Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
PROYEKTO SA ARALING PANLIPUNAN
Ipinasa kay: ma'am jewel pascual depacto
IDEOLOHIYANG PANLIPUNAN
- Tumutukoy ito sa pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan sa tingin ng batas at sa iba pang pangunahing aspeto ng pamumuhay ng mga mamamayan.
- Nakasentro ito sa mga patakarang pangekonomiyang bansa at paraan ng paghahati ng mga kayamanan nito para sa mga mamamayan. Nakapaloob dito ang mga karapatang makapagnegosyo, mamasukan,makapagtayo ng unyon, at magwelga kung hindi magkasundo ang kapitalista at mga manggagawa.
DEMOKRASYA
KAPITALISMO
SOSYALISMO
Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng mga tao...
Sa demokrasya maaring tuwiran,di-tuwiran,kinatawang demokrasya minsan ay diktatura...
DIRECT O TUWIRANG DEMOKRASYA
DIRECT O TUWIRANG DEMOKRASYA
- Ito ay tinatawag na direct o tuwirang demokrasya kung ibinoboto ng mamamayan ang gusto nilang mamuno sa pamahalaan...
DI TUWIRANG DEMOKRASYA
Magiging di tuwiran ang demokrasya kung ang ibinoboto ng mamamayan ay mga kinatawan nila sa pamahalaan na siya namang pipili ng mga pinuno sa pamahalaan
REPRESENTATIVE O KINATAWANG DEMOKRASYA
DIKTADURANG DEMOKRASYA
Pumipili ang mga tao sa pamamagitan ng halalan ng mga kinatawan na siyang hahawak sa kapagyarihan o pamahalaan sa ngalan nila
Ito ay nagaganap kapag ang inatasan ng mga tao upang mamuno ay magsimulang mangamkam ng kapagyarihan at isawalang-bahala ang kagustuhan ng mga tao
Ang DIKTADOR ay namumuno batay sa kaniyang sariling kagustuhan at hindi sakagustuhan ng mga tao
AWTORITARYANISMO
Isang uri ito ng pamahalaan na kung saan ang namumuno ay may lubos na kapangyarihan. Makikita ito sa pamahalaan ng Iran, kung saan ang namumuno ay siya ring puno ng relihiyon ng estado, ang Islam. may napakalawak na kapangyarihan na sinosunod ng mga mamamayan ang namumuno.
Si Destutt de Tracy ang nagpakilala ng salitang ideolohiya bilang pinaikling pangalan ng agham ng mga kaisipan o ideya .
KONSITUSYONAL NA AWTORITARYANISMO
Ito'y kung saan ang kapangyarihan ng namumuno ay itinakda ng Saligang Batas. Ito ang tawag ng dating pangulong Ferdinand Marcos sa kaniyang pamamahala sa ilalim ng batas militar noong 1972 hanggang mapatalsik siya noong Pebrero 1986.
TOTALITARYANISMO
- Nakasentro naman ito sa paraan ng pamumuno at sa paraan ng pakikilahok ng mga mamamayan sa pamamahala. Ito ay mga pangunahing prinsipyong pulitikal at batayan ng kapangyarihang pulitikal. Karapatan ng bawat mamamayan na bumuo at magpahayag ng opinyon at saloobin
Ang pamahalaang totalitaryan ay karaniwang pinamumunuan ng isang diktador o grupo ng taong makapangyarihan.
PAMAHALAANG TOTALITARYAN
Lahat ng desisyon tungkol sa pamamahala at kabuhayan ay nasa kamay din ng isang grupo o ng diktador. Nasa kamay ng pamahalaan ang pag-aari ng mga lupain, kayamanan ng bansa, at mga industriya.
Subalit, matapos ang kagipitan ,ay umalis ang ganitong katungkulan.Sa sinaunang panahon , maraming bansa ang yumakap sa sistemang ito,na ang pinuno ay isang diktador.Naging palasak ito sa mga bansa sa timog Amerika at iba pang lugar sa asya at Africa ngunit higit na makapangyarihan kaysa sinaunang mga diktador ang makabagong diktadorya.Napanatili ang kapangyarihan sa diktador sa pamamagitan ng pagkontrol sa pamahalaan,ekonomiya,mass media o mga uri ng pamamahayag,simbahan , at pati kaisipan ng mga mamamayan.
Sa ilalim ng ganitong pamahalaan, may ideolohiyang pinaniniwalaan at may partidong nagpapatupad nito. Limitado ang karaptan ng mga mamamayanan sa malayang pagkilos, pagsasalita, at pagtutol sa pamahalaan. Pati ang pag papahayag ng relihiyon ay di lubusang sinasang-ayunan, ngunit hindi rin naman tahasang ipinagbabawal.
Isang uri ng pamahalaang totalitaryan and sistemang diktatoryal.Unang ginamit ang sistemang ito noong sinaunang panahon tuwing may mga kagipitan o labanan at may pangangailangang magtakda ng isang punong militar na may kapangyarihang diktatoryal.
TOTALITARYANISMO
AWTORITARYANISMO
DEMOKRASYA
Ang sosyalismo ay isang doktrina ito na nakabatay sa patakarang pang-ekonomiya na kung saan ang pamamalakad ng pamahalaan ay nasa kamay ng isang pangkat ng tao.
Binibigyan diin nito ang pagtutulungan habang ang mahahalagang industriya ay pag-aari ng pamahalaan.
Ang pangkat nito ang nagtatakda sa pagmamay-ari at sa pangangasiwa ng lupa,kapital,at mekanismo ng produksiyon.Ang mga industriya at lahat ng mga kailangan sa pagpapabuti ng kalagayan ng mga mamamayan ay nasa kamay rin ng pamahalaan.
Halimbawa ng ganitong pamahalaan ang namayani sa China at ang dating Union soviet, kung saan ang teorya ni Karl Marx ay sinubukang bigyang katuparan.
Hangad ng sosyalismo ang pagkakamit ng perpektong lipunan sa pamamagitan ng pantay na distribusyon ng produksyon ng bansa.