Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
Ruth E. Mabanglo
- Isang paglalarawan ng buhay, isang pangagagad sa buhay na binubuo ng mga tauhan
Rubel
- sa sa maraming paraan ng pagkukwento. Ito'y may tawag na hango sa salitang Griyego--- Drama--- nangangahulugang gawin o ikilos
-Elemento ng dula
Tagpuan
-sumasaklaw sa panahon at lugar/ pook na pinagyarihan ng aksyon
-kadalasan inilalarawan ito ng manunulat upang makatulong sa produksyon.
-ang kaligiran ay mahalaga upang makita ng mambabasa ang pinagganapan ng kuwento.
Manonood
-hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hind ito napanood ng ibang tao.
-hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dula’y maitanghal at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o manood.
Tema
-Ito ang pinakapaksa ng isang dula.
Gumaganap o Aktor
-sila ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip
-sila ang nagbibigkas ng diyalogo
-sila ang nagpapakita ng ibat ibang damidamin
-sila ang pinapanuod na tauhan sa dula
-Uri ng dula
Parsa
-kapag puro tawanan at walang saysay ang kwento, at ang mga aksyon ay puro “Slapstick” na walang ibang ginawa kundi magpaluan at maghampasan at magbitiw ng mga kabalbalan.
Trahedya
-kapag malungkot at kung minsan pa ay nauuwi sa isang matinding pagkabigo at pagkamatay ng bida.
Tragikomedya
–kapag magkahalo ang katatawanan at kasawiangaya ng mga dula ni Shakespeare na laging may katawa-tawatulad ng payaso para magsilbing tagapagpatawa, subalit sabanding huli ay magiging malungkot na dahil masasawi onamamatay ang bida o mag bida.
Melodrama o "Soap Opera"
-kapag magkahalo naman ang lungkot at saya, at kung minsan ay eksaherado ang eksena, sumusobra ang pananalita at ang damdamin ay pinipiga para lalong madala ang damdamin ng mga nang sila ay maawa o mapaluha sa nararanasan ng bida.
Saynete
-kapag nagpapatawa ngunit ang mga pangyayari ay karaniwan lamang
Parodya
-kapag mapanudyo, ginagaya ang kakatwang ayos, kilos, pagsasalita at pag-uugali ng tao bilang isang anyo ng komentaryo, pamumuna o kaya ay pambabatikos na katawa-tawa ngunit nakakasakit ng damdamin ng pinauukulan.
Komedya
-kapag masaya ang tema, walang iyakan at magaan sa loob, at ang bida ay laging nagtatagumpay.
Sangkap ng Dula
Tauhan
-Ang mga kumikilos at nagbibigay buhay sa dula.
Tagpuan
-Ang panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinasaad.
Sulyap sa Suliranin
-Pagpapakilala sa problema ng kwento. Pagsasalungatan ng mga tauhan, o kaya’y suliranin ng tauhan na sarili niyang likha o gawa.
Saglit na Kasiglaan
-Ito ay ang saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning nararanasan.
Tunggalian
-Maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa kanyang paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon ng higit sa isa o patung-patong na tunggalian.
Kasukdulan
-Sa puntong ito nasusubok ang katatagan ng tauhan. Dito pinakamatindi at pinakamabugso ang damdamin o ang pinakakasukdulan ng tunggalian.
Kakalasan
-Ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa mga tunggalian.
Kalutasan
-Dito nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at tunggalian sa dula.
-Kombensyon ng dula
- naniniwala o kunwa’y ang manonood sa loob ng ilang oras ay nabubuhay siya sa loob ng isang araw, lingo o buwan o taon, na kasa-kasama ng mga tauhang kanyang pinanonood sa tanghalan.
- tinatanggap ng manonood na tulad sa isang tanghalan, sa totoong buhay ay may tatlong dingding lamang ang isang bahay. Ang ikaapat nadingding ay bukas kayat namamalas at naririnig niya ang lahat ng sinasabi at ikinikilos ng mga nasa loob ng bahay na nasa kanyang harapan.
- ang pagsasalita naparang sa sarili lamang ng tauhan, ay tinatanggap ngmanonood na kailangan o mahalaga upang malaman niya ang iniisip ng isang gumaganap sa tanghalan at upang maunawaan niya ang ilang pangyayaring hindi maaaring ipakita o itanghal. Tinuturing ng manonood na normal lamang sa totoong buhay ang kausapin ng isang tao ang kanyang sarili o kaya nama’y nagsasalita siya sa harap ng ibang tao nang wala naming tuwirang kinakausap o pinagtutungkulan sa kanyang sinasabi.
- tinatanggap ngmanonood na kung ano ang pananalitang binibigkas ng mga tauhan sa dula ay gayon ding pananalita ang kanilang binibigkas at ginagamit sa tunay na buhay.
-Bahagi ng Dula
Yugto (Act)
-Kung baga sa nobela ay kabanata. Ito ang pinakakabanatang paghahati sa dula.
Tanghal-Eksena (Scene)
-Ang bumubuo sa isang yugto. Ito ay maaaring magbadya ng pagbabago ng tagpuan ayon sa kung saan gaganapin ang sususnod na pangyayari.
Tagpo (Frame)
-Ito ay ang paglabas at pagpasok ng kung sinong tauhang gumanap o gaganap sa eksena.
Tibag
Pagsasadula ito tungkol sa paghahanap ni Reyna Elena sa nawawalang krus na pinapakuan kay Jesus.
Iskrip o nakasulat na dula
-pinaka kaluluwa ng isang dula
-lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip
-walang dula kapag walang iskrip
Tanghalan
-anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan
-kalsadang pinagtatanghalan ng isang dula
-ang silid na pinagtatanghalan ng mag aaral sa kanilang klase
Salubong
Ito ay isang prusisyon na ginaganap sa madaling-araw ng Linggo ng Pagkabuhay.
Panuluyan
Dulang itinatanghal sa lansangan at nagpapamalas ng paghahanap ng pansamantalang tirahan nina Maria at Jose doon sa Bethlehem.
Senakulo
Ito ay tradisyonal na pagsasadula ng mga pangyayari hinggil sa mga dinanas ni
Hesukristo bago at pagkaraang
ipako siya sa krus.
Tagadirehe o direktor
-nagpapakahulugan sa isang iskrip
-siya ang nagiinterpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidepende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip.
Legitimate plays
Ito ay binubuo ng mga dulang susmusunod sa kumbensyon ng pagsulat at pagtatanghal nito.
Illegitimate plays
Kabilang dito ang mga stageshows.
Ang stageshow ay kombinasyon ng mga pagpapatawa, musika, mga sayaw at dulaan.
Veneranda Lachica
- Isang uri ng akdang inilalarawan ng mga artista sa ibabaw ng tanghalan o entablado ang kaisipan at damdamin ng may-akda
Arthur Casanova
- Isa sa mga anyo ng panitikang naglalarawan ng mga damdamin at pananaw ng mga tao sa partikular nga bahagi ng kasaysayan ng bayan
-Kasaysayan ng dula
-Kahulugan ng dula