Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

Mga Konsiderasyon sa Pagpili ng Paksa

Ilang konsiderasyon din ang dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksang-pampananaliksik, gaya ng mga sumusunod:

Interes ng Mananaliksik

Limitasyon ng Panahon

Tandaan ang kursong ito ay para sa isang semestre lamang. Magiging konsiderasyon sa pagpili ng paksa ang limitasyong ito. May mga paksa na mangangailangan ng mahabang panahon, higit pa sa isang semestre, upang maisakatuparan.

Magiging madali para sa isang mananaliksik ang pangangalap ng mga datos kung ang paksa niya ay naaayon sa kanyang kawilihan o interes. Hindi niya kailangan pilitin pa ang sarili sa pananaliksik kung ang ginagawa niya ay nauukol sa bagay na gusto naman talaga niya.

Kakayahang Finansyal

Isa pang problema ito sa pagpili ng paksa. May mga paksang mangangailangan ng malaking gastusin, na kung titipirin ay maaaring maisakripisyo ang kalidad ng pananaliksik. Samakatwid, kailangang pumili ng paksang naaayon sa kakayahang finansyal ng mananaliksik.

Kabuluhan ng Paksa

Kasapatan ng Datos

Kailangan may sapat nang literatura hinggil sa paksang pipiliin. Magiging labis na limitado ang saklaw ng pananaliksik kung mangilan-ngilan pa lamang ang mga aveylabol na datos hinggil doon.

Ang isang pananaliksik na nauukol sa isang paksang walang kabuluhan ay humahantong sa isang pananaliksik na wala ring kabuluhan. Samakatwid,kailangang pumili ng paksang hindi lamang napapanahon, kundi maaari ring pakinabangan ng mananaliksik at iba pang tao.

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi