Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
Iibigin ko ang DIYOS at ang ating
Panginoong Jesus ng buong puso,
buong pag-iisip, at buong kaluluwa.
Pahahalagahan ko ang IGLESIA NI CRISTO
at pasasakop ako sa Kaniyang Pamamahala
sa lahat ng sandali ng aking buhay.
Dahil dito paninindigan ko ang mga bagay na sumusunod:
Magiging masiglang kaanib ako ng kapisanang KADIWA at ako’y makikipagkaisa sa mga adhikain at mga layunin nito.
Ako ay HINDI makikipagtipan o mag-aasawa ng taga-sanlibutan. Itataguyod ko ang malinis at banal na pamumuhay. Hindi ako makikisangkot sa mga kalayawan o anumang masamang gawain tulad ng paglalasing at paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
Pagsisikapan ko na mapaghandaan ang ukol sa ikapagtatamo ng matatag na kinabukasan. Itataguyod ko ang kasipagan at pagpupunyagi tungo sa ikapagtatamo ng matatag at malinis na ikinabubuhay.
Iibigin ko ang aking mga magulang at pasasakop ako sa kanilang mga palatuntunan na hindi labag sa mga aral ng DIYOS. Sila’y aking paglilingkuran at tutulong ako sa ikatatatag ng aming sambahayan.
Ako’y maglilingkod sa Panginoong DIYOS at sa ating Panginoong JESUS at aking itataguyod ang maunlad na buhay espirituwal tungo sa ikapagtatamo ng pangakong kaligtasan.