Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading content…
Loading…
Transcript

Tukuyin kung anong gamit ng wika ang inilalarawan sa mga sumusunod na bilang.

1) Naghahanap ng mga impormasyon o datos

2) Tumutugon sa mga pangangailangan

3) Nakapagpapanatili/ nakapagpapatatag ng relasyong sosyal

4) Kumokontrol/ gumagabay sa kilos at asal ng iba

5) Nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon

6) Nakapagpapahayag ng sariling imahinasyon sa malikhaing paraan

7) Nagbibigay ng impormasyon o mga datos

Pagtataya

Magsaliksik ng mga halimbawang sitwasyon kung saan ginamit ang bawat tungkulin at gamit ng wika. Magbigay ng tatlong halimbawang sitwasyon para sa bawat tungkulin. Tiyaking napapanahon ang lahat ng sitwasyong ibibigay. Ilimbag o i-print ang mga nasaliksik.

Pang-impormatib

Katangian:

Nagbibigay ng impormasyon o mga datos

Hal.

Pasalita - Pag-uulat, Pagtuturo

Pasulat - Pamanahong Papel

Pangheuristiko

Katangain:

Naghahanap ng mga impormasyon o datos

Hal.

Pasalita - Pagtatanong, Pananaliksik at Pakikipanayam

Pasulat - Sarbey

Pang-imahinasyon

Katangian:

Nakapagpapahayag ng sariling imahinasyon sa malikhaing paraan

Hal.

Pasalita - Pagsasalaysay, Paglalarawan

Pasulat - akdang pampanitikan

Pampersonal

Katangian:

Nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon

Hal.

Pasalita - Pormal o di-pormal na talakayan

Pasulat - Editoryal

Tungkulin at Gamit

ng Wika

Panregulatori

Katangian:

Kumokontrol / Gumagabay sa kilos at asal ng iba

Hal.

Pasalita - Pagbibigay ng panuto / direksyon, paalala

Pasulat - Recipe

Pang-instrumental

Katangian:

Tumutugon sa mga pangangailangan

Hal.

Pasalita - Pangangalakal, Pag-uutos

Pasulat - Liham Pangangalakal

Pang-interaksyunal

Katangian: Nakapagpapanatili/ Nakapagpapatatag ng relasyong sosyal

Hal:

Pasalita - Pormulasyong Panlipunan, Pangungumusta, Pagpapalitan ng Biro

Pasulat- Liham Pangkaibigan

ayon kay M.A.K. Halliday (Michael Alexander Kirkwood Halliday)

Bakit kayo nagsalita o para saan ang paggamit n’yo ng wika sa sitwasyong ibinigay sa inyo?

Hatiin ang klase sa 7 pangkat. Mayroon kayong 10 minuto para makabuo ng isang usapang may 5 linya o diyalogo.

Susi sa Pagwawasto (Pagtataya)

1) Pangheuristiko

2) Pang-instrumental

3) Pag-interaksyunal

4) Pangregulatori

5) Pampersonal

6) Pang-imahinasyon

7) Pang-impormatib

a. Pagkatapos ng ilang buwan ay nagkita muli kayong magkakaibigan sa paborito niyong coffee shop.

b. Bumibili kayo ng sapatos sa isang department store.

c. Itinuturo niyo sa isang kaibigan kung paano pumunta sa isang mall.

d. Nagpapalitan kayo ng opinyon tungkol sa gusto ninyong kandidato.

e. Nagsasalaysay kayo tungkol sa pinuntahan ninyo noong bakasyon.

f. Kinakapanayam niyo ang isang eksperto sa agham.

g. Nagtatalakay ang guro tungkol sa isang paksa sa hanap ng klase.

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi