Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
Sinalakay at pagkatapos ay sinakop ng England ang timog at hilagang Burma. Bilang panghuling pagpapahiya sa matayog na kinaluluklukan ng mga monarkiya sa Burma, ginawa na lamang ng England ang Burma na isang lalawigan ng India.
Bunga ng pagkatalo ng Burma, sapilitan itong lumagda noong 1826 sa isang kasunduan sa England na tinawag na Kasunduang Yandabo (Treaty of Yandabo). Sa ilalim ng kasunduang ito,inilipat ng Burma sa English East India' Company ang Arakan at Tenasserim.Pumayag itong magbigay ng bayad-pinsala at tanggapin ang isang British Resident sa palasyo ng hari.
Ang mga sakop ng lupain ng England sa Malaya ay nagsimula sa tatlong daungan na matatagpuan sa Strait of Malacca. Ang mga ito ay ang Penang, Singapore, at Malacca.
Noong 1826, ang tatlo ay pinagsama-sama at tinawag na Straits Settlements. Ang tatlong daungan ay nagsilbi bilang sentro ng distribusyon ng mga produkto ng England at India,tulad ng opyo at tela.
Naging sanhi ng Unang Digmaang Anglo-Burmese (1824-1826) ang paglusob ng Burma sa mga estado ng Assam, Arakan, at Manipur. Itinuturing ng England ang paglusob na ito bilang panimulang panghihimasok sa India.natalo ng Burma ang dulot ng malaking pinsala na natamo ng pwersa nito sa Arakan at Tenasseriam.