng Merchiston. Higit siyang naaalala bilang ang imbentor ng mga logaritmo at mga buto ni Napier (Napier's bones sa Ingles)

Si Christiaan Huygens ay isang Olandes na pisiko, matematiko, imbentor, magrerelo (relohero) at astronomo. Naging kapansin-pansin siya dahil sa kaniyang pangangatwiran na ang liwanag ay nasa anyo ng mga alon. Natuklasan niya noong 1655 ang pinakamalaking buwan ng Saturno na pinangalanang Titan. Nagsagawa rin siya ng madetalyeng mga pag-aaral hinggil sa mga singsing na pamplaneta ng Saturno; at noong 1656 ay natuklasan niya na ang mga singsing na ito ay binubuo ng mga bato. Kabilang sa mga gawain niya ang paggawa ng tumpak na mga orasan, at naimbento niya ang orasang may pendulo noong Pasko ng 1656.

Si Gabriel Fahrenheit ay isang Aleman na physicist na nag-ambag ng iskala ng temperatura na tinatawag na Fahrenheit.

REBOLUSYONG PANG-AGHAM AT SIYENTIPIKO

ni: Jhoanna Fe V. Fulgencio

Grade 9-Alpha

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi